"Tyellian! Pag ikaw naabutan ko sisinturunin talaga kita."
Iyan ang boses na kinalakihan ko. Parang sirang plaka. Ayaw kasi ni Mama na nagbibilad ako sa araw ng tanghali.
"Naku nandiyan nanaman Mama mo. Lagot ka riyaan panigurado." Pananakot pa ni Joshua na may hawak pang Jolen.
"Umuwi kana Trinity baka mas lalong magalit ang Mama mo." Pag-aalala na sabi ni Nicole saakin.
"Ayoko, masakit kaya ang ma sinturon. Ikaw nalang pumunta sa bahay namin kung gusto mo." Nagtawanan pa kami dahil sa sinabi kong iyon.
Nakakatawa lang talaga dahil kahit halos abutin na ako ng sinturon ni Mama ay nagagawa pa naming tumawa.
"Ano hindi ka muna uuwi?" Tanong ni Nicole na tinanguan ko naman. Tinanguan ko ito. Hahantayin ko na lamang si Papa tsaka ako uuwi.
"Josh, doon muna ako sainyo ha? Makikinood ako ng TV."
"Sige walang problema. Basta ikaw." Tinapik tapik pa ni Josh ang balikat ko.
"Sama ako ah." Singit ni Nicole.
"Teka sandali lang. Bibili lang ako ng tinapay para picnic tayo roon."
Nasa bandang bukid ang bahay namin pero may malapit namang bayan dito. Habang papasok ako sa isang iskinita sa may bayan ay may humatak sa akin at tinakpan ang bibig ko para hindi ako makasigaw.
"Shh. Be quiet nga." Napalunok ako dahil sa boses niya na halatang sa ibang bansa nakatira dahil sa accent. Ang bango niya rin.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko kaya naman bumulong din ako dito gaya ng pag bulong niya kanina.
"Ba't mo naman ako hinatak dito? Tabi ng lansangan ito eh." Pagrereklamo ko pa sakaniya.
"I agree. I hate wet markets. It's fishy everywhere." Tinakpan pa niya ang ilong niya at nagtakip.
Ang cute-cute niya. Ang puti puti rin. Halatang hindi talaga taga rito.
"Hinatak kita rito dahil pag nakita ka ng mga body guards ko for sure gagamitin ka nila para palabasin ako sa pinagtataguan ko." Nanlaki ang mata ko at sabay na tumayo ang kilay.
"Body Guards? Artista ka ba? Wow!"
Puri ko dito at hinampas pa ng malakas ang balikat niya. Nakita ko naman na hinimas niya ito at nangunot ang nuo niya. Sensitive ba siya kaya ganoon ang reaction niya?
Maya din ay may kaunting dugo na bumakat sa suot niyang puting polo kung saan ko siya hinampas. "Hala bat... Ba't ka dinudugo? Sorry."
"May sugat ako riyaan eh. Pero it's far from my bituka naman." Ang kaninang madilim at kunot niyang mata ay nawala at napalitan ito ng maaliwalas na ngiti.
Napansin ko ang mga mata niyang... Teka ano na nga ulit ang kulay na ito? Nalilito ako. Blue ata ito.
"Blue?" Tanong ko.
"Huh?" Nagtataka naman niyang tanong.
"Yung mga mata mo kulay blue." I stared at it. Hindi nga talaga siya taga rito. Banyaga.
"Its gre—"
"Tyellian. Pangngalan ko." Pakilala ko sa aking sarili. Ano kayang pangalan niya?
Mukha siyang isang weird na mayamang bata at halata ring wala siyang balak sa akin na magpakilala.
"Ano? Hindi ka pa ba lalabas? May pupuntahan kasi ako." Sabi ko sakaniya.
"Mahuhuli nila ako kapag lumabas ako." Nakita ko ang takot sa mga mata niya at lungkot din dito. Sumilip ako at tinignan kung ilan ang mga sinasabi niyang body guards. Sampo ang mga ito at may kasama pang dalawang alalay.
YOU ARE READING
MK TRILOGY #1 (Completed | Tag-Lish)
RomantizmHighest Wattpad Rankings!🏆 🥇#1 in Mafia 🏅#15 in Action-Romance 🏅#5 in Action He lost her 14 years ago. But he never ended the search and still pursued finding her at all stakes Now that he found her again, he'll keep her wrap around his fingers...