[MISTAKEN IDENTITY NGAAA.]

3 1 0
                                    

(Juliet's POV)

Ayos naman yung Bahay nila. Hindi ako naupo, naglibot yung mata ko sa mga display. At pagtalikod ko nakita ko yung Family Picture siguro nila.

O_____O

Nagulat ako.

May kakambal ba si Audi?

Lima sila sa Family Picture, Nanay nya, tatay nya, tapos isang cute na babae tapos isang Audi na nakasalamin at Isang Audi na walang salamin.

"juliet tara na dito sa dining."

"ah sige."

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"may kakambal ka?"

"Ah oo. Si Kuya Ford. Hindi ko ba nakwento sayo before? Bakit?"

"Nagulat lang ako nung makita ko yung Family Picture n'yo."

"San ka nga ulit nag aaral?"

"UP ako."

"oh, dun nag aaral Kuya ko. Varsity sya dun."

Ibig sabihin lahat ng nakikita kong Audi sa UP e yung kakambal n'ya?

"oy kumain ka ng kumain. alam kong gutom ka."

Habang kumakain, Naiisip ko lahat ng kadramahan ko nitong mga nakaraang buwan.

(Audi's POV)

Ang Lakas nyang kumain. Gusto ko sanang Simulang Isa isahin yung mga Kadramahan n'ya kanina kaso mukhang naliwanagan na s'ya. xD

"Audi."

Si mama nagising pala.

"Ma. Si Juliet pala."

Nagbless ako, pati si Juliet.

"Ah, Juliet, sige kain ng kain. Ngayon lang nag uwi ng babae yang si Audi dito sa bahay."

"Ma naman."

"Bakit? ang Ganda Ganda ng Girlfriend mo ayaw mong ipakilala sakin."

(Juliet's POV)

"Ah, Juliet, sige kain ng kain. Ngayon lang nag uwi ng babae yang si Audi dito sa bahay."

"Ma naman."

haha. Nakakatawa naman. Good Boy pala 'tong si Audi.

"Bakit? ang Ganda Ganda ng Girlfriend mo ayaw mong ipakilala sakin."

O___O

Pwe.

"Eghem. ow excuse me lang po."

"Audi tubig. bigyan mo ng tubig yung Girlfriend mo, nasamid."

"maaa."

"Sige na at babalik na ko sa taas. ah Juliet san ka matutulog? Gabi na kasi masyado."

Wow. San nga ba 'ko matutulog?

Mag aalas dose na pala.

"Kung sa kwarto ka ni Audi matutulog, Magtakip ka ng tenga at nag hihilik yan."

"Ma naman."

Haha. Nakakatawa naman yung mama niya.

"sige po salamat tita."

Pumanik na sa taas yung mama nya.

"Dito ka ba matutulog?"

"Uuwi nalang ako. Nakakahiya sayo. Napagkamalan pa 'kong Girlfriend mo."

"Ayaw mo ba?"

Hinawakan n'ya yung kamay ko.

"Haa. e."

"Pwede ba kitang maging Girlfriend?"

"MANLIGAW KA MUNA! ANG KAPAL MOOO."

Sabay alis ng kamay ko sa nakapatong nyang kamay.

Nakangiti ako ng 360 degrees. ewan ko basta masaya ako.

"Talaga? Yes, magkaka girlfriend na din ako sa wakas."

"Bakit hindi ka pa ba ng kakagirlfriend dati?"

"Nakakahiya man, pero.. Ikaw yung una."

Lakas ng Fighting spirit. Hindi nga sya yung Audi na nakikita ko sa School.

"Hindi pa kita sinasagot oy."

"-_____- Ah, dito ka na matulog, Madaling araw na kasi."

Awww. sht. yung cell phone ko. Baka kanina pa 'ko tinatawagan ni ate.

"Ah, sige. itetext ko nalang si ate na hindi ako nakauwi ngayon."

(Audi's POV)

Sana ito na yung True Love na Hinahanap ko. Lord, sana po s'ya na yun :)

"Juliet, Tara na sa taas. Pagod na din ako e. yung gamit mo ipapanik ko nalang."

"Sige."

----xx

Isang Malupit Dalawang AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon