Nag ring na ang bell para sa dismissal. Sinabihan ko sina Telly at Sherlote na mauna nang lumabas sakin at puntahan na ang mga bruha. Binilin ko rin na sa gate na nila ako hintayin dahil ihahatid kopa si Miss Mallari sa faculty niya.Ewan koba sa mga teacher na to suki nila ako gawing taga hatid ng gamit nila. Hindi naman ako mukhang alalay duh. Maganda pa nga ako sa kanila eh. Dahil sa masunurin ako ay sinusunod ko'rin naman sila. Kapag naman hindi nila ako binigyan ng insensitive sa mga pag aalila nila sa akin ihahampas ko sa kanila ang mga laptop nila. Kaloka!
Matapos kong ihatid ang gamit ni Miss Mallari ay mabilis na akong naglakad palabas ng School. Agad ko rin namang natanaw ang kumpol ng mg bruha, kaya nilapitan kona rin sila.
"Tara na" aya ko sa kanila ng makarating ako sa pwesto nila dahil alam kong ako lang naman ang hinihintay nila. Ngunit hindi man lang sila natinag sa sinabi ko.
"Wait lang may hinihintay pa tayo chill kalang muna dyan." Ani Telly. Nangunot naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Sino pang hinihintay natin kumpleto na tayo. Tara na" sabi ko habang daretsong naka tingin kay Telly.
"Sorry medyo natagalan ako. May tinapos pa kasi akong activity."
Namilog ang mata ko ng lumapit sa amin si Skies. Sasama ba siya sa amin? Sinong nag sama sa kanya? Panong nangyaring hindi ko alam na kasama siya? Ang buong akala ko ay kami lang ang mag fu-food trip ngayon. Bakit nandito to?.
"Paanong nangyaring may kasama tayong lalaki ngayon?" Tanong ko kay Sherlote habang nag lalakad kami papuntang terminal ng Tryk.
Nasa likuran namin si Skies habang ka kwentuhan niya si Telly at Vetty. Hindi ko siya tinapunan ng tingin simula kaninang dumating siya.
"Ay bakit bawal ba? Kilala naman natin siya diba, beside Close naman kayo niyan diba?"
Close your face nag iinit nga ulo ko kapag nararamdaman ko ang presensya niya.
"Nabitin kasi si Telly sa kwentuhan nila kanina kaya ayun isinama niya sa food trip natin. Alam mo namang dalahira yang babaeng yan kahit ano lumalabas sa bibig niyan." Pagpapaliwanag niya.
Tsk! Ano naman kayang pumasok sa kokote ng lalaking to para sumama saming mga babae.
"Ano nanaman at pinag ku-kwentuhan niyo ako ha? Rinig ko dito ang maganda kong pangalan. Telly Guzman ang pinaka maganda sa buong baryo ng Deslour."
Maganda umasa ka andito ako taga Deslour din ako. Wag kang managinip ng gising sis.
Nilingon namin sila dahil nasa unahan nila kami."Wala Gaga! Hindi ikaw pinag uusapan namin. Assuming ka lang talaga." Sagot naman ni Sherlote.
Doon ko lang din napasadahan ng tingin si Skies na mukhang kakapasok palang dahil mukha paring fresh, ayus na ayus padin ang kanyang buhok mukhang hindi man lang pinag pawisan.
Edi sana all diba?
Agad ko rin namang iniwas ang paningin ko ng ilipat niya ang tingin mula kay Sherlote papunta sa akin. Tsk! Why am i acting like i was burning with his sight. Oh maybe because his eyes are good. My definition of handsome.
Nang makarating kami sa paradahan ng Tryk ay nag hiwalay kami sa dalawang grupo, dahil hindi kami kasya sa isang sasakyan lang. Sina Dolyn, Telly, Vetty, Karel at Rizan ay nauna nang sumakay sa isang tryk kumaway muna sila sa amin ng magsimula ng umandar ang sinasakyan nila.