“Fuck.” Naramdaman ko ang nanghihina kung katawan na bumagsak sa mga kamay ni Leo. Pinipilit kung panatiliing bukas ang mata ko kahit hinang hina na ang katawan ko.
“I-I’m sorry. I’m sorry—” Inayos ko ang tayo ko at inalalayan naman niya ako. “Shuush.” Pagpapatahan ko sakaniya. Nararamdaman ko parin ang mga paa kung nanginginig.
“I’m sorry, I made you wait. I’m sorry—”
I felt hot tears on my cheeks. “You have to bring me in the hospital. D-dahil hindi ko sigurado kung buhay pa ba ang anak natin.” Pinilit ko ang sarili kung mag-salita kahit hinang hina na ako.
Ibinaon ko ang ulo ko sa dibdib niya at hinaplos naman niya ang buhok ko bago ako kinarga. Marahan niya akong ipinasok sa sasakyan niya bago ito umikot at nag maneho.
Mabilis nitong pinaharurut ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa pinaka malapit na hospital sa Dagupan. At ng makarating kami doon ay inilagay agad ako sa emergency room dahil sa kalagayan ko.
***
It’s been two days after that incident. Leo and I… never talked to each other since then.
I had a miscarriage.
That’s what I told him, to push him away. Kinuntyaba ko din ang Doctor na ‘yon ang sabihin sakaniya. I had to put an act about how my world fell apart the moment our child was gone.
‘Yung dugo-dugo na naranasan ako ay ‘spotting’ ang tawag. There are other pregnant woman who experienced this as well. Kaya wala akong dapat ikabahala, ayon sa Doctor.
Call me ingrate or anything. But I had to do that.
I had to. For our child’s safety.
Wala na akong pake kung magalit siya pag nalaman niyang buhay pa ang anak niya. Ang importante ay ma-ilayo ko muna sakaniya ito. At ang sarili ko din.
I need time and space. To re-think the decisions I’ve made. Because it always kept bothering me. And whatever would my decision be, I won’t stop him and my son from seeing each other.
I’ve been crying for almost a day, after I pushed him, I found out to Khiro that Leo booked a last minute flight. I don’t know which country. Khiro said it’s for the better that we lost contact and updates about each other for a while.
Alam ko naman kung bakit siya umalis. It was because of me pretending that I had a miscarriage.
But why is it so easy for him to… just leave? How can he just easily leave knowing that I had a miscarriage? I kept showering questions to myself. Na alam kung siya lang naman ang makakasagot.
And the thought of me having a real miscarriage and him just leaving us and everything behind like nothing happened at all breaks me into tiny pieces. Did I not mean anything to him… at all?
Gabing-gabi na at tulala nanaman ako. “Anak, matulog kana. Bawal ang nag pu-puyat sa buntis.” Sabi ni Mama at kinumutan pa ako. Naramdaman ko ding hinaplos niya ang buhok ko sa at hinalikan ako sa noo.
“Ma, iniwan din ba kayo ni Papa nung nagbubuntis kayo?” Tanong ko dito ng hindi siya tinitignan.
Naupo si Mama sa upuan sa tabi ng higaan ko. “Noong nag bu-buntis ako, hindi rin kami mapaghiwalay ng Papa mo. Simpleng tayo ko lang ay magagalit ‘yan. Gusto niya lagi siyang nakaalalay saakin.”
“Dalawang beses akong nakunan noon. Hindi na nga kami umaasang magka-ka-anak pa kami dahil sa sitwasyon ko. Kaya napag isipan namin na ikaw na yung huling beses na gagawin namin.”
Narinig ko ang mahinang pag-iyak ni Mama bago niya hinawakan iyung kamay ko.
“Kaya sobrang saya ko noon na naipanganak kita ng walang komplikasyon, Anak. K-kaya nga ‘Trinity’ ang ipinangalan namin sayo dahil pakiramdam namin ay biyaya ka talaga mula sa diyos. Tapos nasundan kapa ng isa.” Nanginginig ang mga labi ko habang tumutulo ang luha.
“Pero nasasaktan ako ngayon habang nakikita kang nagkakaganiyan. Hindi kami nag-ingat ng sobra-sobra ng Papa mo para lang saktan at iwan ka ng isang lalaki. Ang sakit-sakit, Anak, na makita kang masaktan.” Pumikit ako at dinamdam ang sakit.
“Nandito lang si, Mama, huh? K-kung kaylangan mo ng masasandalan at maiiyakan, nandito lang ako. Hindi ka namin pababayaan ng Papa. Tutulungan ka namin hangggang sa makatayo ka nang muli sa mga paa mo. I love you, Anak!”
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa narinig. Pinunasan na din ni Mama ang luha ko. “Oh! Wag ng iiyak, huh? Sige ka, baka maging kamukha ng chismosa nating kapitbahay ‘yang anak mo!” Biro pa ni Mama saakin na ikinatawa ko naman.
“Salamat, Mama. I love you!”
Ipinikit ko na ang mata ko at natulog.
Hoping that when I woke up, all of this will be gone. The pain, the sufferings and him too. For good.
||R.A||
RAENAALMEDA
YOU ARE READING
MK TRILOGY #1 (Completed | Tag-Lish)
RomantikHighest Wattpad Rankings!🏆 🥇#1 in Mafia 🏅#15 in Action-Romance 🏅#5 in Action He lost her 14 years ago. But he never ended the search and still pursued finding her at all stakes Now that he found her again, he'll keep her wrap around his fingers...