II. High Stakes

16 3 0
                                    

╔═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╗
High Stakes
╚═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╝

Good thriller writers keep readers on the edge of their seats. This requires ensuring that there are massive problems facing a protagonist along with clear, dire consequences should they not succeed at solving the problems. There are many different techniques to raise the stakes in your thriller. Piling one problem on top of the other and putting your characters in seemingly unsolvable predicaments is one way to raise the stakes. Additionally, you might consider adding a ticking clock dynamic and placing a time limit on when your character must solve the problem they are facing.

━━━━━━━━━━━━━━━

Sabi rito, good thriller writers keep readers on the edge of their seats-so what does this mean? By the problems or conflicts protagonists are facing. Sabi rin dito, "Piling one problem on top of the other and putting your characters in seemingly unsolvable predicaments is one way to raise the stakes." So paano ito? Let me just give you an example para madaliin nating maintindihan.

Kung alam mo o napanood mo na iyong movie na "saw" ni James Wan-sa movie na 'to, nagising na lang sina Lawrence at Adam sa isang maruming banyo. Nakakadena ang mga paa nila sa mga tubo. Siyempre, hindi nila alam ang gagawin, ikaw ba naman magising na nakakadena na 'di ba. May kaunting panic sila ngunit mas umiral sa kanila ang critical thinking-kumbaga, hindi sila nagpadalos-dalos, bagkus, nag-isip sila ng paraan kung paano makatatakas. Isang factor ito ng matalinong protagonist, hindi nila pinapairal ang emosyon nila, mas pinapagana nila ang utak nila. Iyon iyong pinakaproblema sa pelikula, nakakadena sila at walang magawa kung 'di mag-isip ng paraan at sundin ang mga clue na ibinibigay noong murderer. Habang dumadaloy ang movie, papahirap na nang papahirap, hindi lang sa paraang duguan kung 'di sa mga revelations din.

Itong mga revelations na ito gaya ng bakit sila nakulong doon, anong pakay ng murderer at k-in-dnap sila, sino iyong mga damay, ano bang ginawa nilang masama at sila ang target-these are the good execution of the purpose of the story, hindi isang bagsakang reveal, unti-unti mong binabagsak iyong bombs with matching pahirap sa mga characters. Tulad na lang ng scene kung saan frustrate na frustrate na si Lawrence dahil narinig niya sa walkie talkie iyong boses ng murderer na kasama na ng pamilya niya, iyon iyong mas nakadagdag ng problema sa protagonist. Sabi nga, piling one problem on the top of another-ibig sabihin kapag nagkakapatong-patong na 'yong conflicts mas bumibigat iyong daloy ng istorya, mas nahihirapan iyong characters mo, kumbaga mas ginagalit mo sila. At ano ba ang nangyayari kapag nasagad na ang isang tao? Siyempre sasabog na 'yan, diyan na magwawala, diyan na lalabas lahat ng galit at gagawa na ng mga madugong desisyon.

At iyon ang nangyari kay Lawrence, nasagad siya thinking na pati ang anak at asawa niya ay dinamay ni Jigsaw, siyempre most of us hate it when our family or any people we love is at risk. "...and putting your characters in seemingly unsolvable predicaments is one way to raise the stakes," at dito na nga papasok iyong isang scene kung saan iyong problema nila parang hindi na kayang lutasan, para bang wala na silang pag-asang makatakas at wala na silang magagawa para labanan si Jigsaw. That's when they can't escape the chain, Lawrence and Adam decided to cut their foot (yes, may lagari kasi roon sa maruming banyo at tig-isa sila, they've been trying to cut the chain but it's a metal so it's hard for them to do so). And that's how the stakes rise, dahil nga hindi na maaalis 'yong kadena sa paa nila, iyong paa na nila ang pinutol nila.

Sabi pa, you can add time pressure for more thrill. Kung hindi sapat sa iyo ang patayan, o duguan lang, maglagay ka ng oras. Sa movie na ito, may oras na ibinigay iyong murderer, kailangan bago mag-6 PM (?) ay mapatay na ni Lawrence si Adam kung 'di mata-trap na sila roon. He shot him but he's still alive, at hindi pa rin tinatapos ni Jigsaw ang laro niya kaya mas na-frustrate doon si Lawrence. And that caused him nga to cut his foot.

Isn't it amazing na iyong example nating movie ay nag-match sa tip na ito? Kaya ganoon kaganda iyong movie dahil tinataglay niya iyong mga important elements ng thriller. For more understanding, try to watch that movie, if you're into gore, you would probably like it.

Remember, ang pagpapahirap sa mga karakter ay hindi lang basta-basta o trip ng author, minsan, lalo na sa mga ganitong genre, required talaga. Kaya kung ikaw 'yong tipo ng author na mahilig magpahirap at pumatay, mag-thriller ka na!

════════ ××× ════════

Sources of information:
https://www.masterclass.com/articles/how-to-write-a-bestselling-thriller-novel

If you have questions, don't hesitate to ask. Thank you.







Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon