Mag katabi ng upuan sila Joshua, Trinity, Nicole, at Leo. Nakapalibot ang mga ito sa iisang lamesang bilog lamang na binabalutan ng itim na mamahaling tela. Tanging si Joshua at Leo lamang ang nag sasalita dahil masiyadong awkward ang paligid kung sisingit pa si Trinity.
“CR lang ako.” Bulong ni Trinity kay Joshua at inilagay niya sa lamesa niya ang table napkin na nakapatong kanina sa kandungan niya.
Kaagad siyang nag punta sa restroom at pumasok sa cubicle. Doon ay isinuka niya ang kinain niyang crab macaroni.
Nakailang mumog pa ito hanggang sa mawala na ang mala kalawang niyang panlasa.
Lumabas na ito ng restroom habang pinupunasan ang bibig niya pati narin ang uniporme niya dahil natalamsikan ito ng tubig kanina habang nag huhugas ng kamay. Dahil abala ito sa pagpupunas ng tissue sa sarili niya ay hindi nito napansin na may nakabangaan siya.
“Sorry—” Hindi na naituloy ni Trinity ang sasabihin ng mapagtanto niya kung sino ang nakabangaan niya.
“It’s fine.” Leo.
Trinityellian Solana Gomez
“Thank you,” Sabi ko sa cashier after kung kunin ang mga pinamili ko at nag bayad. Bumili lamang ako ng siopao, ice-cream, at nutri boost para may kakainin ako pag nagising ako mamayang madaling araw at tinamad ng lumabas para bumili.
Naglalakad na ako papasok sa building ng condo ng may matanaw akong nakatingin saakin sa malayo. Naka hoodie ito na black. Pati ang kulay ng shorts, at facemask nito ay black. Nakabulsa ang pareho niyang kamay sa hoodie niya.
Namamalikmata ba ako? Impossibleng hindi si Leo ang nakikita ko ngayon.
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko at ang napaka lakas na tibok ng puso ko. Naramdaman ko din na parang naapektuhan ito saakin kaya napaatras ito at tumalikod na para maglakad palayo.
Hindi ko na ito nilingon at pinilit ang sarili ko na maglakad na papunta sa condo ko. Dahil nasisigurado kung sa ano mang oras ngayon ay hindi ako mag da-dalawang oras na habulin siya.
***
“Trinity, tulungan mo nga ako. Balak ko kasing bumili ng plant na ilalagay dito sa office anong maganda?” Napangiti naman ako sa tanong nito.
“Yung Bonsai, ‘yun kasi yung binili at nilagay naming plant ni Le..." Unti-unting napawi ang mga ngiti ko ng ma-realize ang sinabi.
“Kahit ano nalang pala. Babagay naman ‘yan dito sa office mo for sure.” Sabi ko nalang. Ramdam ko na naiinis na din si Joshua saakin dahil kahit siya ang lagi kung kasama ay si Leo naman ang lagi kung bukambibig.
“I received an invitation to an Elite Party tomorrow, Trinity. Pa-party ata nila Axcel Dela Vega and Leo Vasquez. Are you coming?”
…At dahil wala naman ako masiyadong ka close dito sa company ni Joshua ay sa office niya nalang din ako nag lunch at sinabayan na din niya ako. Nauna akong matapos sa aming dalawa at pinag masdan ko na lamang siya kumain.
Hindi ko naiwasang mapangiti ng titigan ko si Joshua at naaalala ko sakaniya si Leo. Dahil dati ay ganito rin naman kami ni Leo, mabagal siyang kumain kaya mas nauuna ako sakaniya at kapag tapos na ako ay tinititigan ko na lamang siya.
“May dumi ba sa mukha ko?” Tanong ni Joshua ng mapansin niyang nakatitig ata ako sakaniya. Doon ay nabalik na ako sa realidad.
Umiling ako. “W-wala.”
“Josh,”
“Yes?”
“Pwede ka bang omorder ng Hawaiian Pizza, Milktea, tapos Ice cream? Nag cra-crave kasi ako eh.” Suyo ko sakaniya dahil hinahanap talaga siya ng sikmura ko.
“Sure, anything for you.” Nakangiti nitong sabi at kinuha na ang cellphone niya tsaka nag order.
…
Ibinaba na ako ni Joshua sa tapat ng 7/11 nung uwian na dahil sabi ko ay may bibilin lang ako saglit. Nang makaalis na ang sasakyan niya ay doon na ako pumasok sa 7/11 at nagtagal muna doon. Kumain ako saglit ng spicy noodles. Hindi na ako nag tagal doon ng thirty minutes at umalis na din kaagad.
Pag labas ko ay muli ko nanamang nakita iyung lalaki kahapon. Hindi ko na kaya ito, kung kaylangan sabihin ko sakaniya ang totoo kahit pa ang kapalit non ay…
Third Person’s POV
Nang mapansin ng lalaki na papalapit na si Trinity sakaniya ay muli nanaman itong tumalikod at naglalakad na paalis. Ngunit hindi na nag aksaya si Trinity at minadali na din niya ang paglalakad lalo ngayon na naka ‘red light’ pa ang kalsada.
Ngunit masiyadong madaming tao ang tumatawid din kaya natagalan ito at nung makarating siya sa kinatatayuan nung lalaki kanina ay tuluyan na nga itong nawala. Bagsak ang balikat niya bago muling tumawid. Nawala sa isip nito na naka “green light” pa ang traffic signal.
Kamuntikan na itong masagasaan ng isang motor ngunit isang lalaki ang humila sakaniya palayo rito.
||R.A||
RAENAALMEDA
YOU ARE READING
MK TRILOGY #1 (Completed | Tag-Lish)
عاطفيةHighest Wattpad Rankings!🏆 🥇#1 in Mafia 🏅#15 in Action-Romance 🏅#5 in Action He lost her 14 years ago. But he never ended the search and still pursued finding her at all stakes Now that he found her again, he'll keep her wrap around his fingers...