"Kilala mo? Ano gwapo ba?" Tanong niya. Habang kumain ng burger."Sino ba doon sa dalawa? Huh!" Takang tanong ko naman.
"Gaga ayun oh" tinuro niya na 'yon gamit ang hintuturo niya. "Yung medyo chubby, hindi yung matangkad ah" Tiningnan ko ulit iyon.
Gwapo nga maganda ang mata niya at maganda rin kung ngumiti. Mata kasi at ngiti ang una kong tinitingnan para masabi kong gwapo ang isang lalaki. Ewan koba para sakin gwapo siya kapag ganoon ang napansin ko sa lalaki.
Pinag masdan ko ang grupo nila may kasama silang bakla at mga babae, hindi sila pamilyar sakin kaya dedma nalang, mukhang galing sila sa canteen at kakatapos lang kumain.
Napako ang tingin ko kay Skies, pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Na animong sinusuri ang bawat parte ng katawan niya.
Siya na ba 'yan?
Ang laki ng pinagbago nya, maputi parin siya tulad ng dati pero sobrang tangkad niya ngayon. Eh halos magkasing laki lang kami four years ago, anong nangyari sa akin at iisang dangkal lang ang taas ko ngayon. Nakulangan bako sa tiki-tiki noong bata ako? Koloka hindi talaga patas ang mundo!.
Aksidenteng napalingon siya sa direksiyon namin at nagtama ang aming paningin. Nilamon ako ng hiya kaya nag iwas din agad ako ng tingin at binaling nalang iyon sa burger na kinakain ko hindi parin pala 'yon ubos hanggang ngayon bumagal na ata akong kumain.
Nagring na rin ang bell sensyales na tapos na ang 20 minutes break namin. Inubos muna namin ang mga kinakain namin bago tumayo roon. Dinala narin namin ang mga bote at pinagbalatan ng burger dahil may naka paskil 'don na bawal mag iwan ng ano mang basura. Dahil masunurin kami ay sinunod namin iyon.
"Ano food trip tayo next day ah, ipon na kayo sa mga baon nyo para sa share share natin." Ani Telly habang nagalalakad kami papasok sa mga room namin.
"Huh! Food trip? nakapag set na agad kayo?" Nagtatakang tanong ko dahil parang wala naman kaming napag usapan kanina.
"Tsk! Ayan hunting pa ng gwapo! Hindi kasi nakikinig sa usapan kanina eh pag talaga kayong dalawa nag sama ni Cayemile may sarili na kayong mundo." Nagrereklamong ani Telly habang iniirapan kami ni Cayemile. Taray ng baaeng to kapag to kinaltukan ko sa bumbunan tirik ang mata nito.
"Baliw! Hindi lang narinig may sariling mundo na? Kailan bayan? wala pa akong pera eh." Singhal ko.
"Ayun ang pagiging kuripot ni Larsy ay dumaloy na naman sa kanyang dugo." sarkastikong ani Vetty.
Totoo yon, ako ang pinaka kuripot sa aming mag babarkada kapag may singilan na ako ang pinaka mahirap singilin. Bakit ba? sa hirap ng buhay ngayon kailangan talagang mag tipid at hindi madaling kumita ng pera kaya hindi ako gumagastos kapag hindi naman ganoon ka importante.
"Tsk! Fine ill keep money for that, bilisan niyo nang magalakad dahil late na tayo. Kupad nyo!"
Naghiwalay na kaming walo. Silang lima ay pumasok na sa Brave room at kami namang tatlo nina Telly at Sherlote ay pumasok na sa Amities. Mabuti nalang at kasunod lang naming pumasok ang teacher namin kaya hindi kami napagalitan dahil five minutes na kaming late.
Agad din nag simula ng discussion si Miss Dela Peña. Tsk! Walang patawad first day palang discussion na agad wala bang introduce yourself muna?.
"We don't need that introduce yourself eme eme nayan. Tatanongin ko nalang kayo kung anong pangalan nyo kapag tinawag kona kayo." Sabi ni Miss. Na parang sadyang sinagot ang tanong na sa isip kolang naman sinabi.