Chapter 1

0 1 0
                                    

Christian's POV

Summer vacation namin ngayon at sa palagay niyong masaya ang bakasyon natu, sasabihin ko sa inyong bored na bored na ako dito sa apartment. Oo na, medyo may kaya kasi pamilya ko. Sabihin na nating may mga trabaho silang maayos.

Habang nasa kwarto pa din at nakatulala sa ceiling, naisip kong lumabas na muna para naman ay makalanghap ng sariwang hangin. Nang makaupo sa balconahi ay nakita kong papalapit na sa kinauupuan ko si tom. May dala siyang supot na ewan ko ba kong ano ang laman.

"Ano yang dala mo?" tanong ko pa sabay tayo at pinapasok ko siya.

"Ah ito ba" pagtaas naman niya sa dala niyang supot. "Pagkain to, yung paborito mong chicharon na baka at tsaka juice na pineapple."

" Ahh ok. May dala ka pa bang iba diyan?" pagtatanong ko pa nang mapansin kong may bukol pa sa short niya sa may bulsa.

"Ah meron pa. Itong candy na paborito mo din." kuha pa niya sa bulsa niya sabay lagay sa baso.

Si tom pala ay kapitbahay at kaibigan kong napakabait. Palagi siyang pumupunta sa bahay na may mga dalang pagkain. Kaso nga lang ay hindi na kami magkapitbahay ngayon kasi sa ibang building siya nagboboard. Alam din niya na kapag bored ako ay magchachat lang ako sa kanya. Masayang kasama tong si tom kasi joker din to minsan. Nagkakilala kami nung nga half semester sa grade 12 nang dahil sa isang proyektong random picking. So ayun, siya yung naging partner ko nun.

Matapos naming ilagay yung pagkain sa pinggan ay pumunta na kami kwarto ko. Mahilig kami dito sa kwarto dahil sa nalilibang kami. Naglaro kami ng mga online games at tsaka nagpupustahan kami na kong sino ang talo ay may parusang matatanggap.

" Tian ('chan' pronounced ). May sasabihin pala ako sayo. " sabi niya habang nakahiga kami sa kama.

" Ano naman yun tom?" sabi ko din at tumingin ako sa kanya.

" Pwede bang patulong?" tanong pa niya na ipinagtaka ko.

" Ano yun?" pagtatanong ko din nang hindi makaisip sa ibig niyang ipatulong sakin.

" May nililigawan kasi akong babae at hindi ko alam kong ano yung gagawin ko. At tsaka malayo kasi siya dito at kaya ako magpatulong kasi magpapadrive ako sayo. Hindi din naman kasi ako marunong magmotor." sabi pa nito habang nahihiya siya.

" Ganun ba tom. Ganito nalang, dahil sa nandito ka din naman ay bumili nalang muna tayo nang gagamitin natin na pang sorpresa sa kanya bukas. " pagsabi ko pa sa opinyon ko at sumang-ayon naman siya.

Nagpunta na kami sa mall sa katabi lang ng tinutuluyan ko. Sinabi naman niya sa akin kong ano yung hilig nung babae. Binili lang namin yung sakto lang kasi baka ma-basted siya at sayang yung magagastos, pera ko pa naman ipinambili namin.

Ok lang din naman sakin na gumastos ng pera basta sa akin o sa kanya papunta pero kong sa iba, naku...sabihin niyo nang kuripot ako pero ibang usapan nayan. Bumalik na kaagad kami sa apartment at tsaka ginawa yung kailangang gawin.

Almost 6 na nang gabi kami natapos dahil sa kong anong mga kalokohan ang gunawa namin. Sa napagkasunduan naming dalawa na dito nalang siya matutulog tutal malaki naman ang kama ko at tsaka ako lang din naman mag-isa dito at higit sa lahat ay kaibigan ko din naman siya.

Mga alas nwebe ng gabi (9:00pm) ay naisipan naming maglaro na muna para naman malibang kami. Puro nalang kasi paghahanda bukas yung inaatupag namin. Mas excited pa nga ako kesa sa kanya eh kasi ako pa nagpilit sa kanya na mag-praktis para bukas. Tawang-tawa din kasi ako sa ginagawa niyang kalokohan kapag nagkamali siya ng sabi. May mga linya kasi siya na ginawa like Mahal na Mahal kita hindi lang sa maganda ka kundi dahil diyan sa nagbubukal mong pusoAng luma eh, oh sabihin kunang ang badoy nung style niya. Tsaka para lang siyang nambobola eh.

Exactly 10 ay natulog na kami kasi medyo napagod din ako sa paglalaro namin ng online game. May kalokohan pa siyang naisip bago kami natulog, isipin mo...nakipagtalo pa siya sa akin na sa sahig lang daw siya matutulog o di kaya'y sa sala nalang daw siya. Pero dahil sa mas matigas ulo ko (yung nasa itaas na ulo) ay napapayag ko din naman siyang mapahiga sa kama.

Tom's POV

Nakahiga na kami ngayon ni christian sa kama. Swerte ako sa kanya dahil sa napakabait niya at mapagbigay pa. 1 year palang yung pagkakaibigan namin pero solid talaga. Yung kapag nag-aaway kayo ay nagkakabati kaagad. Para ko na din siyang kapatid kasi yan din yung turing niya sa akin. Malaya akong nakakapunta sa apartment niya at sa bahay nila dahil sa ok naman din yung parents niya sa akin dahil wala daw kaming mga bulakbol na ginagawa.

Masarap din siyang kasama dahil sa napapatawa niya ako. Yung hindi ka matatawa sa jokes niya kundi sa mismong tawa niya matatawa ka. Sana lang talaga ay walang pagbabago sa aming dalawa, yung magkaibigan padin kahit malayo na o sana wala kaming gulo. At sana din ay hindi ako ma basted ng liligawan ko bukas. Nakakahiya kasi sa kay christian na ma basted ako dahil sa siya yung gumastos para bukas. Ako naman sana yung gagastos ng binili namin pero inako niya. Ewan ko ba, palagi nalang niyang sinasabi na treat daw niya yun sa akin dahil sa mabait ako. Siguro, kapag na basted ako ay nakakahiya talaga. First time ko kasing manligaw at tsaka hindi ko din masyadong alam kong paano maging successful yung panliligaw. Halaka naku, napasarap naman yata ako sa pag-kwento. Natulog na ako nang makadama ako nang antok.

Lihim na pagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon