11

14 0 0
                                    

Trigger Warning: Abuse

"Gia, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ana. Lola Dina. Napatakip ako ng bibig. Siya yung tumulong sa akin.

"Ayos lang ako." Sagot ko. "May naalala lang." wala sa sarili kong sabi.

"Ano?" hindi makapaghintay na tanong ni Ana. I didn't mean to say that out loud. Napatingin ako sa kanya.

"Ahm... I remembered Lola Dina." Sagot ko at di ko namalayang pumasok pala si Darc.

"Dina?" nakakunot noo niyang tanong sa akin. "Anong naalala mo sa kanya?" hindi mapakali ang kanyang mukha. Parang gusto na niyang sagotin ko siya.

"Ah, naalala kong pinatira niya ako sa bahay niya." Simple kong sagot.

"Ano pa?" tanong niya.

"Yun pa lang yung naalala ko." Mahina kong sabi. I heard him sighed.

Tumayo si Ana at nagpaalam na lalabas. Naiwan kami ni Darc sa silid. Naiilang ako at natatakot. "Kamusta ka?" putol niya sa katahimikan.

"Ayos na ako. Salamat pala kahapon." Sabi ko habang nakatingin lang sa pagkain. "Kumain ka ba na agahan?" I changed the topic.

"Not yet." Sagot niya. "I was about to, but I thought of checking up on you first." Napasabunot ako sa kumot ko. "Gia," tawag niya kaya dahan-dahan akong Napatingin sa kanya. "May naalala ka na tungkol kay...Peter?" umiwas siya ng tingin at umigting ang panga niya.

"Yeah" mahina kong sabi at bumalik ang tingin niya sa akin. "Naalala ko na kung ano ang itsura niya." Dagdag ko at natahimik siya. Kumunot ang noo ko habang tumitig sa kanya. His eyes are filled with...pain?

"Can...can you tell me?" he asked softly. Malungkot akong nakatitig sa kanya. Maybe I can tell him a little about Peter.

"We had something," napapikit siya at napayuko. "But he betrayed me, so things ended afterwards."

"How?" tipid niyang tanong. Ayokong sabihin sa kanya ang totoo. Hindi pa ako handa. Nahihiya ako.

"He wanted something and to be able to get that" bumaling ako sa bintana. "ginamit niya ako." Kahit naalala ko ulit ang araw na iyon hindi na ako nasasaktan ngayon. Parang isang panandalian sakit lang iyon sa akin. Gusto kong malaman kung bakit. Napatingin ulit ako kay Darc. Dahil ba sa iyo? Dahil ba gusto na kita ngayon kaya wala na sa akin ang pagtataksil na ginawa ni Peter noon? Gustong-gusto kitang mahalin ng lubusan pero bilanggo pa ako sa nakaraan.

"You should eat your food." Sabi niya at umiwas ng tingin sa akin. "I'll be going now." Sabi niya at tumalikod sa akin.

"Darc," he flinched when I called for him. "Si Rosalie pa rin ba?" I just want to know.

Hindi siya humarap sa akin. "Nobody can ever replaced her." Seryoso niyang sabi at bigla nalang akong naluha. "Eat your food. I'll see you later." Sabi niya at umalis na.

Napatakip ako ng mukha. "Bakit ka pa ba nagtanong?" reklamo ko sa sarili.

Hindi ako lumabas ng kwarto. Hinahatiran lang ako ni Ana ng pagkain doon at aalis agad pagkatapos. Nakaupo sa rail deck habang tinatanaw ang lawa sa terasa. Masaya siguro si Darc habang kasama niya ang asawa habang nakatambay lang sila sa gazebo don. I could only imagine Darc's face lit every time his eyes lingers on Rosalie's. Wala na siya pero siya pa rin ang gusto ni Darc. Nagugulohan ako kasi minsan nararamdaman kong espesyal din ako para kay Darc pero si Rosalie palaging nasa isip niya.

"Ma'am," napalingon ako sa boses ni Rita.

"Rita," tumayo ako at lumapit sa kanya. "May kailangan ka?" malumanay kong sabi. Nginitian niya lang ako. I held her hand and went with her on the chair to sit.

CeaselessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon