"ako magkwento?"
"may nakikita ka pa bang ibang kausap ko?"
-____-"
"haha. ano ba gusto mong ikwento ko?"
"Tss. Ikaw bahala."
Hindi na s'ya nakapagkwento dahil, dumating na yung Bus na sasakyan namin.
Well tinabihan n'ya ko sa upuan.
"Ang Lamig ngayon ano?"
"oo nga e."
Patay, ang lamig at wala akong dalang Jacket. Malay ko bang Gagabihin ako masyado.
"Magkukwento na 'ko?"
Hindi nakalimot. HAHA.
"Sige, kahit ano."
"Ah, pano ba magandang simulan."
"Sa umpisa mo simulan."
Tumawa s'ya pero walang tunog at nangiti nalang.
"oo syempre."
"Bilis na, makikinig ako."
(Audi's POV)
Wala akong maisip na ikwento. Bahala na nga si batman.
"Okay. simulan natin.
May Isang Daga..."
"Wait wait. sigurado ka sa kwento mo?"
"wag na nga, sabi mo magkwento 'ko."
"Haha, sige ituloy mo na."
"So ayun nga, may isang daga, Inutusan sya ng kuya n'yang maghanap ng pagkain. Tapos nakahap naman sya. Paglabas nya sa Butas hindi n'ya napansin yung paparating na Babaeng Daga, Kaya ang nangyari, Tumapon yung Dala nyang Keso sa babaeng daga."
"Tumapon talaga?"
"Oo, wala kasi syang mahanap na kesong buo kaya yung Cheese Spread ang kinuha nya."
Natawa sya dun. at halatang nag eenjoy sya sa kwento ko. :)
"Tapos, hindi nya alam kung paano ang gagawin, pero buti nalang at mabait yung babaeng daga kaya ayos lang sakanya yung nangyare.
Natulala naman yung Lalaking daga, dahil hindi n'ya akalain na ang ganda pala nung babaeng daga."
Mukhang inaantok na 'tong si Juliet.
"Tapos, sinabi ni Dagang Lalaki na sana yung babaeng daga ang Hinahanap nyang True Love.
Mula nung gabi na yun, hindi mawala sa isip nya yung babaeng daga.
At isang araw, nagkita ulit sila, pero isang hindi inaasahang pagkakataon, Pareho silang nakasakay sa isang laruang Bus, at nagkausap sila. at naging magaan ang loob nung lalaking daga sa babaeng Daga.
Sana daw Mas maging malapit pa sila, dahil, gusto ni Lalaking Daga si Babaeng Daga."
At yun nakatulog na nga si Juliet Habang nagkukwento ako.
2 km nalang at Baba na ako, pero tulog si Juliet. Mga 30 km pa ang byahe n'ya. Sa terminal naman sya bababa kaya ayos lang na makatulog s'ya.
Masyadong malamig, dahil AirCon ang Bus na sinasakyan namin.
HInubad ko yung Jacket ko at Binalabal sa Kanya, ng sa ganon, hindi s'ya ganong lamigin.
At sumigaw na yung kunduktor.
"MAGHANDA NA PO YUNG MGA BABABA."
Inayos ko na yung gamit ko, at iiwan ko nalang kay Juliet yung Jacket ko.
---
8 PM na 'ko nakauwi samin.
Bago ko matulog, hinintay ko muna kung magtetext si Juliet sakin,pero nakaantukan ko nang maghintay dala ng pagod siguro.
----xx
BINABASA MO ANG
Isang Malupit Dalawang Astig
Genç KurguKung mahilig kayo sa mga hanging ends try nyo... mula sa panulat ng aking bunso; dokbun.