Okay, isang magandang araw nanaman para sa akin. Sana walang sumira :)
Bumaba ako ng kwarto, at nag good morning. Kaso lang si manang ang nandito sa bahay.
"Good morning, manang! Asan sila?"
"Ganda ng gising niyo sir ah. Wala na po, nauna na silang umalis"
"Ah, ganun ba?"
"Kain na ka na sir"
"Ikaw manang, nag breakfast kana? Tara sabay kana sakin. Wala naman akong kasabay e"
At inihanda na ni manang ang breakfast at kumain kami. Usually, ayokong kasabay si manang o kahit na sino kumain, gusto ko sila ate at mama lang. Pero parang feeing ko nag iba yung ugali ko simula nung makilala ko si Jade.
Matapos kaming mag-,almusal, naligo na ako at nagbihis. Magkikita kasi kami ni jade ngayon sa park.
"Good morning, diwata :) Wake up and eat your breakfast. I'm preppin' for our meet up in park :) Take care :*" Sent to Jade
Ilang minuto lang nag reply na agad siya.
"Hi, James! Good morning too :* I'll be late on our meet up coz I have something to do somewhere. But I'll be there. I'll text you later. Thanks"
"Okay, ingat :*"
End of conversation --
Ano kaya yung gagawin niya? Tsaka sino kaya yung kikitain niya? Okay, antayin ko nalang yung text niya.
Jade's POV
"Bes, aminin mo na kasi sa kanya! Para may idea siya kung bakit ka ganyan"
"Bes, paki mo ba? Diba nasa sayo na siya? Di na nga ako nangingialam e. Ano pa bang gusto mo?"
"Bat ka nagagalit sakin?
"Alam mo Jade, madali lang sabihin yan pero mahirap gawin. Nadadalian ka kasi nga, ikaw yung gusto hindi ako. Nagpaparaya na nga ako diba?"
"Oh, bakit parang ako pa may kasalanan? Huh? Di ko naman alam na gusto mo siya noon pa e. Kung di kita nahuli na binabasa mo yung letter niya, di ko pa malalaman"
"So, what's the point? What are you trying to say?"
"What am I trying to say is that you need to tell him that you've fallen inlove with him"
"And after that? Do you think magugustuhan niya na ako? Isnt that easy!"
"I know na mahirap pero kailangan."
"Para saan pa Jade? Sasagutin mo na nga siya diba? Pag sinabi ko ba, di mo siya sasagutin? Diba sasagutin mo pa rin siya. So ano pang problema mo o nag bibida-bidahan ka lang?"
"Grabe ka! Ganyan na pala tingin mo sakin. Oo, kahit na sabihin mo sasagutin ko pa rin siya. Ang akin lang, gusto ko ng maayos."
"Hahahaha, what are you, crazy? Sinasabi ko nga sayo, mas mahirap makamove on sa crush kesa sa ex."
Hindi na nakasagot pa si Jade, napapaiyak nalang siya at umalis na rin si Micah.
"James, sorry for waiting. I cant be there. May gagawin pala akong importante ngayon. Sorry talaga next time nalang" sent to James
"Ah, okay. Ingat ka nalang"
Napaisip ako bigla kung ano yung kailangan niyang gawin at napakaimportante. Buti nalang di pa ako naalis ng bahay.
"Jeje!!" Text from Micah
"Oh? Himala, napansin mo yung pangalan ko sa contacts mo"
"Pwede ba tayong magkita?"
"Saan? Tsaka bakit?"
"May sasabihin lang ako sayo. Importante"
"Text mo nalang brader!! May laro pa ako e"
"Sige na, i'll treat you nalang. 2pm at starbucks! Seeyah!"
End of convo --
Ano kaya yung sasabihin niya? Nyahh!! Tinatamad na akong lumabas e. Gusto ko na nga lang matulog e.
2pm, At starbucks:
"Ano ba yung sasabihin mong importante?"
"Ahm. Pano ko ba to sisimulan? Okay, ganto! Sorry nga pala dahil nilayuan kita. Ayoko lang masira yung friendship nating tatlo nila Jade...." Tumigil siya bigla nang nakita niya si Jade sa likod ni James.
"Oh? There you are Jade. Kala ko ba may lakad ka?"
"Oo nga. Napaaga lang"
"Pano mo nalaman na nandito kami?"
"Tinext ko si micah? Diba?" Sabay tingin kay micah
"Ah, oo! Katext ko siya"
"Anyway, ano nga ulit yung sinasabi mo?" Ang pagtanong ko ulit sa kanya.
"Ahm. Lilipat na kasi ako ng school"
"Bakit?"
"Lilipat na rin kasi kami ng bahay. E malayo yun mula dito"
"Bat di ka magboard?"
"Ayaw nila mama e."
"Aw, sayang naman"
"Ongae, pero okay lang yan. Magkikita pa rin naman tayo soon :)"
"Tara, james! Kain tayo nagugutom na ako e." Ang singit ni jade
"Ikaw micah? Tara sama ka samin" ang yaya ko kay micah
"Di okay lang. Uuwi na rin naman ako e. Sige bye! Ingat kayo.
Micah's POV
Yung tipong ang sakit sa pakiramdam ng ganto. Yung wala kang masabihan kasi nga walang nakakaintindi sayo. Pero ang mas masakit dun, yung makita mo ang crush mo ay mahal ang bestfriend mo. Pero wala naman akong magagawa kundi i-give up yung feelings ko para kay jeje.
Tama nalang din na aalis na ako sa school namin. Atleast, kahit papano kung maging sila man na ni jade. Di ko na sila makikita together. Kasi kahit na sabihin nating selfish na kung selfish, ano namang magagawa ko e ayun yung nararamdaman ko. Di ko naman pwedeng itago to, para na nga akong puputok na bulkan e.
Ano ba naman kasing palag ko kay Jade Aquino? Maganda, brainy, sporty, rich kid, famous. Diba? Samantalang ako, simple lang ako. Sa simple kong ito hindi ako pansinin. unlike her. Papansinin ba naman ako ng isang Jon James Velasquez, mayaman, gwapo, brainy, sporty, active sa lahat ng org, mabait, humble, down to earth, half way to perfect. Kaya malabong mangyari na maging kami, swerte na ako kasi naging kaibigan ko siya.
Masakit man pero kailangan tanggapin. Kahit mas mahirap makamove on sa crush. Kailangang gawin, the life must go on. Siguro di siya yung lalaking nakatakdang mahalin ako no matter what. Yung tipong hindi ko na kailangang baguhin yung sarili ko para lang matuwa siya o magustuhan niya ako. Darating yung tamang tao sa tamang pagkakataon. Marahil di lang ngayon, siguro malapit na. Yung taong tatanggapin ako ng buong buo. Pero matagal tagal yun mangyayari.
"Bye James, see you next time!" Nagpaalam na si Jade pagkatapos naming kumain.
"Osige Jade, ingat ka. Text ka pag nasa bahay kana"
"Thanks"
Matapos ang usapan namin, naghiwalay na kami ng landas. Di na siya nagpahatid.
Nang makarating kami sa bahay, naabutan kong walang tao. Halos maaga silang natulog, siguro dahil napagod narin sila sa gawain dito sa bahay.
Umakyat nalang ako sa kwarto, naligo at nagtoothbrush, natulog. At umaasa na sana kinabukasan ay may magandang mangyari.

BINABASA MO ANG
Unconditionally
Short StoryThis story is fully fiction. Anything that can be the same in reality such as place, things, event, known person, etc. is not what I meant. Its just coincidence. Hope you'll be like it. 'bal