CHAPTER 12

135 4 0
                                    

Chapter 12

"Madame!" I heard meredith knocks from the door.

"Pasok!" Sigaw ko rito.

I am now infront of the mirror. Kakagaling ko lang sa pagkaligo at Hindi ako makapaniwala na nagkasya at bumagay sa akin ang gown mula sa cabinet.

Hindi ko tuloy alam kung matagal na nila akong minamanmanan kaya malaman nila hanggang sa size ng aking damit.

Kanina habang nasa banyo ay hindi ako mapakali dahil baka may nilagay silang CCTV na nakatago. Dahil sa mga nangyayari sa akin ay nagkakaroon na tuloy ako ng trust issue kahit saan.

Besides, i still can't believe that i was surrounded by corpses in an instant. Yung tipong sa loob ng isang araw ay madami agad ang nangyari sa akin.

Umaga nang makidnap ako at ngayon na hapon na ay Hindi ko na alam kung ano pang mangyayari.

I remembered those children left behind by the kidnappers. Hindi ko maimagine na may mangyayari sa kanila.

Kung sana lang ay kaya kong makontrol ang utak ng mga tao at ilagay sa maayos na kondisyon ang bansa.

I looked in the mirror and looked at my face carefully. Habang tumatagal ang pag titig ko sa mukha ko ay mas lalong nagiging pamilyar ang itsura ng magkapatid kanina.

"Here are all the jewelries you need to wear later at the dinner, madame astrea orders that—"

" Ay puta—" nagulat ako nang biglang sumulpot si meredith sa tabi ko.



Nakalimutan ko na nandito rin siya sa kwarto.


"Astrea?" i asked nang mabanggit niya ang pangalan nito.


"Ah hindi mo pa pala alam" tumikhim ito bago ituloy ang pagsasalita " She's the daughter of senior arguello"

Ngayong nabanggit niya ang mga ganitong pangalan ay lalo akong nagtaka, marahil ay nabasa ni meredith ang iniisip ko at bigla nalamang itong nagsalita

"Malalaman mo rin mamaya hija" malamig nitong sinabi at binigay na sa akin ang kahon ng mga alahas.



Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang hugis buwan na kwintas, gawa ito sa ginto base sa bigat at itsura palang.
May terno itong bracelet at hikaw at tila may maliit na moon ang nakaukit.

It's really pretty!


"Meredith, are you sure na ako ang gagamit nito?"


Meredith only nodded at me. i sighed and started to wear those Jewelries.


Iniwan na ulit ako ni meredith dahil madami pa raw ang inuutos sa kanila, sa laki ba naman nitong mansiyon ay halata na agad na mahirap ang trabaho rito.



Nang masuot ko na ang mga alahas ay agad akong nanibago sa itsura ko. i'm not sanay na magkaron ng ganitong designs ng jewelries, usually kase ay Pearls ang pinapasuot sa akin nila mommy.

Sa harap ng malaking gintong salamin nitong kwarto ay may mga make-ups na rin na nakalagay. Lahat ng klase ng panglagay sa mukha ay narito. i really wonder kung gaano ako ka-special dahil sa pinaggagawa nilang ito sa akin. i don't even know them.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader at nang makitang 6:30 na ay nagdumali akong mang-ayos.

Sinabi pa sa akin ni meredith kanina na dapat ay 6:30 palamang ay nakalabas na ako ng room at ngayong 6:30 na ay di pa ako nakakapagisip ng gagawin ko sa buhok ko.

Chasing The Moon Where stories live. Discover now