At last, nagising ako ng dahil sa alarm. Siguro, pagod na talaga ako kagabi kaya mabilis akong nakatulog.
Sa school:
Sinadya ko talaga puntahan si Jade sa classroom nila. Nagpalusot nalang ako sa guard na may inuutos sakin yung prof namin.
"Jade?" Ang tawag ko sa kanya mula sa labas.
Nakita na niya ako pero di parin niya ako pinapansin. Gumawa ako ng paraan para makausap siya.
"Sino po ba dito si Jade Aquino?" Ang tanong ko sa buong classroom. Pero diskarte lang yun na hinahanap siya pero ako lang talaga ang kakausap sa kanya.
"Oh? James?" Medyo parang wala sa mood na sagot
"Pinapatawag ka ni Dean Spencer" Si Dean spencer -- dean ng college of business administration and accountancy.
Sumama na sakin si Jade, pero habang pababa kami.
"Jade? Galit ka ba sakin?" Ang tanong ko agad sa kanya
"Hindi ah! Bat ako magagalit sayo?"
"Kahapon kasi after kong ipabigay kay Micah yung letter, di ka na nagpakita sakin e"
"Ay, oo nga pala! Nabasa ko. Thanks ah"
"Bat ba parang may tinatago ka?"
"Ano ba? Bakit ba parang concern ka? Wala lang ako sa mood kahapon. At ngayon, baka mawala narin ang mood ko" Sabay baba ng medyo mabilis.
"Jade, teka! Sorry! Nagtatanong lang ako e. Tsaka wag kanang bumaba. Sa totoo lang, para makausap lang kita dinahilan ko lang na pinapatawag ka pero gusto lang talaga kitang kausapin" Malungkot na sinabi ko kay Jade.
"Tsk. So, inistorbo mo ko para sa walang kwentang bagay? Mas kailangan mong humingi ng sorry kay Micah!"
"For what?"
"Basta! You need to do the heart to heart talk :)"
"Naah! Baka masampal lang ako nun! Di naman siya galit sakin ah. Kinausap nga niya ako kahapon e"
"James, hindi lahat ng kinakausap ibig sabihin nun wala kang kasalanan. Minsan kailangan nating makaramdam kung may nagagalit na ba sayo o wala" Ang paliwanag sakin ni Jade, sabay umakyat na ulit siya. Bigla akong napaisip sa sinabi niya.
Lunch time: Sa Canteen
"Micah?" Tinawag ko siya para magkausap.
"Oh? Bakit, may gagawin pa kami e. Ano yun?"
"Tapatin mo nga ako! May problema kaba sakin?
"Ako? Wala ah!"
"E bakit parang nilalayuan mo ko?"
"Nilalayuan? Duh? Bakit naman kita lalayuan? Sa anong dahilan?"
"Ewan ko sayo! Bigla ka nalang nagka ganyan after mo kong tulungan kay Jade?"
"Oh? Diba naging close naman na kayo? May kailangan ka pa ba sakin?"
"Shit! Wtf, alam mo di na talaga kita maintindihan e"
"At never mo kong maiintindihan James"
For the first time tinawag niya ako sa totoo kong pangalan.
"Never kitang maiintindihan? E bakit di mo ipaintindi?"
"Ipaintindi? Bakit? Maiintindihan mo ba? Alam mo James, kahit siguro i-explain ko sayo with matching e=mc2 formula ni Einsten. Di mo ko maiintindihan!! Kasi wala ka sa position ko!" Halos umiiyak na si Micah at galit na galit na siya.
BINABASA MO ANG
Unconditionally
Kısa HikayeThis story is fully fiction. Anything that can be the same in reality such as place, things, event, known person, etc. is not what I meant. Its just coincidence. Hope you'll be like it. 'bal