[NASAN KA NA JULIET?]

1 1 0
                                    

(Audi's POV)

Hindi ako bumaba sa Usywal na binababaan ko.

Sa terminal ako ng Bus Bababa, magbabakasakali na hindi pa nakakauwi si Juliet at hihintayin ko s'ya sa Terminal ng bus.

At sana hindi ako mabigo.

Alas 5 pasado nasa Terminal na 'ko ng bus.
Umupo muna ko sa waiting area, at tinitignan yung mga nagbababaang pasahero.

Nag abang pa ko ng isang oras pa, para para magbaka sakali.

Hanggang Gabihin na nga ako kakahintay sa walang kasiguraduhang pagkakataon.

"Manong ilang Bus pa ho ang dadating mula Maynila?"

"may dalawa pa ato. Pero baka abutin ng alas 10 ng gabi yun."

"ah, salamat po, may hinihintay po kasi ako."

Nakaupo ako, at malamig masyado. Kaya bumili ako ng isang stick ng sigarilyo, Hindi ko lagi ng ginagawa 'to. Kapag naiinip lang ako o kaya naman kapag malamig at napagtripan.

Hindi ako aantukin, basta iisipin ko lang si Juliet.

Juliet Juliet Juliet

"Juliet?"

Dumating na yung huling Bus, at nakita ko yung Jacket ko na suot ng isang babae.

"Juliet!"

Tumakbo ako papalapit sa mga pababang pasahero, Hinahabol ko si Juliet.

"Juliet."

Lumingon s'ya,

"Ha? Sinong Juliet? Ikaw ba si Romeo?"

Sabay tawa nung babae.

Akala ko si Juliet na yun. Kamukha lang pala ng Jacket ko.

---

Dahil wala naman akong nakitang Juliet ngayong gabi, Nagpasya nalang akong umuwi.

Nabigo ako. Hindi ko s'ya nakita.

----xx

Isang Malupit Dalawang AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon