III. The Sidekick

17 4 0
                                    

╔═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╗
The Sidekick
╚═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╝

A secondary character that helps the reader understand the hero's strengths and motivations. Usually a mentor, friend, helper, or romantic interest, they assist the hero with an alternate skill set, act as a sounding board, provide emotional support, get themselves into trouble so the hero must rescue them, and provide comic relief.

━━━━━━━━━━━━━━━

Gawin nating halimbawa ang pelikulang Bird Box na sikat na sikat noong taong 2018. Ang plot nito ay umiikot kay Malorie at sa dalawang batang kasama niya, ang kaniyang anak at ang anak ng kaibigan niya. May misteryosong entity na umaaligid sa kanilang lugar at sa oras na makita mo iyon ay mamamatay ka kaya sila nakasuot ng mga piring sa mata o blindfold. Take note, thriller, horror, sci-fi, and apocalyptic. Ang nagsisilbing sidekicks sa pelikulang ito ay iyong dalawang bata, sina Boy at Girl, yes, 'yan ang mga pangalan nila roon. Ngayon paano sila naging sidekicks?

Gaya ng sabi sa taas, ang sidekicks daw ay ang mga secondary character na tinutulungan ang mga mambabasa para mas maunawaan nila ang buong katauhan ng main character o noong pinaka-hero. Malorie is such a brave woman, she faced challenges while trying to get away from that place to save the children from those entities. Imagine how hard it is to fight with a blindfold even though the opponent is invisble. Ang mga bata ang nagsilbing motibasyon niya para lumaban kahit sobrang hirap, sila iyong nagbibigay ng strength sa kaniya dahil kahit anong mangyari, mas pipiliin niyang iligtas sila. Usually, the secondary characters are the victims, obviously.

Sabi rin sa taas, madalas ito ay mga kaibigan, mentor, o karelasyon. Hindi lang naman iyong dalawang bata ang sidekicks sa Bird Box, bago pa sila umalis sa lugar na iyon at mapunta sa gubat ay namalagi muna sila sa isang bagay kasama ang ibang taong hindi nila kilala. Buntis pa lamang dito si Malorie at ang kaibigan niya. Naging ka-close niya na rin ang mga tao roon, nagtulungan sila upang hindi mapasok noong invisible entity, nag-usap-usap kung anong dapat gawin, iyon nga iyong binibigyan nila ng mga ideya o hindi direktang tinutulungan ang main character. Ngunit hindi lahat ng sidekicks ay nakaliligtas sa huli tulad ng mga MC, minsan, ang papel lang talaga nila ay magbigay ng hints sa MC at sa mismong kuwento.

Tandaan, hindi kailangang maging kagaya ng sidekick ang main protagonist, they do not have to be a perfect friend or a strong partner for them. Isipin mo na lang na main character ang teacher, sidekicks ang mga estudyante at ang principal ang villain. Kidding HAHAHA!

════════ ××× ════════

Sources of information:
https://www.masterclass.com/articles/writing-101-what-is-the-thriller-genre-definitions-and-examples-of-thriller-in-literature

If you have questions, please don't hesitate to ask. Thank you.








Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon