I. The Contract

33 5 0
                                    

╔═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╗
The Contract
╚═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╝

"The idea of writing any kind of novel is that you are making promises to your reader and you can't break the promises," Brown said. Introducing mysterious characters, conspiracy theories, and unsolved puzzles at the beginning will draw readers in and lead to questions that need to be answered. Brown believes you must answer those questions-maybe not all at once, but certainly by the end. "If you hang a shotgun on the wall in chapter one, somebody had better use it by the end of the book," he said.

━━━━━━━━━━━━━━━

Ang pinaka-ibig sabihin nito para sa akin ay huwag kalilimutan ang bawat detalye o scene na iyong ilalagay dahil oras na mabasa ng mambabasa iyan ay hindi na nila iyan makalilimutan lalo na't kung mag-iiwan ka ng mga tanong na kailangan mong masagot sa kuwento lalo na sa bandang wakas.

Anong ibig sabihin ni Dan Brown sa contract o sa pagpapangako sa readers mo? Iyon ay simple lang, mahirap magsulat ng mga mystery o thriller na nobela kaya dapat maging maingat ka sa mga ideyang ilalapag mo. Pag-isipang mabuti ang bawat pangyayari sa bawat kabanata, kung sa tingin mo ay delikado pa para sabihin ang isang bagay, huwag mo munang ilagay dahil hindi lang mismo ang kuwento ang magugulo, pati kayo ng mambabasa mo.

Halimbawa, sa isang crime scene, napatay si mafia boss, tapos kailangan nilang hanapin ang pumatay, siyempre mahihirapan ang detective sa paghahanap dahil mafia boss iyon, maraming connections at malay ng readers hindi pala talaga namatay. Sa ganoong scene pa lang parang mahirap na pag-isipan, kailangan alam at kabisado mo ang kilos ng bawat character, huwag kalilimutan kung ano ang personalidad nila lalo na sa climax dahil maaaring makasira iyon sa plot. So, one at a time lang ang paglalagay ng suspense scenes, iyong mas makakapagpaengganyo sa readers na magpatuloy sa pagbabasa, iyong revelations gano'n, nang sa gayon ay masagot lahat ang kanilang tanong at walang maiwan na plot hole.

Kumbaga, huwag mo iwan sa ere iyong readers. Kunwari hintay sila nang hintay kung kailan mahahanap ang bangkay noong mafia boss tapos natapos na't lahat ang istorya hindi nasagot ang tanong. That's why be mindful of the scenes you're going to put especially kung hindi mo kayang i-execute nang maayos, parang sinasayang mo lang ang oras ng mga mambabasa kung gano'n.

Put the bombs one at a time so you could turn them on gradually.

════════ ××× ════════

Sources of information:
https://www.google.com/amp/s/qz.com/quartzy/1449852/dan-browns-top-10-tips-on-how-to-write-a-bestselling-thriller/amp/

If you have questions, please don't hesitate to ask. Thank you.






Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon