(Audi's POV)
Last Day na ng Klase namin ngayong Sem.
Naging sobrang saya ng unang Sem ng 3rd year ko sa University na 'to dahil sa mga walangya kong mga kaibigan, at isama na din natin si Chrissy pati si Juliet narin.
Sana pagkalipas ng Dalawang linggong bakasyon, Makita ko na si Babaeng magbibigay sakin ng kaligayahan :) at magpapaliwanag sakin ng tunay na kahulugan ng tunay na pagibig.
"Oy, Pre, San ka ngayong bakasyon?"
Ako? magkukulong sa kwarto at magbibigti. "sa Bahay lang siguro."
"Kami, baka sa Bagiuo sa mga pinsan ko dun."
"wow. Kami baka sa Bulacan lang."
"Magsitahimik na kayo, buti nga out of town kayo e. ako nga sa bahay lang. Maglalaro nalang ng Xbox buong bakasyon."
"ang weird nun pre. Baka naman mag kutis labanos ka na n'yan?"
"Kesa naman lumabas ako, adi naging olikba ako at ayokong maging kasing itim mo."
"ang yabang neto."
At nagtawanan kami.
Naging masaya naman ang Last day ng Pasok at Bukas simula na ng Bakasyon.
Umuwi ako ng boardinghouse para mag impake at nadatnan ko dun si kuya.
"Audi, uuwi ka ba ngayon?"
"oo kuya. Ikaw bukas pa?"
"Oo, may pasok pa ko bukas."
"Ang aga mo ata ngayong umuwi?"
"Wala na kami e."
"Nino?"
"Nung Girlfriend ko."
"Sino dun?"
"Loko, isa lang Girlfriend ko."
"yun bang nakita ko dito nung nakaraan? o yung nakasalubong kong kasama ka?"
"HAHA. Yung laging nandito."
"oh, bakit kayo naghiwalay? e mukhang masaya naman kayo sa isat-isa."
"Kailangan daw nyang mag focus sa pag-aaral. kaya ayun, tigilan na daw namin yung kahibangan namin."
"Yun lang yung dahilan?"
"Sabi ko uuwi ako sa Probinsya nila, para makita ko yung nature nya dun at makilala yung mga kamag anak n'ya."
"oh, ayos yun. At Last tumino ka din."
"Pero hindi sya pumayag."
"Bakit daw?"
"Ewan ko, Nakikipaghiwalay na sakin kaninang umaga at yun natuluyan na. Wala na Break na kami."
"Kuya, ang dami pa jan. Wag kang mawawalan ng pag asa, HAHA."
----
BINABASA MO ANG
Isang Malupit Dalawang Astig
JugendliteraturKung mahilig kayo sa mga hanging ends try nyo... mula sa panulat ng aking bunso; dokbun.