"Papa naman!" Pigil ko dito at halos maluha na.
Mas lalo ko lang na hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Leo para alam niyang hindi ko siya iiwan sa ganitong sitwasyon. Inabot ng limang minuto bago maka sagot si Papa dahil kinausap din siya ni Mama.
"Ehhh kung gusto ka talaga niyang Boss mo eh dapat niyang patunayan." Tila nabuhayan ang loob ko sa narinig. At masaya naming tinignan ni Leo ang isa't isa.
"Bukas na bukas dapat maaga, at presentable kang pupunta dito. Seryosohin mo ang ibibigay kung mga gawain sayo bukas, Hijo. At ayaw ko ng lalaki para sa anak ko na puro pera at gwapo lang ang dating. Dapat ay may alam ka na din sa buhay sa edad mong iyan." Mahabang litanya ni Papa.
"Yes sir, gagawin ko ang lahat para ipagkawatiwala niyo ang anak niyo saakin." Natawa ako sa sinabi niya. Mas sincere nga naman kung tagalog ang pagkakasabi niya ang kaso ay nabulol ito.
"Katiwala!"
"Katiwala!"
"Katiwala!"
Sabay-sabay na litanya nila Midnight, Mama at Papa. Halatang hindi talaga sanay sa tagalog si Leo dahil madali itong mabulol sa ibang salita. Tumawa na lamang si Leo at napakamot sakaniyang batok.
...
Nag tagal pa si Leo sa bahay ng mahigit isa't kalahating oras dahil pormal ko itong ipinakilala sa mga pinsan, tito at tita ko. Naiabot niya pa ang mga regalo niya kela Mama at Papa. Si Mama ang pinaka masaya dahil mamahaling uri ng bag ang ibinigay sakaniya ni Leo. Si Papa naman ay kunwaring hindi natutuwa pero halata naman sa mukha niya ang kasabikan na isuot iyong sapatos at relo na regalo din ni Leo.
Nasa labas na kami ng bahay kung saan naka park ang kotse niya. Magka yakap kami sa gilid ng kalsada habang nanonood sa langit. "Sorry ha? Hindi kasi pumayag si Papa na matulog ka sa bahay." Sabi ko dito.
"That's fine, Trinity. Naiintindihan ko naman ang Papa mo. And if I was in his situation ay malamang ganon din ang gagawin ko sa anak ko. But I am so happy right now! Kaasi may chance na akong i-prove ang sarili ko sa mga magulang mo."
Pagkasabi niya non ay hinalikan niya ang nuo ko. "Hindi ka pa ba uuwi, Leo? Gabi na oh."
Umiling siya. "Date muna tayo sa bayan. I want to try those food you were eating with Aisha like the neon balls or quail eggs where you'll dip it with vinegar o-or the chicken feet." Natawa nanaman ako sa mga pinag sasasabi ng Boyfriend ko.
"Yung neon balls ang tawag doon ay Kwek-Kwek. Tapos yung chicken feet naman is adidas. Hahaha!" Tinawanan ko na lamang ito sa neon balls na pinag sasasabi niya.
"Okay whatever." Nakangisi itong inirapan ako at tumawa narin siya. "Let's also try the palameyg. I heard it's really good and has different flavors."
"Ha? Anong palameyg?" Mahina ko itong tinampal sa balikat dahil ang sakit na ng tiyan ko kakatawa sa. "Palamig. Sabihin mo!"
"Pa-La-Mig." Turo ko pa dito at ginaya naman niya ako.
...
Nasa bayan na kami at buti nalang ay naabutan pa namin ang nagbebenta ng fishball at nag iihaw dito. "Tuturuan ba kita o ako na ang bibili?" Umiling siya. "Ako na. I want to learn new things." Tinanguan ko ito at hinayaan siyang bumili.
Nagkakasiksikan ng kaunti kaya gumilid na lamang ako at hinayaan na siyang tumusok ng fishball. Kaagad na nangunot ang noo ko ng biglang may humaplos sa balikat ni Leo na babaeng naka pekpek shorts at croptop.
"Hi pogi! Ang lamig noh? Baka nag hahanap ka ng mag papainit sayo. Andito lang ako."
Ang landi ng gaga!
Pasimple akong sumingit kaya naman natulak ito sa likod at muntik pa ngang mapa upo. Deserve!
"Hoy teh! Wag kang bastos. Nauna ako diyaan sa tabi ni kuyang pogi oh! Inang 'to landi ah!" Hindi ko na sana ito papansinin ng hilain niya ang buhok kung naka pusod na. Napansin ito ng lahat ng bumibili na nagkakagulo lalo na nung humarap ako.
I am so fighting the urge na wag itapon sakaniya iyong palamig na iniinom ko.
"First of all, you don't touch my hair. Second of all, you don't flirt with my Boyfriend!" Tila nanlaki ang mata niya sa narinig. Kaya naman tinaasan ko ito ng kilay dahil parang nag mamalaki at nagyayabang pa ito sa harap ko.
"Lara Simeon, ano ka ba! Kilala ankan niyan dito sa Pangasinan. Gusto mo bang ma todas?!?" Sabi ng isang kasama niya sakaniya.
'Lara Simeon' pangalan pa lang malandi na. Ilang babae na kaya ang naagawan niya ng boyfriend dahil sa kalandian niya?
Umalis na ang mga ito at bumalik na ulit sa payapa ang mga bumibili at nagbebenta. "You're so hot with the way you claimed me as your Boyfriend." Bulong ni Leo habang kumukuha ng pera sa wallet niya. "Bayad po." Inabot niya ang isang libo dito. "Keep the change, Manong."
Pumasok na kami ng 7/11 para doon kumain. Bumili lamang ako ng siopao dahil natatakam ako dito. Naupo ako kaagad sa tabi ni Leo matapos kung mag bayad. Buy 1 take 1 ito kaya naman ibinigay ko ang isa sakaniya.
"You know, being with you made me realize something. Hindi ko pala kaylangan gumastos ng malaki to bring you in expensive dates to make it memorable. I mean I can always provide you luxurious dates anytime. But being with you just makes everything perfect. 'Yung kahit saang lugar tayo mag date, it feels very special to me."
Napangiti ako sa sinabi niya at sumandal sa balikat ninya. "I feel the same way, Leo. I feel so love, cared and treasured when I'm with you. To the point, I just wish that time can freeze for a little so we could stay a little longer like this."
Humalik siya sa noo ko. "I love you so much, Trinity. Thank you for making me experience these kind of things. Siguro kung wala ka ay habang buhay nalang ako magiging malungkot at stressed."
"We're both lucky to have each other, Leo.
||R.A||
RAENAALMEDA
YOU ARE READING
MK TRILOGY #1 (Completed | Tag-Lish)
Storie d'amoreHighest Wattpad Rankings!🏆 🥇#1 in Mafia 🏅#15 in Action-Romance 🏅#5 in Action He lost her 14 years ago. But he never ended the search and still pursued finding her at all stakes Now that he found her again, he'll keep her wrap around his fingers...