Trinity

11.9K 200 62
                                    

"I met her when I was 9 years old, she told me her name was Tyellian and she used to call me Blue. Nakakatawa nga eh kase napagkamalan niyang Blue yoong mata ko, at hindi Green. Pero dumating yung araw na kaylangan ko ng bumalik ng Manila and I have to bid goodbye to her. Before I leave, she handed me this beaded bracelet and we both pledge to find each other no matter what. Believe it or not hangang ngayon hinahanap ko parin siya. I'm so madly in love with her."

Napalunok ako. Siya nga! Siya nga si Blue! Siya yung lalaki na matagal ko na ding hinahanap. God! We've been looking for each other for almost 14 years.

Yayakapin ko na sana siya at ipapaalam na ako si Tyellian kaso naalala ko si Nicole. Alam kung masasaktan iyong kaibigan ko pag nalaman niyang naging kami ng taong gusto niya din.

Ayoko siyang masaktan. Madami siyang naitulong saakin, para na siyang kapatid saakin. Kaya ayoko. Ayokong sirain ang pagkakaibigan namin ni Nicole.

...

"Ipapadala ko nalang iyong mga paper bags sa condo mo." Sabi ni Boss na naka tingin saakin at naka hawak pa sa manibela

Tumango nalang ako at nagpasalamat bago bumaba.

Buong biyahe ay tahimik lang ako at hindi alam kung paano mag sasalita sa harapan niya, hangang ngayon na naka balik na kami ng building.

Habang nag lalakad palayo sa parking lot ay gulat ako ng hilain ni Boss ang kamay ko at hinatak ako papunta sakaniya. Kasabay din non ang biglaang pagharurot ng kotse sa dadaanan ko. Muntik na pala akong masagasaan kung hindi pa ako hinila ni Boss.

"God! Be careful Trinity. Tumingin tingin ka sa dinadaanan mo." He buried me to his chest and I can smell his manly scent

I could stay like this forever. Muli kung inamoy ang pabango niya bago umatras at nilayo na ang katawan ko sakaniya.

"T-thank you, sir." I said but he only smiled at me, then he intertwined our hands as we both walked together.

...

Nang makarating na kami ng 54th floor ay nauna na ako sa conference room at si Boss naman ay nagpaalam saakin na may gagawin sandali sa office niya. Nagmamadali akong pumasok ng conference room mabuti nalamang ay walang tao doon maliban nalang kay Nick na nag e-encode. Inilapag ko ang bag kung itim na may lamang laptop sa lamesa na pa U-shape.

"Wow! Ang aga mo bakla. Emsz. Anong oras na jusme ngayon kalang nag pakita." Parinig pa nito saakin

"Baliw nag lunch pa kase ako sa condo ni Boss- ay ano este-" Natigil sa pag e-encode si Nick dahil sa narinig at tumingin saaken atsaka tumayo pa.

"Hop! Hop! Hopia! Anong ganap." Halos abot ngiti na ang ngisi nitong baklang toh.

"Wala," Tinusok tuskok niya pa ang tagiliran ko. Natatawa ako sa ginagawa niya at the same time ay ginagamit kung depensa iyong tarpaulin. Naka ilang atras narin ako dahil sa panunusok niya sa tagiliran ko.

"Hala siya! In denial yarn? So ano nga? Spill the tea tea. Emsz." Mapilit siya.

"Hoy!" Saway ko sakaniya at tumatawa tawa pa

"Wala nga kumain lang kami sa condo niya-" Bumalik na ako sa dating puwesto at inayos na iyong mga documents na ipapakita mamaya.

"Bakit sa condo? Eh may restaurant. Like hello? May restaurant bakit sa condo?" Grabe legit chismosa itong si Nick.

"Okay. May dinaanan siya sa appartment niya and at the same time kasama ko siya non. Pinag-luto niya din ako kaya doon na kami kumain, ayan ah klaro na." Pero siyempre diko ikwe-kwento iyong naimagine ko sa lintek na elevator. Nakakahiya kaya.

MK TRILOGY #1 (Completed | Tag-Lish) Where stories live. Discover now