╔═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╗
Clear Threat
╚═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╝Any successful thriller has a clear and imposing threat. What form that threat takes can determine which of the many thriller sub-genres your story falls into. There are many different types of thrillers including crime fiction thrillers, political thrillers, and psychological thrillers. If you're writing a political thriller centered around a government conspiracy, the threat might be the FBI. If you're writing a psychological thriller, then the threat might be a serial killer whose machinations have to be untangled by an intrepid detective. Think about what sort of threat makes sense for the specific thriller genre you are exploring.
━━━━━━━━━━━━━━━
Ang threat sa tagalog ay panakot, o parang blackmail gano'n, it means ito iyong pinaka-barrier sa pagitan ng mga biktima (iyong target) at ng salarin. Ito iyong hindrances o kumbaga pumipigil either sa victims or sa suspects na gawin iyong goal nila, at paano nga ba nasabing dito mo rin madaling maihahayag o malalaman kung anong subgenre ba ng thriller ang gamit mo? Kunyari ang subgenre na gamit sa thriller story mo ay psychological thriller nga, tapos ang daloy ng kuwento ay mayroong magkakaibigan na sumama sa fieldtrip, tapos hindi alam ng magkakaibigan na isa sa kanila ay psychopath. So sa fieldtrip na 'yon, pumunta sila sa mga bundok para mag-camping at doon na nga naganap ang mga pagpatay. So ang threat dito ay iyong isa nilang kaibigan na psychopath, pinipigilan sila nitong gawin iyong goal nila na magsaya lang, mag-enjoy kasama ang iba, at para na rin makatakas nang buhay.
Siyempre, dahil nga dapat clear threat, dapat iyong psycho na kaibigan nila na iyon ay may signs talaga na siya ay psychopath, like nakikita ng readers kung paano gumalaw ang isang psycho na hindi nahuhuli. Dapat may isa ka lang na main threat, at palalaguin mo na lang 'yon using the red herrings, cliffhangers, twists, ikaw na bahala magplano kung paano mo ie-execute nang maayos iyong threat na iyon sa mga biktima. (This is actually my story, epistolary to be exact, "Kill, Cleo, Kill" on my account SenoritaSunny)
Ask yourself again and again, is this threat strong enough for the targets to have difficulties on escaping this threat? Thrilling na ba ito at unique para sa readers? Patatakasin ko ba ang mga biktima ng psychopath na ito o lahat sila hindi makakayanan na makatakas sa threat/s at lahat sila mamamatay? Relevant na ba itong naiisip kong threat sa kanila para sa istorya? Something like these, so you can easily analyze your story in terms of threats. In that case kasi, mapaplano mo na kung kailan mo ire-reveal 'yong threat, kung kailan mo ibabagsak, kung tama na ba 'yong time sa specific scene na iyon o huwag muna, at iyong mga possible outcomes after you reveal the threat. So dapat sa 'yo pa lang, cleared na.
If you still have some other threats, p'wedeng-p'wede naman basta kumbaga, side threats lang, hindi ganoon kalaki iyong epekto sa buong istorya, kumbaga kung may iba ka pang threats parang pieces of puzzles lang. At p'wede mo nga rin siyang i-integrate sa twists. At kung halimbawa naman medical thriller ang sinusulat mo, huwag ka na magsama ng mga alien, or any entity as threat kasi ibang usapan na 'yon, so hindi malinaw ang subgenre kung gano'n.
Remember, threat is part of conflict, and conflict is what challenges the protagonists.
════════ ××× ════════
Sources of information:
https://www.masterclass.com/articles/how-to-write-a-bestselling-thriller-novelIf you have questions, don't hesitate to ask. Thank you.
BINABASA MO ANG
Behind The Mask
RandomTHRILLER GUIDE BOOK PART 1 Behind The Mask: The Secrets of Thriller Writers ━━━━━━━━━━━━━━━ Hola! This book contains writing tips about the THRILLER genre. C'mon, let's find out! - definition - sub genres - guides - how to write - other thriller stu...