NAGISING ako sa mahinang pagkalabit ng konduktor at sabihin niyang nasa Manila na ako. Iniayos ko ang mga gamit bago bumaba.
"Huy, tagal na nung huli tayong nag-kita ah."Nicole is one of my best friends. Kababata ko siya noong mga pitong taong gulang pa lamang kami.
"Hindi naman. Nung after graduation lang. By the way, okay na ba yung room ko?"
"Oo naman, 12k ang renta kada buwan pero pwede naman tayong mag share sa ibang gastusin. Mura ang renta ko kasi kakilala ko yung may-ari."
***
"Nicole, nagluto na ako ng umagahan atsaka aalis narin ako baka kasi malate ako. Mag a-apply pa naman ako ng trabaho ngayon." Paalam ko rito habang isinusuot ko yung bag ko.
"Sige ingat ka." Hindi na niya ako tinapunan ng tingin dahil busy siya sa pag e-encode.
...
Habang naka sakay sa jeep ay nagtataka naman ako dahil hindi traffic sa edsa. Balita ko kasi palagi raw traffic dito.
Nang makarating ako sa unang kumpanya ay kabadong kabado na ako. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko namalayang ako na pala ang susunod.
"Tell us something about you." Nakangiting pabungad nung isang boss sa left side.
"Hi Ma'am and Sir. I am Trinityellian Gomez, 21 years old from the province of Pangasinan. I graduated from Pangasinan State University where I obtained my business administration course."
"Your resume says, you're a working student before?" Tanong nung lalake sa gitna.
"Yes, I've worked as a waitre—"
"Tell us something that isn't included in your resume. Tell us something that would convince us to hire you." Putol saakin nung babae sa right side. Lumunok naman ako dahil sa tingin na ibinigay niya.
"W-well, I can do my work on time and I possess the skills you are looking for. I also have experience in writing articles, computers, and graphics. Aside from that—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng putulin ulit ako nung babae.
"You see, we are looking for someone who is more fit to do this job. Sadly, that is not you Ms. Gomez. We are looking for someone that is more EDUCATED and has a lot more experience than you."
Aray! Hindi na nga ako tinanggap tapos ininsulto pa ako. Pano magkaka experience kung hindi ihi-hire?
"A, sige po. I still hope to work with you in the future. Thank you."
...
Inis akong naglalakad sa gilid ng kalsada. Siguradong amoy usok at sabog na ako sa lagay ko. Halos lahat yata ng kompanya ay na-applayan ko na kaso walang tumanggap sa akin. Habang tulala ako ay bigla akong napatingin sa isang tarpaulin. Madalas kung naririnig ang sikat na kompanya na ito. Sila rin ang laman ng mga magazines at diyaryo.
"Vasquez Company?"
Bakit nga ba hindi pumasok sa isip ko ang mag pa set ng appointment dito?
Ah, oo nga pala. Mataas din ang standards ng kompanyang ito gaya nung una.
Pero why not coconut? 'Di naman siguro masamang mag try.
...
Pagpasok na pagpasok ko palang ay namangha ako kung gaano ka elegante ang lobby pati sa suot palang ng mga empleyado dito ay parang aabot na sa libo ang uniporme.
YOU ARE READING
MK TRILOGY #1 (Completed | Tag-Lish)
RomanceHighest Wattpad Rankings!🏆 🥇#1 in Mafia 🏅#15 in Action-Romance 🏅#5 in Action He lost her 14 years ago. But he never ended the search and still pursued finding her at all stakes Now that he found her again, he'll keep her wrap around his fingers...