Chapter 30

5.1K 90 4
                                    

7:00 AM na ng makaalis kami ng penthouse ninya dahil sa sobrang tagal naming pareho maligo. Bago ito mag simulang mag drive ay sinigurado niya munang naka suot na ang seat belt ko at niya.

“Sure ka bang kaya mo at hindi ka inaantok, Leo? Marunong naman ako mag drive. We can take turn—

Bago pa man ako matapos sa gusto kung sabihin ay nag salita na ito.

“As your Boyfriend, I think it’s my job to drive for you. Now, just rest there and I’ll wake you up pag nasa Pangasinan na tayo. Or kung nagugutom ka ay sabihin mo lang para makapag drive thru tayo. I love you, Mi Reina.”

If I could describe Leo is he loves pampering me with everything. Para akong bata kung alagaan niya. Kulang na ngalang ay halos wala na akong gawin nung nasa penthouse niya pa kami.

Pero ayoko naman ng ganon. We can share some of the chores para hindi siya mahirapan. Hindi namang pwedeng siya lang ang kikilos sa lahat at ganon din naman ako kaya mas magandang mag share nalang kami ganon narin sa gastusin.

Kinuha ko ang cellphone ko at headset tsaka nag patugtug.

Forever Right Now – Conor Matthews

Isinuot ko ang left side ng headset ko at yung right ay inilagay ko naman kay Leo. Sumandal ako sa balikat niya at pinagmasdan siyang mag drive gamit ang isang kamay. Nakapatong ang kanang kamay niya sa hita ko kaya naman hinawakan ko iyon ng mahigpit.

“I love youuu.” I told him.

Umuulan narin pala. “I love you so much, Mi Reina.”

Kahit ilang oras ang itinagal ng biyahe ay hindi ko nagawang makatulog dahil gustong gusto kung sinusulit ang ganitong bagay na kasama siya. Nanonood ako ng movies at siya ay nakikinig lang dahil hindi naman siya pwedeng manood habang nag dri-drive at baka ma aksidente pa kami.

“Subuan mo naman ako.” Inirapan ko siya ng kaunti bago sinubuan ng fries. Kanina ko pa napapansin ang pamumula ng tenga niya at pag ngiti ngiti niya.

Masiyado niyang ineenjoy ang pag subo ko sakaniya!

“What if ayaw ko? Gamitin mo kaya iyong isa mong kamay para maka kain ka hindi iyong nasa legs ko lang.” Biro ko lang siyempre. Gusto ko lang siya makitang mag tampo of course.

Hindi na siya sumagot hanggang makalahati ko ang pinapanood kung movie. Parang nokensensya ako sa ginawa ko dahil ang dalawa niyang kamay ay nakahawak na sa manibela.

Inilayo ko ang cellphone at pati narin ang mga pagkain ko sa tabi. Inilagay ko muna ang mga ito sa likod ng kotse pansamantala. Kinuha ko ang bag kong maliit at pumunit ng papel doon sa notebook na dala ko sabay kuha narin ng ballpen.

Nag sulat ako dito ng,

WANTED: Hiring a gwapong CEO na matangkad na seloso na hahawak sa kamay ko hanggang makarating kami ng Pangasinan. Please call my number 09********* if interested.

Tsaka ko ito nilagyan ng maliit na tape at ipinaskil sa windshield sa tapat ko siyempre. Alam kung napansin niya ang ginawa ko pero hindi niya lang ito tinatapunan ng tingin.

Edi wao! Suplado award goes to George Leonardo Zapanta Vasquez!

Itinuon ko na lamang ang pansin sa bintana at pinanood ang view. Narinig ko siyang may kausap sa cellphone niya na mahigit 20 minutes siguro ang itinagal. Naramdaman ko nalamang ang cellphone ko na nag vibrate dahil may tumatawag palang unknown number dito.

“Hello?” Sagot ko dito.

“Hello, Good Morning! This is George Leonardo Zapanta Vasquez the CEO of One hundred and 2 companies, 6’3, and very seloso. Are you still hiring? I’m very interested kasi to hold your hand.” Nagulat ako at napalingon pa kay Leo na ngayon ay naka ngisi habang nag dri-drive at nakatingin ng diretso sa daan.

“Hello? Are you still there?”

Pinatayan ko ito ng telepono at kaagad na hinalikan ito sa kaniyang pisnge at siya naman ay hinawakan na ang kamay ko. “God! I’m so tempted right now na halikan ka ng matagalan.”

“I love you! Sorry na!” Sabi ko dito at kumapit pa nga sa braso ninya. “Apology accepted, Mi Reina. Kumain na tayo ulit.” Sabi niya at kinuha ko naman kaagad iyong fries atsaka pizza.

“Kinakabahan ako, Trinity. Paano kung hindi ako magustuhan ng pamilya mo?” Nandito na kami sa Gabon at ilang minuto na lamang ay makakarating na kami sa bahay namin.

“Pangungunahan na kita. Mabait ang mga magulang ko pera na lamang kay Papa dahil puro babae ang mga anak niya kaya sobra sobra kung alagaan niya kami. Sa ayaw nilang lahat ay yung masiyadong mayabang at mataas ang tingin sa sarili. Just be yourself at ipakita mong kaya mo naman akong alagaan at hinding hindi mo ako pababayaan at siguradong botong boto kaagad ang mga ‘yon sa’yo.”

Huminga ito ng malalim bago uminom ng tubig sa dala naming Aquaflask. Itinuro ko ang isang blue na gate na siya namang tinigilan ng kotse niya.

“Y-you live here?” Tanong niya. “Ah etong bahay na may blue gate? Hindi. May iskenita kasi sa pagitan ng bahay na ito at yung nasa kaliwa niya. Maglalakad tayo diyaan hanggang maabot natin iyong dulo and then bahay na namin.” Sabi ko.

“Y-yeah, you told me about that last night. A-ang concern ko lang if nung bata ka ay may kilala ka bang Tyellian?” Napalunok ako sa tanong niya.

Don’t tell me naalala niya pa iyong dati naming bahay bago kami lumipat?

“Hindi eh. Bakit? Ano bang meron?” Patay malisya kung tanong. Nakatingin parin ito ng diretso sa mata ko na para bang pinag dududahan niya ako.

Hindi ko pa pala nasasabi sakaniya ang totoo. Gosh, Trinity! Kaylan ka ba aamin sakaniya? Habang pinapatagal mo ay mas lalo lang lumalala ang nangyayari.

Umiling siya at pilit na ngumiti. “Wala. Tara na?” At tinanguan ko iyon bago pa ito magtanong ng kung ano ano nanaman. Nauna siyang bumaba sa kotse niyang Grand Cherokee at ipinag buksan ako ng pintuan sabay halik sa pisnge ko. Nakasanayan na niya atang ipagbuksan ako ng pintuan sa kotse at pagkatapos ay hahalik siya sa pisnge ko.

||R.A||

RAENAALMEDA

MK TRILOGY #1 (Completed | Tag-Lish) Where stories live. Discover now