"Audi, nakita mo ba kanina si Chrissy?"
"oo nakaupo."
"Hindi. Umiiyak kasi kanina. Nung nag C.R. ako, Nakita ko sya papasok sa Girl's Room, tapos nung paglabas ko ng C.R. Humahagulgol na. Hindi naman ako makapasok."
"Bakit kaya? mukha ngang matamlay ngayon."
Ano naman kaya ang problema ni Chrissy? Kahapon maayos naman s'ya. Pero ngayon, parang may kakaiba.
Lalapitan ko ba?
"Kausapin mo kaya pre?"
Kinuha ko yung upuan ko at nilagay ko sa tabi n'ya. Since wala naman kaming klase ngayon, nag oovertime lang yung iba sa mga plates.
"Kumusta?"
Nagulat ata. Nakadukdok kasi s'ya sa Drawing table.
Hindi s'ya tumitingin sakin.
"Ayos ka lang ba?"
"Nilagay ko sa harap nya yung upuan ko at nakarap ako sa kanya."
Nakita kong namanaga yung mata, halata ngang umiyak.
"May problema ka ba?"
Hindi s'ya nagsasalita pero umiling sya. wala daw.
Since ayaw n'ya namang magsalita, sinulat ko nalang yung gusto kong sabihin."Hindi ka ba nag toothbrush? Bakit ayaw mong kumibo?"
Natawa s'ya habang binabasa yung nakasulat sa papel.
Kinuha n'ya yung lapis at nagsulat.
"masama bang manahimik?"
"Ang sungit naman. Bakit parang umiyak ka? singkit na nga yung mata mo lalo pang namaga, buti nakikita mo pa yung gwapo sa harap mo."
Napangiti ulit sya.
"nasan? wala akong makitang gwapo sa harap. Malabo na ata salamin mo."
"Ha bakit?"
"Gwapo na tingin mo sa sarili mo."
UGH. Speechless. Sarcastic din pala 'tong si Chrissy.
"HAHA. Bakit ka kako umiyak?"
"Trip ko lang. :P"
Trip lang? Joke yun? -____-
"Okay, basta pag kailangan mo ng kausap, tawagin mo lang ako."
":)"
Tumayo na ko.
"wag ka ng umiyak ha."
tumango naman siya.
---
"Ano daw pre?"
"Chismosoo."
"Bakit nga daw??"
"Ayaw sabihin e."
Bakit nga kaya umiyak si Chrissy?
---
(Chrissy's POV)
Ang tagal namang mag uwian. Gusto ko ng Ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Gusto kong umiyak ng umiyak.
Hindi ko maisip kung bakit n'ya nagawa sakin yun. Nagpaka gaga ko dahil sa isang taong walang kwenta. Manloloko.
Yung Boyfriend ko kasi nasa Japan, at Nakipaghiwalay sakin kagabi. Hindi naman ako makapaniwala sa naging dahilan n'ya. Ewan ko kung paano n'ya nagawa sakin 'to. Ang tagal tagal kong naghihintay tapos sa wala lang pala 'to lahat mapupunta. PAKSHIT. GAGU SYA. Nakabuntis daw siya.
BINABASA MO ANG
Isang Malupit Dalawang Astig
Novela JuvenilKung mahilig kayo sa mga hanging ends try nyo... mula sa panulat ng aking bunso; dokbun.