Chapter 8

1.5K 45 6
                                    

"Ahhh, this is all my fault." sabi ni Tanya habang sapo ang nuo

Nasa Starbucks sila ng hapong yun. Napagpasyanhan nilang magtungo nalang doon instead of having lunch gaya ng usapan. Matapos ang muling pagkikita nila ni Lance at ni Tita Anette, hindi na siya makapag isip ng tama. Hindi niya inaasahan ang ganoon kabilis na pangyayari. Alright, she's aware of the possibility na magkikita sila pero hindi sa ganoong paraan na kasama pati ang mama nito at ganoon kabilis. She admit it, she did'nt prepared herself. May bahagi sa kanya na  masaya sa muling pagkikita nila but majority was in tense. Alam niyang masusundan pa ang pagkikitang iyon. Lalo siyang kinakabahan.

"Tanz, hindi makakatulong kung magsisisihan tayo ngayon. Humanap na lang tayo ng best solution." si Pia

"I don't know what to do." sabi ni Aya

"Ang pangit ng salubong namin sa'yo. I'm sorry Aya." sabi ulit ni Tanya. Makikita dito ang guilt sa mukha. Aminado siyang kasalanan niya ang lahat kaya nangyayari ito sa kaibigan niya.

"Bebz, wala kang kasalanan. Nangyari na ang nangyari at wala akong pinagsisisihan." Sincere na sabi ni Aya. It was true, hindi siya nagsisisi sa nangyari sa nakaraan niya. Dahil doon, nagkaroon siya ng prinsesa, who loves her very much.

"Aya, hanggang walang alam si Lance, wala tayong magiging problema ok.  So lets just take things easy." sabi ni Pia

"Right." nabigyan siya ng pag asa

"Guys, wag tayong pakasiguro. Hindi natin alam kung talagang wala ngang alam si Lance. Dapat parin tayong mag ingat." si Sab

"What do you mean?" hindi makapaniwalang tanong ni Aya. 

"Sab, may alam ka ba?" si Pia

"Oh God, sabi ko na nga ba,"' frustrated na sabi ni Tanya

"Sab, " untag ni Pia ng hindi ito sumagot

(Sigh) "I decided not to mention it to you guys, since hindi naman siya sumunod sa'yo Aya. Ayaw kong mag alala ka masyado dun lalo't mag isa ka lang. I want you to have a peaceful life kaya hindi ko na sinabi sa inyo. Nalaman ko lang din ito nung siguro, 3 years ka na sa LA.  Naisip kong hindi na kailangan pang sabihin sa inyo." seryosong sabi ni Sab.

The Sab paused for a while. Ng walang nagsalita sa kanila, nagpatuloy siya.

"Nabanggit ni Josh sa akin yun. Nung bumalik si Lance, 3 days after you left, sinabi niyang nagpunta si Lance sa opisina  nyo at hinahanap ka. Si Bob ang nakausap niya, sinabi dito ni Bob na hindi pwedeng i-disclose ang information tungkol sa mga empleyado pero pinagbantaan pa nga daw siyang i-ffire out. "  Si Josh ang Boyfriend ni Sab na asawa na niya ngayon. Ito ang pumalit sa pwesto niya ng umalis siya patungong LA. Kaibigan din ito ni Bob.

"He's dangerous."  si Pia

"Napilitan si Bob na sabihin. Syempre ayaw niyang masesante. We know Lance is very powerful kayang kaya nya ang bant niya kay Bon. Pagkatapos niyang sabihin na nasa LA ka..."

"Tell me Sab, hindi sinabi ni Bob na buntis ako ng umalis ako nun right?"  Putol ni Aya hoping na hindi nga sinabi ni Bob na buntis siya ng umalis.

Hindi sumagot si Sab.

"Sab. please tell me hindi niya sinabi." ulit ni Aya

"Hindi niya sinabi Aya....Pero nakita niya ang record mo" napayukong sabi ni Sab

Narinig niya ang sabay na "oh"  nina Tanya at Pia. Lalo siyang hindi nakapag isip sa narining niya. Her officemates never know that she's pregnant when she leaved. Hindi niya iyon itinago pero hindi niya rin sinabi. Ang tanging nakaka alam lang ay si Bob, who in the first place signed her maternal leave dahil masyado siyang maselan sa pagbubuntis. Two months na siya nun, ng na confirm niya sa OB niya na buntis nga siya. Agad niyang binuksan ang topic tungkol sa promotion at pagkakabase niya sa LA na matagal ng nakabinbin dahil hindi niya madesissyunan nung una. Wala siyang sinisisi. Kahit sinuman sa mga kaibigan niya. 

We'll meet againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon