[MAGULONG PANIMULA]

13 1 0
                                    

(Audi's POV)

"Kuya, Late na 'ko, ang tagal mo naman sa banyo"

"Sandali lang naman, matatapos na."

Hayyy. Ganto Twing may pasok e. Nauunahan ako lagi, tulog mantika kase 'ko, kaya lagi sya ang una sa banyo.

"oh yan, maligo ka na."

"anong oras ba pasok mo?"

"alas 9 pa naman."

"Lintek naman. alas 8 kasi pasok ko e. naiintindihan mo ba yun? ha?"

"ang bagal mo kasi."

Bwisit naman.Sinasabayan talaga 'ko.

---

"Alis na 'ko."

Ganto kami lagi ni kuya pagka umaga. Pero kahit gano pa kawalangya 'tong utol ko, hindi ko pwedeng itapon, mahahanap at mahahanap parin sya. Kambal kasi kami. Identical twins.Una syang lumabas sumunod lang ako.

Tatlo kaming magkakapatid may bunso pa, pero wala dito, kasama ng Nanay namin sa probinsya. Nag boboarding house lang kasi kami ni kuya dito sa Maynila. Mas maganda kase ang kalidad ng pag aaral dito lahat ng oportunidad, kasama mo araw araw.

College student kami sa magkaibang University. Baka daw kasi magkapalit kami ng Identity, tulad nung highschool, imbis na s'ya ang resbackan ako tuloy ang napa trouble. ASTEG. Anong kamalay malay ko na bigla nalang akong susuntukin.
Architecture ako, Business naman ang kinuha n'ya.

Magkasundo kami sa maraming bagay, pero minsan meron din kaming hindi napagkakasunduan. May pagka pasaway kasi si kuya Ford. May GirlfriendS sya, hindi ko alam kung sinu sino xD malandi kasi si kuya. Mas matangkad sakin ng mga apat na pulgada pero matangkad parin naman ako. Varsity sya ng Basketball samantalang ako, walang sports. Dati Swimming, kaso nung nag 2nd year highschool ako naging sakitin ako kaya, hindi ko na tinuloy at nanahimik nalang ako sa loob ng bahay.

Hindi pa 'ko nagkakagirlfriend, Pero MU nagkaron, kaso nung nasa HighSchool pa 'ko. 3rd year Highschool ako nun, pero 1 month lang kami tapos hindi na ulit ako nagpakita.

Oo, medyo Nerd akong tignan mula nung nag College, lumabo kasi mata ko nung 16 ako at ngayon 19 na 'ko, eto nakasalamin, pero maayos naman akong manamit hindi tulad ng nerd na iniisip mo, na malaki salamin, naka polo lagi, at parang may phobia sa tao. Social active naman ako, mahilig makipag talo makipag debate sa kung anu-anong mga bagay. Basta alam kong tama ipaglalaban ko. :)

Ilang buwan nalang at tapos na 'ko sa pagiging teen ager pero wala pang lovelife xD Pero masaya naman ako, hindi ako nagmamadali na mamaya e makita ko na agad s'ya, siguro bukas? o sa susunod na araw? o sa isang buwan? Hindi ko naman kasi siya hinahanap. Tambak ang Plates ko kaya walang time para magpaka Dora.

Ang daldal ko ba? sige mananahimik nalang ako xD

Araw-araw naglalakad lang ako papunta sa school, wala pa naman kasing isang kilometro, sayang pamasahe. Kailangan budgetin ang pinaghirapan ni Tatay sa ibang bansa. OFW kasi ang tatay ko sa London, kaya dapat wag aksayahin ang pagkakataon, habang may pampaaral dapat mag aral hindi basta aral lang dapat Mabuting pag aaral. WOW san nanggagaling yan? Haha. Ayoko kasing mapagalitan tulad ng kuya ko, hindi n'ya kasi napagkakasya ang pera n'ya sa isang linggo. Lingguhan kaming umuwi sa Batangas. Pero ngayong Linggo, ako lang ang uuwi, dahil may practice daw sila kuya this weekend. Mga best seller na palusot ni kuya.

---

Medyo late na nga ako, nasa loob na yung Prof. namin. Twing Thursday lang naman dahil maaga ang pasok. Usually kasi alas 10 ang pasok namin, e may epal na minor, sumingit sa alas 8. nag fefeeling major pa, 1unit lang naman. -_-

Isang Malupit Dalawang AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon