III. Twists

15 3 0
                                    

╔═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╗
Twists
╚═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╝

Most good thrillers have a storyline that is full of cliffhangers and plot twists. Subverting your audience's expectations and throwing unpredictable roadblocks in your protagonist's path will produce a great page-turning thriller and keep readers engaged up until the end of the book.

━━━━━━━━━━━━━━━

Ilang beses ko na itong naipaliwanag sa previous tips ngunit sige, ulitin natin ulit, dahil isa talaga ito sa mahahalagang elemento kung paano mo mapagaganda at magiging unique ang istorya mo. For the nth time, ang twists ay iyong mga makapigil-hiningang pag-reveal ng dark secrets, iyong tipong mapapanganga ka talaga dahil mali pala iyong inaakala mo, akala mo ganito ganiyan pero hindi naman pala.

Let's make "Saw II" an example, ito iyong part 2 noong Saw na movie sa example ko sa naunang page dito. Sa movie na 'to, si Amanda ay isa ring biktima ni Jigsaw na kasama ng iba pang mga biktima na na-trap sa isang parang headquarters. Isa itong building na maraming pasikot-sikot kaya marami kang puwedeng pagtaguan. Audience knowing that Amanda is really a victim-are wrong. Sa resolution ng movie, ipinakitang hindi talaga totally biktima si Amanda, yes, she's also a victim but she's the right hand of Jigsaw (panoorin n'yo na lang para ma-gets n'yo). Anyway, ayun nga, kasama ni Amanda si Daniel habang tumatakas sila doon sa isa nilang kasama na gusto na rin silang patayin.

Si Daniel ay anak ni Detective Eric na hindi na nakatiis at pinuntahan sila sa headquarters kasama ang mga pulis. Habang nagpapasikot-sikot si Detective Eric sa building para hanapin ang anak niya, napasok siya sa maruming banyo kung saan naroon sina Lawrence at Adam, patay na sila rito. Doon din ang huling napuntahan nina Amanda at Daniel pero pagdating ni Eric ay wala na sila. And guess what? Nakulong din si Eric sa banyo at si Amanda na biktima ang nagkulong sa kaniya. So the twist is, instead of getting his son para makaalis doon, siya pa ang nakulong. At hindi talaga biktima si Amanda dahil pain lang siya ni Jiganak

Nakaka-mind blown ito dahil hindi mo aasahang makukulong din siya at si Amanda ay isang mabait na salarin din. At ang mas nakakagulat pang twist ay roon siya napasok sa lugar kung saan kinulong iyong mga bida sa part 1 ng movie. Meaning, iba-iba ang Jigsaw at dito pa lang sa part na 'to nalaman kung sino talaga siya.

So basically, while Detective Eric is finding his son Daniel, audience are probably cheering on him-iniisip siguro nila (dahil ganito ako nang mapanood ko 'yon) na dalian niya at baka mapatay rin si Daniel. Pero sa huli, they failed, walang nakaligtas except Amanda. For more understanding, try to watch this movie (Saw II) after ng Saw siyempre para mas ma-determine mo ang elements na na-tackle na natin.

Remember, twists are not just bombs, twists should have relevance to the story.

════════ ××× ════════

Sources of information:
https://www.masterclass.com/articles/how-to-write-a-bestselling-thriller-novel

If you have questions, don't hesitate to ask. Thank you.







Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon