5 YEARS AGO
"Ano, ready kana?"
tanong sakin ni Tanya habang nakangiti. Tignan mo to, ang sarap batukan. Hindi ko siya sinagot. Naiinis talaga ako pero wala na akong magawa, naka oo na ako. Bwisit!
I starred at my reflection. Syet ang ganda ko. Black off shoulder dress na hanggang tuhod. It fits perfectly to my body. Nakalugay ang itim kong buhok na ginamitan ni Tanya ng electric curler kanina. Light lang ang make up ko. But I admitt it, sobra akong nagagandahan sa sarili ko ngayon. Bihira akong mag ayos ng ganito. Pero hindi ako manang ha. Ngayon kasi, mukha akong sopistikada. Mukha akong mamamahalin. Oo, mamahalin nga, sa presyong limang daang libong piso.
Magkukwento ako ha?
Si Tanya, ang magaling kong kaibigan, mahilig rumaket yun eh, palibhasa malaki ang pangangailangan. Kahit anong raket pinapasok nito. Mag organize ng event, nag wewedding planner, umekstra sa mga pelikula, taga hanap ng ganito ganyan, baka nga, asset na din pala ito ng NBI, FBI, CIA o kung ano pa, hindi lang nito sinasabi. Matagal ko na siyang kaibigan. College student pa kami nun Accountancy ako samantalang Business Adinistration sya. Magkaklase kami sa ilang minor subjects. Simula nun, magkaibigan na kami hanggang ngayon. May ari ito ng ilang mga food stalls na nakapwesto sa mga school, sa malls, o kahit sa mga parks. Kaya hawak niya ang oras nya. Ang totoo, hindi naman na niya kelangan ng mga raket eh, kayang kayang suportahan ng kinikita ng negosyo niya ang sariling pangangailangan at kahit mga luho. Pero meron siyang sinusoportahang dalawang nag aaral na mga kapatid sa probinsya. Sa kanya umaasa. Sa totoo lang, mabait naman talagang kaibigan to eh, kung minsan nga lang, talagang mukhang pera lang.
Apat kaming magkakaibigan. Sa iisang town house lang kami nakatira. Sa totoo lang, sabit lang ako dito, ako kasi pinakabago sa kanila. May anim na buwan pa lang ang nakakaraan ng maipasa ko ang CPA Board Exam at agad na nakahanap ng trabaho sa isang bangko. Pero pagkalipas ng isang buwan, nag resign ako. Bakit? Katulad din ng rason nilang lahat. At dahil narin sa pagtanggap ko ng tawag mula sa HAN Corporation. Isang multinational company na nagsusuply ng materyales ng mga engineering companies. Kahit sino papangaraping magtrabaho dito kaya nang tinawagan nila ako, agad kong sinunggaban ang pagkakataon.
"You're so beautiful bebs,"
si Sab
Isa itong college professor. Marketing ang tinuturo nito sa isang sikat na unibersidad sa bansa. Sa aming magkakaibigan, ito ang pinaka mature. Ang nanay namin. Ito kasi ang pinaka matanda. Yun nga lang, ito din ang promotor sa kalokohan minsan. Mayaman ang pamilya nito, galing sa lahi ng mga pulitoko sa Bacolod. Kaya siya lumayo, gusto siyang sumunod sa yapak ng papa niya bilang public servant pero tulad ng sabi nito, she's too young to be one. At hindi siya nag aral para ma stock sa bayan nila. She wanted to be exposed and learn more.
"Right. Tiyak ma-iinlove sa'yo ang date mo." sabi ni Pia saka ito tumawa. Bwisit talaga
Si Pia, Isang nurse sa isang Children's Hospital. Isa siyang single mom. Pero nasa mga magulang niya ang anak. Ayaw man niyang iwan ito,wala siyang magagawa. Kelangan niyang magtrabaho eh. Pinaka kuripot din ito.Alam niyo naman kung bakit. Iba na talaga kung may responsibilidad na diba.
"Sige, tumawa kayo. Lalo na ikaw, (tinuro si Tanya) baka nakakalimutan mo, kayang kaya kong umatras dito."
"Bebs naman, sorry na. Alam mo naman na,...... "
Nasabi ko na ba kung bakit ako sobrang naiinis? Kasi ganito yun, ang magaling na si Tanya, may bagong raket na nahanap. Magpanggap na Fiance ng isang mayamang binata na ipapakilala sa nanay nito. Isa pa tong mga mayayaman ito. Bakit kelangang may magpanggap? Bakit hindi nalang humanap ng totoong Fiance? Siguro pangit siya, walang magkagusto kahit isa. haha.. Pero sabi ni Tanya, sobrang yaman daw. Anak ng may ari ng isang multi national company. Kaya nga kayang kaya nitong magbayad ng limang daang libo diba. Anyway. yun nga, tinaggap ni Tanya ang raket na ito sa isang kaibigang nag recommend sa kanya, not checking her scheduel at nakipag meeting na rin ito . Sabi sa inyo mukhang pera eh. Dahil hindi niya na check, hindi niya nakitang may nauna at importanteng appointment din siya sa araw na yun. Dahil nga nakuha na yung pera, hindi na siya pwedeng umatras. Ako naman tong si tanga, napapayag niyang maging proxy. Ikaw b naman ang dasalan nito, na lagi nalang bukam bibig ang problema sa tuwing magkikita at mag uusap kayo, na mangongosensya pa dahil daw naipadala na ang pera sa kapatid pambayad sa tuition, pangrenta, budget at kung ano ano pang gastusin sa kanila. Hay buhay. Si Sab, hindi pwede dahil may klase kinabukasan at hindi pwedeng mag absent dahil malapit na ang exams ng mga estudyante niya. At si Pia, 24 hours straight ang duty before that day, malamang tulog ito maghapon. Ako, sa minalas malas ko, off ko the following day. Ano pa nga ba.