"Audi, bumili ka na ng Hapunan natin."
"Kuya, ikaw nalang."
"Tatapusin ko pa 'tong report ko. Bukas ipepresent 'to."
"sige. sige. Yung pambili?"
"ikaw muna, bukas ako naman."
"kagabi ako din ah? saka uuwi ako bukas, kaya wala ako dito."
"eh, na short ako."
"tss. sa babae hindi?"
"bilis na."
Hayy. ganto lagi e. Allowance ko naman ang nagdedelikado.
Naglalakad ako papuntang karinderya. Isang kanto lang ang layo mula samin.
"Ate, ano po ulam?"
"ay, Audi, Ubos na yung menu."
"ah, sige po. titingin nalang ako dun sa kabila."
Ano ba yan. Mga 50 Meters ang layo mula sa pinagbilan ko. tyak na gutom ako nito pag uwi.
"Ale, ano po ulam?"
"Yan mamili ka na."
Ano ba 'tong mga ulam na 'to. At parang ang dumi dumi pa -__-" parang hindi mapagkakatiwalaan yung tindera.
"ah sige po, balik nalang po ako."
malalayo ako neto masyado. Nag isip muna 'ko ng pwedeng bilhin kung walang choice,
Naglalakad ako pabalik sa Boarding House at gutom na din talaga 'ko.
"dito na nga lang ako bibili."
sa isang Fast Food Chain. Gusto ko sanang tipirin si kuya e. Kaso, gutom na din talaga 'ko.
Rice and Chicken para kay kuya at ganun din sakin with fries at float nga lang. Medyo di ko na matiis yung gutom dahil pumila pa 'ko sa counter kaya nag take out din ako ng Burger, quarterpound. ;D
Paglabas ko ng Restaurant--
"ay, sht."
Nahulog yung Burger ko at gumulong sa damit ko papunta sa sapatos ng isang papasok na babae.
Takte, Gusto kong mawala nalang basta. Gusto kong Maglaho. Ngayon na mismo.
"pasensya na po."
Dagli kong kinuha yung panyo ko sa bulsa at pinunasan ko yung sapatos nung babae.
"No. Okay lang."
Okay lang? e nagkaroon nga ng catsup yung sapatos mo. Hindi okay yan.
"Pasensya na talaga. aa."
Nakaluhod ako at pinupunasan yung sapatos pero pilit nyang nilalayo ng biglang...
"EGHEM.Excuse me."
"Sorry po." BAkit kasi sa harap pa kami ng entrance gumawa ng eksena.
"Miss ayos lang ba talaga sayo?"
"oo, yung sayo ata ang hindi ayos."
Pagtingin ko sa damit kong PUTI, wow. puro catsup at may buns pang kasama.
"ah, e ayos lang. Pasensya talaga."
"wait wait. Nagkita na ba tayo?"
"hindi pa."
"ah, sige una na 'ko sa loob, Mag iingat ka nalang sa susunod."
WOW. napaka astig nyang Babae. Napakabait. Ang ganda pa ng porma, parang boyish pumorma :) mga Tipo ko. Skinny jeans na puro patak ng pintura at t-shirt lang, saka naka bag pack tapos yung buhok, halatang hagard na hagard ang datingan.
At pumasok na s'ya sa loob. Sa sobrang Intense ng Moment nakalimutan kong gutom pala 'ko.
---
"Kuya, oh, kumain na tayo."
"ano nangyari sa dmit mo?"
"Pag ibig ang tawag jan."
"Pag-ibig? LOL"
sabay tawa ni kuya ng malakas.
"eh anong paki mo?"
"wow, galante ka ngayon."
"anong galante, kung hindi lang talaga ko gutom baka fishballs lang ang binili ko para sayo."
"No comment."
"pero kuya, buti nalang talaga at jan ako bumili sa malapit na Fast Food Chain."
"Bakit? May Libre ba ngayon?"
"Hindi. Nakita ko na ata yung LOML ko."
"Maganda ba?"
"Sobra."
"Oh, ano pang hinihintay mo? Tara puntahan natin."
"teka lang. Kumain muna tayo, dahil kung s'ya na nga talaga yun, magkikita ulit kami."
"Tss. Torpe. Kumain na nga lang tayo."
---xxx
BINABASA MO ANG
Isang Malupit Dalawang Astig
Teen FictionKung mahilig kayo sa mga hanging ends try nyo... mula sa panulat ng aking bunso; dokbun.