CHAPTER 37

66 1 0
                                    



Chapter 37




"Nyxianna, baby wake-up" Narinig kong boses ng isang babae



Hindi pamilyar sa akin ang boses niya pero sa bawat bitaw niya ng salita ay parang kang nakahiga sa isang malambit na ulap.



Wala akong Ideya kung sino itong nagsasalita sa harap ko ngayon pero Pinilit kong dumilat at Bumangon Para lang makita siya.


Sa Harap ko ay bumungad ang isang babaeng May mahabang kulot at maputing kutis.


Ang kaniyang ngiti ay lumawak nang makita ang pagbangon ko. Ang malalalim niyang mga mata ay maihahantulad sa akin pero ang ilong at bibig niya ay kapareha ng kay astrea-

"Mommy!" Agad akong umiyak at niyakap ito kaagad, nang malinawan ako sa itsura niya ay tsaka ko lamang na realized na siya ang matagal ko nang hinahanap na Biological mother.




Sa larawan ko lang nakita si mommy dahil pinakita sa akin ni daddy at ngayon ko lamang siya nakita sa malapitan at nagawa ko pa ang yakapin siya.


Sana naman ay Hindi panaginip itong nakikita ko ngayon. Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya At sinampal ang sarili.


"Don't hurt yourself anak, Bago ka palang nagrerecover sa sugat mo" Sabi niya sakin.

"Sugat?" Ah oo, naalala ko ang nangyari nuong gabing iyon. Kamusta kaya ang nangyari sa kanilang lahat. Agad akong tumingin kay mommy, kahit gusto ko man siyang yakapin madamag ay kailangan ko siyang makausap.



"Nasaan po sina kreios? si daddy? si astrea? si helios? and where am i?" Agad akong nagpanic.


Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis kong magpanic nitong mga nakaraang araw at kahit gusto kong maiwasan ang pagpapanic ko ay hindi ko makontrol ang sarili ko

"Shh hija, They're all safe, pati ang mga guest noong kaarawan mo ay nakaligtas lahat ang iba sa kanila ay sugatan pero buhay naman" Sabi sa akin ni mommy


Agad namang gumaan ang loob ko sa sinabi niya, sana ay hindi siya nagsisinungaling para lang pagandahin ang Loob ko at sana nga ay ayos lang silang lahat.

Habang kausap si Mommy ay ilang katok ang narinig ko mula sa pintuan.


Sa pintuan ay agad nagsidatingan ang dalawa kong kapatid. sa likod nila ay nandoon si dad na nakaalalay sa lumpong si astrea.


Si astrea ngayon ay nakasakay sa wheel chair at ang paa ay may nakabalot na kung ano.


"What happened, astrea?" Tanong ko sa kaniya


"Wag mo akong intindihin at Hindi naman ako napilay, Intindihin mo ang sarili ko mo dahil muntik nang mabutas ang intestine mo dahil sa bala ng baril buti na lamang at sa gilid lang ito tumama at Mababaw lang ang sugat na nagawa" Sabi niya sa akin.


Salamat naman kung ganoon. "How's tito apollo? and where's kreios?"



"They're in philippines, maayos ang lagay ni Tito apollo, Dapat nga ay Nandito din sila sa Spain kaya lang panira talaga 'yang lintik na rana iyan" Galit na sabi ni astrea


"Astrea, Your mouth" Saway sa kaniya ni daddy, si mommy naman ay tumawa dahil sa pagmumura ni astrea kay rana.

So he chose Rana over me huh.

Bitterness spread all over my Body. Gusto ko tuloy silang sasaksakin patalikod, just kidding.


"Thankyou" Sabi ko sa maid nang Dalhin niya rito sa kwarto ang Pagkain.


Chasing The Moon Where stories live. Discover now