14

14 0 0
                                    


"Huwag kang lalayo sa akin." Sabi sa akin ni lola Dina. "Maraming tao dito baka mawala ka." Dagdag niya at tumango ako. Nasa palengke kami ngayon at buminuli ng panghaponan. Nagsimula na akong magtrabaho sa maliit na hardware shop ni lola kagaya ng sinabi niya. Ayos lang naman sa akin kasi kinupkop niya naman ako.

"Magkano po ito?" tanong ko sa tindera.

"Bente lang yan ining." Sabi niya at tumango naman ako.

"Isa po nito." Sabi ko at inilagay niya sa plastic iyon sabay bigay ko sa bayad. "Lola! Nakabili na po ako!" nakangiti kong sigaw kay lola at tinagoan niya lang ako. She sognaled me to come closer to her kaya nagsimula na akong maglakad. "Aray!" reklamo ko sa nakabangga ko.

"I'm sorry, Miss." Nakangiti niyang sabi sa akin. Parang sinadya ng mokong nato na bangain ako ah. Ang laki ng daanan dito oh!

"Tumingin ka sa dinadaanan mo sa susunod." Mataray kong sabi tsaka siya iniwan.

"Ako na po diyan, lola." Sabi ko at binuksan ang tindahan. "Umuwi kayo na maaga ngayon ha ako na bahala dito sa shop." Sabi ko at kinuha ang mga dala niyang supot. "kailangan niyo magpahinga hindi na kayo bumabata." Saway ko sa kanya at napatawa lang siya.

"Ang oa mo masyado, Rosalie." Natatawa niyang sabi.

Nakapamewang ko siyang binalingan. "Aba Siyempre! Dapat nga nasa bahay lang kayo para magpahinga. Kaya ko naman dito tsaka kasama ko si Nelly at Rick." Sabi ko.

"Ang sungit ng apo ko." Sabi niya at hinawakan ang mukha ko. "sa susunod na buwan na ang kaarawan mo anong gusto mong ihanda ko para sa iyo?"

Napaiwas lang ako ng tingin. Ayoko kong magcelebrate ng birthday. Masamang alaala para sa akin iyon. I already change my name and everything pero di ko parin makalimutan ang nangyari sa akin. Lola Dina knew everything already even my real name. Siya yung pumili ng bago kong pangalan at matagal bago ako masanay don. She didn't judge me but instead she was proud of me kasi daw nakayanan ko lahat yun ng mag-isa. She was the one who made me feel what family really is after my parents died.

"Ayoko ko magcelebrate, lola." Sabi ko. "Alam niyo na ho naman kung bakit." Mahina kong sabi at lumayo sa kanya para ayusin yung mga bagong stock na dumating. Maaga pa kaya wala pa sina Nelly at Rick.

"Alam ko naman apo kaya gusto kong palitan ang mapait na alaalang iyon ng masaya." Malambing niyang sabi. Lola Dina did everything for me to replace my bad memories with new ones pero di ko talaga makalimutan ang mapait na nakaraan ko.

She sighed. "Paano ka makakabangon kung kinukulong mo yung sarili mo sa nakaraan mo?" napatigil ako sa sinabi niya. "Alam kong hindi madali pero tulungan mo rin ang sarili mong makabangon mula doon, Rosalie." Sabi niya.

Buong araw ko iniisip yung mga sinasabi ni lola sa akin. Mahirap. Sobra.

Nakaupo lang ako sa counter at napaugol sa iritasyon.

"Hi!" napaangat ako ng tingin at isang bulalak ang bumungad sa mukha ko. "Flowers for you." Isang nakangiting lalaki ang nagpakita.

I frowned. He looks familiar. Napaawang ang labi ko ng maalala siya. "Yung gago sa palengke." Sabi ko at natawa siya.

"That's not my name. I'm Darcel." Pagpapakilala niya. "Sorry pala sa nangyari kahapon." Kinamot niya ang batok niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Pumunta ka lang dito at para mag-sorry?" pinagkrus ko ang braso ko. Umayos siya bigla ng tayo.

"No," sagot niya habang hawak pa rin ang bulaklak sa kabilang kamay. "I want to court you."

Napaubo ako sa sinabi niya. Ano? "Ano?!" di ko makapaniwalang bulyaw sa kanya. "Ginagago mo ba ako, kuya?" naiirita kong tanong. I hate men si Rick lang yung komportable akong kasama kasi magkatrabaho kami at mabait naman siya.

CeaselessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon