Christian's POV
Andito na kami ngayon sa kwarto ko at andito siya nag-eemote kaya binilhan ko nalang siya ng makakain.
Pagkabalik ko sa kwarto ay agad ko nang ibinigay sa kanya yung pagkain at agad naman niya itong kinain. Nasarapan naman siya sa mga binili ko.
" Magaling ka talaga pumili tian." sabi pa nito habang may bitbit na fried chicken.
" (Tumawa muna ako) Ako pa, kaya nga kaibigan kita diba." pagbabalik ko pa sa kanya habang nanonood ng palabas.
" Ay tian, gala naman tayo oh. Magmumokmok ka nalang ba dito palagi? "
" Ok lang naman na andito ako sa kwarto kasi hindi pa ako magiging itim sa sobrang init ngayon ng panahon. Pero may alam ka bang pwedeng puntahan? Yung malapit lang."
" Ede mag adventure tayo. Punta tayo kong saan-saan. Ay wait, may alam ako na lugar pero ready kaba sa init? Baka magdabog ka." babala pa nito sakin.
" Hindi na siguro basta ikaw mag drive."
" Gago, hindi nga akk marunong magmotor eh. Gusto mo na deritso-deritso tayo?" sabi pa nito na nakangiti}
Wag kang mag-alala ako bahala sayo. Tiwala ka lang. " Saad nito sa akin na siyang kinangiti ko"
Habang lumilipas ang mga sandali na kaming dalawa ay magkasama, Iniisip na sana Ang araw ay matagal lulubog ..
Sa hindi inaasahang pangyayare habang kami ay masayang nag uusap habang si Tian ay nakatutok ang mga Mata sa aming dinadaan may isang puting sasakyan na nagbigay sa Amin nang atensyon......
Sasakyang nasa kilid nang kalsada na parang nasiraan nang gulong.. Dahil sa aming kuryusidad dahan-dahang hininto ni Tian ang kanyang motor upang magtanong sa kanila kng ano nga ba ang nangyare.
"Magandang Gabi po ano po ba ang nangyare? " Saad nito ni Tian...May dalawang lalaki pumunta sa amin na siyang nagbigay ng kaba sa akin habang si Tian naman napapansin kung masyadong mahigpit ang hawak niya sa aking pulsuhan.. "Wag kang matakot tiwala ka lang sa akin"....
Habang papalit ang dalawang lalaki sa Amin ay siya rin nagbigay dahilan sa akin na mangamba at matakot ...
Isa , dalawa, tatlo, tatlong Segundo... O kay bilis ng oras na siyang biglang inilabas ng isang strangherong lalaki ang kanyang baril na siyang naging dahilan ng aking pagtili....
Holdap to. "Sigaw nung lalaking may hawak ng baril na nakatutok kay tom"
Initaas nalang namin ang aming mga kamay na siyang sinundan ng paghalukat nung isang lalaki sa aming mga pantaloon ng kong ano man ang kanilang madudukot. Kinuha din nila pati ang motor at konting pera na nasa bulsa naming dalawa.
Hindi naman kami sinaktan bagkos ay kinuha lang nila lahat ng mga gamit namin kaya walang-wala kami ngayon. Dahil sa pagkadismaya ay napaupo ako sa gilid.
Pasensya kana dun sa nangyare ha. Kasalanan koto kasi ako yung nagsabi na gumala tayo. "Saad pa nito sakin na nalungkot din sa pangyayare."
Ok lang yun at least hindi naman tayo sinaktan. Pero pano na tayo ngayon? Wala pa namang masyadong dumadaan dito na sasakyan. "Sabi ko pa sa kanya habang palingon-lingon ako sa kalsada."
Tara, uuwi na tayo. " Sabi pa niya na ipinagtaka ko na wala nga kaming sasakyan pauwi."
Paano? At tsaka masyadong gabi na para maglakad pabalik.
Hindi na muna tayo uuwi. Dun muna tayo magpalipas nang gabi. "Sabay turo niya sa medyo may kalayuan na hotel."
Sige nga, paano tayo magbabayad eh wala nga tayong ni kahit pisong pera. " Pagtataka kong sabi sa kanya."
(Tumawa) Alam mo masyado kang seryoso. Hindi kaba bilib sakin? " Tanong pa nito na pangiti-ngiti lang."
Bilib? Eh bakit naman ako bibilib sayo? May magic kaba para magkapera tayo? "Pagtatanong ko pa dahil sa kadahilanang napapagod na akong umupo dito at gusto ko nang magpahinga."
Nakita mo to? " Sabay labas niya nung mga atm card na nakalagay sa ilalim ng brief strap niya."
Card ko... " Manghang sabi ko at hahawakan kuna sana nang biglang may naisip ako na hindi maganda kasi nasa strap pa nang brief niya." Pano mo yan nakuha?
(Ngumiti) Alam mo kanina palang na parang nangamba ako at may sabi-sabi kasi na marami daw nangho holdap dito ay pinaghandaan kuna. Kaya ito, kinuha ko mga atm card mo dahil alam ko naman na konti lang yung pera mo sa pitaka mo bagkos ay nasa atm mo lahat. "Pagpapaliwanag pa nito na ipinagtaka ko naman."
Alam mo naman palang may nangho holdap dito eh bakit dito mupa tayo pinadaan. "Medyo pataas kong sabi sa kanya."
Pano naman tayo makakapunta dun kong hindi tayo dadaan dito? Alangan namang paliparin natin yung motor at tsaka sabi mo na malapit lang dapat kaya dito yun. "Paliwanag niya ulit na ikinapanatag ko."
Matalino din pala tong si tom, hindi lang halata. I mean, sa babae kasi ambobo at walang ka talent-talent kong manligaw.
Naglakad na kami papuntang hotel at isang card kulang kinuha ko sa kanya. Alam niyo dahil sa may kaya nga pamilya ko ay marami talagang card kasi incase na ganun eh di may iba pa. Nag check-in na kami sa hindi kamahalang kwarto. Sa kanya kuna muna din ipinatago yung mga card at as usual ay sa strap ng brief pa din niya inilagay.
Diyan mo talaga yan ilalagay? "Medyo may konting pagsang-ayun ko pa."
Eh bakit ba? Mas secure kaya dito. " Sabi pa nito at may pa tapik-tapik pa sa kilid niya."
Umiba kasi yung amoy nung card parang hindi ko ma explain yung amoy. "Pagbibiro ko na ikinagulat niya."
Naligo kaya ako at tsaka mabango to noh. Amoyin mo pa oh. "Nilapitan niya ako at pilit bang ipinaamoy yung gitnang bahagi ng katawan niya."
Tumigil ka nga. " Awat ko pa sa kanya sabay tulak ko papalayo"
Sabi mo mabaho. Ede amoyin mo. " Pinapaamoy pa din niya sa akin yung pants niya."
Sa kadahilanang pag-iiwas ko ay nahawakan ko yung ano niya dahil sa pagtulak ko papalayo sa kanya. At nagulat nalang ako sa nahawakan ko at pati din yung reaksiyon niya ay nag-iba. Tumigil na siya at nahihiya na. Kita ko kahit moreno siya ay namumula pa din yung pisnge niya at kinakamot na niya ilong niya. Sinyales na yun na nahihiya siya.
So...a...no nang gg...awin natin? "Pautal nitong sambit sakin."
Ikaw na bumili ng makakain sa labas. "Saad ko pa na nakaduko."
Medyo awkward yung nangyare kanina talaga. Nahihiya din ako sa nagawa ko parang gusto ko munang wala siya sa tabi ko. Ayaw kasing makinig kanina kaya ayun tuloy ang nangyare. Pano na kaya mangyayare mamaya pagbalik niya.
BINABASA MO ANG
Lihim na pagtingin
Teen FictionKwento ng dalawang binata na magkasin-edad lang at hindi nila namamalayang naiinlab na pala sila sa isa't-isa. Maraming taon ang nakalipas bago nila naintindihan na kong ano ba talaga sila, magkaibigan nga lang ba? o iba na? Hindi naman maintindihan...