CHAPTER 31

68 1 6
                                    



Chapter 31



Tanging ang hampas lamang ng alon ang naririnig ko habang pinagmamasdan ang langit.



Naglalakad ako ngayon mag-isa sa Baybay at ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta, Ang gusto ko lamang ay mapag-isa at hayaang ang paa ko ang magdesisyon kung saan ako pupunta.



Tanging ang lampara lang sa mga poste ang nagsisilbing ilaw sa Daanan.



Habang tumatagal ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko, may mga araw na bigla nalamang pumapasok sa isip ko si kreios pero nakikita ko naman siya sa personal ay gusto kong lumayo.



Naiirita ako kapag lumalapit siya sa akin kahit wala naman siyang ginagawang masama kaya gulong-gulo na rin ako sa isip ko.




Hindi ko i aadmit na may gusto ako sa kaniya dahil naguguluhan parin ako at malabo para sa akin ang isipin na may gusto nga ako sa kaniya



Pero bakit nagiging mapait ang pakiramdam ko tuwing kasama ni Kreios si Rana. Sa Isip ko ay sinasabi kong wala akong pakialam sa kanila pero nang makita ko silang maghalikan sa harap ko ay bigla nalamang may punyal ang tumarak sa dibdib ko.





Gusto kong maluha sa frustration bakit ba mas inuuna ko ang ego ko. Totoong malabo para sa akin ang mga nararamdaman ko para kay kreios pero bakit Ang Sakit ng epekto niya sa akin.




Bakit lahat ng sinasabi niya ay para bang tumatagos sa pagkatao ko.





Hindi ko na alam kung gaano kalayo ang nalalakad ko pero ayokong tumingin sa likuran para lamang siguraduhing nakalayo na ako.




Ano kaya ang naramdaman ni Kreios nang bigla kong kinansela ang engagement namin, siguro ay tuwang-tuwa talaga siya dahil bukod sa may girlfriend na pala siya ay sa wakas makakaalis na siya sa batas ng kanilang pamilya maging ako ay Masaya noong araw na iyon dahil sa wakas ay malaya na ako pero bakit ngayon ay parang gusto kong mag-sisi.


Pero siguro ay aayaw rin sa akin ni kreios lalo na dahil sa agwat ng edad naming dalawa, kumpra sa amin ni Rana ay mas type ni kreios ang babaeng iyon dahil bukod sa mas matanda sa akin ay napaka feminine pa hindi katulad ko na-Wait why am i comparing myself to her, i'm not comparable, Logic palamang ay wala nang panlaban sa akin si rana kaya ano pang pinagpuputok ng butchi ko.



Kahit na giniginaw na ay tuloy parin ang lakad ko, hanggang walang pumipigil sa akin ay hindi ako titigil hanggang sa maabot ko ang dulo nitong dalampasigan.





"Nyxianna" Kasabay ng tawag ni kreios ay malakas na hangin ang dumaan.



Hindi ko siya nilingon at diretso parin ang lakad ko, hindi naman ako galit sa kaniya. Galit ako sa sarili ko.




"Nyxianna." Ngayon ay may autoridad na ang boses nang pagtawag niya sa akin. "Are you mad?"

Humarap ako sa kaniya at iniling ang ulo ko


"I know you're lying, tell me if you're mad please"



Tumigil ako sa paglalakad at tuluyan na ngang lumapit sa kaniya para magkaintindihan kami.




"Yeah" Sabi ko sa kaniya at tinitigan siya "oo galit ako"


Agad siyang lumapit sa akin at kaonting distansya nalang ang pagitan namin kaya naman lumayo ako kaagad "I'm sorry, tell me what bother's you, Hindi ako tanga para hindi mapansin ang paglayo mo sa akin." madiin niyang sinabi.



Chasing The Moon Where stories live. Discover now