1

52 0 0
                                    


May narinig akong nag-uusap kaya dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata. Naramdam ko agad ang kirot at hapdi sa aking katawan. Nahihirapan pa akong ibuka ang kanang mata ko. Nang nalinawan ang isa kong mata nakita ko ang mga taong nakapaligid sa akin.


"Nasan ako?" mahina kong sabi.


"Thank God you're awake?" his voice filled with concern, but the masculinity was still there. Napatingin ako sa nagsalita. A man in a tuxedo was sitting beside my bed. "Alam mo ba kung anong nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong parin niya.


"Sino kayo?" Puno ng taka at pag-aalala ang titig nila sa akin. "Sino ka?"


Gusto ko pa man magsalita nahihirapan na ako. Everything in my body is too tired to talk.


"We should let her rest for a bit, Mr. Collins." Sabi nung doctor. "I'm sure she's too tired to speak right now." Dagdag niya at tumango naman yung lalaki. Hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi dahil nawalan ako ng malay.


Nagising naman ako ulit dahil sa malamig na tela na dumikit sa aking balat. Hindi kagaya noon ay naibubuka ko na ng maayos ang isa kong mata.


"Gising kana ulit." Sabi ng matandang babae. Tinignan ko ang ginagawa niya sa akin. She was wiping me clean. "Pagkatapos nito kumain kana. Tatlong araw kang walang malay."


"Sino po kayo?" tanong ko agad. Tumingin lang siya sa akin na puno ng lungkot.


"Ako si Ana. Head maid sa mansion ng taong tumulong sayo." Nakangiti niyang sagot sa akin. Pinaupo niya ako ng maayos pero bigla nalang sumakit ang gilid ko. "Naku! Ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong sa akin.


"Opo. Masakit lang yung gilid ko." Sagot ko at tinignan iyon. I was wearing nothing but a bandage all over my breast down to my stomach. "Anong nangyari sa akin?" tanong ko at bahagya naman siyang nagulat.


"Hindi mo talaga alam ang nangyari sa iyo?" nagtataka niyang tanong kaya tumango ako. I don't remember what caused me to this state. The last thing I remember was my parents funeral. "Kahit ano wala kang maalala?" tanong niya ulit.


"I remember my name." Sagot ko. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.


"Ano?" malumanay niyang tanong. May namuong pag-asa sa kaniyang mga mata.


"Gia Elizabeth Lopez po." Sagot ko.


Bahagya siyang nagulat at na dismaya tsaka umayos ng upo. She shook her head and continued cleaning me. "Yung mga magulang mo nasaan?" tanong niya ulit sa akin.


"Patay na po sila. There funeral was the last thing I remembered." Sagot ko ulit at bumaba ang tingin ko sa aking kamay. "Hindi ko na maalala ang iba bukod doon at sa mga nangyari  pagkatapos non." Dagdag ko.


Natahimik siya saglit. "Wala ka ba talagang naaalala? Kung may sarili ka ring pamilya?" Umiling ako sa kanya.

CeaselessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon