Christian's POV
Nauna na akong nagising kay tom mga alas sais (6) ng umaga. Tiningnan ko muna siya na natutulog at napaisip na 'siguro andami nitong iniisip kagabi siguro kaya antagal niyang gumising'.
Pumunta na ako sa kusina para naman makamomog at makahain na ng agahan namin. Nagsaing na muna ako pagkatapos ay nagluto na nang ulam. Oo na, fried egg, fried tosino at fried hotdog lang niluto ko. Hindi ko naman alam yung iba pang mga luto. Basic lang alam ko.
"Ano yang mga niluto mo?" tanong pa niya na ikinagulat ko.
" Ah eh, puro yan fried. At sa susunod naman ay magsabi ka naman na gising kana hindi yung nananakot ka. Ang aga-aga oh. " reklamo ko pa sa kanya at tumango naman siya.
Nagtungo na siya sa lababo para magmomog at umupo na siya sa mesa. Nakahanda na kasi lahat kaya pwede ng kumain.
" Anong oras kaba gumising?" tanong niya habang kumukuha na nang kanin.
" 6 ata yun. At tsaka matanong ko lang, anong oras pala yung lakad natin?"
" Mamaya pang 10 kasi napakaaga pa kasi eh. " sabi pa niya.
Kumain na kaagad ako ng mahinhin kasi matagal pa naman yung lakad at sa totoo lang ay inaantok pako. Parang ayoko na yata pumunta kasi boring naman siguro dun. Baka makita ko pang umiiyak yung kaibigan ko pero dapat be positive lang. Hindi yun mababasted kasi gwapo naman yun at tsaka mabait pa.
Exactly 9 ay naghanda na kami sa mga dadalhin namin. Ewan ko ba pero parang iba kutob ko dito sa gagawin namin. Parang may masamang mangyayari na hindi ko malaman-laman pero malalaman din naman yan mamaya pagkarating sa bahay nung babae. Tama narinig niyo, sa bahay nga ng babae siya manliligaw, oh san ka pa niyan na lalaki manliligaw sa mismong bahay niyo ang swerte naman ng babae kong ganoon.
Mga 9:30 ay nagsimula na kaming bumyahe kasi nga daw mga 30 minutes lang yung biyahe papunta doon. So ito na nga, habang nagmamaneho ay nagkwentuhan na muna kami.
" Tian, parang ayaw kunang ituloy to." sabi naman niya na parang nag-aalala.
" Gago, tapos na nga nating gawin lahat ngayon ka pa susuko. Worthless yung pagod natin kong hindi mo itutuloy tom" sabi ko sa kanya para mahimasmasan yung kaba niya.
" Kinakabahan kasi ako sa mangyayare tian." pababa nitong sabi sakin.
" Alam mo tom, huwag kang maging dramatic noh. Hindi bagay sayo sa totoo lang. "
" Ok sige, sabi mo eh. " at tumahimik naman siya.
Nang makarating kami sa mismong lugar ay nagtaka ako kasi parang nakarating nako dito. Hindi ko lang matandaan kong ano ginawa ko dito pero sure ako na nakapunta na ako dito. Tinanong ko nalang si tom kong saang bahay ba kami dapat huminto. Sinabi naman niya kaya inigarahi ko na yung motor sa labas ng bahay.
" Tao po." sigaw pa ni tom.
May lumabas naman sa bahay na sa tingin ko ay yung kapatid nung babae dahil sa mukhang bata pa ito.
" Ano po kailangan nila?" tanong naman nito habang papunta sa gate nila.
" Andyan po ba anak niyo?" tanong naman ni tom na ipinagtaka ko.
Anong anak? Yung babae may anak? Paano? Eh ang bata pa niyan ah. Wait, baka maagang nabuntis kaya ganyan. Ah ok, baka ganun nga.
" Andito siya sa loob may kasama siya. Ano po ba kailangan mo sa kanya?" tanong ulit ng babae.
Kasama? Sino kaya yun? Baka kaklase niya lang. Andami kong katanungan sa sarili ko at sana lang masagot na.
" Manliligaw po sana ako sa anak niyo. Kong pwede po sana." sabi naman ni tom na ikinagulat nung babae.
" Ganun ba. Pero sasabihin ko lang sayo to ah, sinagot na kasi nung anak ko yung nanliligaw ngayon sa kanya. " sabi pa nung babae na ikinalungkot ko at pati na din si tom.
Halatang-halata sa mukha ni tom ang pagkadismaya sa narinig niya. Pero dahil sa malakas loob niya ay may sinabi siya sa babae.
" Pwede po bang palabasin niyo po yung anak niyo kasi may sasabihin lang ako. " pakiusap naman ni tom at tinawag naman kaagad nung babae yung anak niya at pagkalabas ay nakita namin yung lalaki.
Mukhang mabait naman yung lalaki, gwapo din siya at sa itsura nito ay masasabi kong mayaman ito. Nakita ko din yung kotse na nasa garahe nila na alam kong pag-aari ng lalaki. So ano na pala basihan ngayon? Taong mayaman lang ba dapat maging masaya. Unfair naman nun.
" Diane, akala ko ba ako lang?" madramang sabi ni tom sa babae.
" Sorry tom pero sadyang naunahan kalang niya. " sabi naman nung babae.
" Naunahan, eh nanliligaw naman ako sayo kahit sa online lang at pumunta ako ngayon para manligaw sayo ng personal pero ano? Ginawa mo lang akong tanga. Pinaasa mo lang ako sa wala. Porket ba mayaman yan ay may pagkakataon na siya kaagad. Paano naman ako? Kaming mahirap lang. " medyo may galit na sabi ni tom na ikinasikip ng dibdib ko.
Sa pagkakataong ito, nakita kuna yung kaibigan ko na nasasaktan at naging tanga sa harapan ko. Ito pala yung ibig sabihin na may mangyayaring masama. Walang kwenta pala tong babae na ito eh, batuhin ko kaya to ng sapatos ko para matauhan.
" Alam mo tom, dapat kasi maging practical na tayo sa panahon ngayon. Hindi ka deserving sa akin at ako din sa iyo. Sorry tom pero hindi talaga kita minahal noon pa. " paliwanag pa nung babae.
" Tangina naman to oh. Ede sana sinabi mo kaagad hindi yung niloko mo pa ako. Lankwenta naman to oh. " galit na sabi ni tom.
Susugudin pa sana ni tom yung lalaki pero pinigilan ko. Alam kong dihado na yung lalaki kasi mas malaki katawan ng kaibigan ko.
" Mabuti pang umalis nalang kayo tom. Wala kang mapapala sa akin at ganun din ako sayo. " pagpapaalis pa nung babae.
" Tara na tom, huwag ka nang umasa pa sa wala. Tangina yang babaeng yan." sabi ko pa sa kanya na alam kong narinig nang babae kaya nagsalita ito sa akin.
" Tom, mas mabuti pang sundin mo nalang yang boyfriend mo." sabi pa nito na talagang ikinagalit ni tom. Ayaw niya kasing may sabihing hindi maganda yung mga ibang tao lalo na sa pagkakaibigan namin.
" Boyfriend? Pinagsasabi mo diyan. Kaibigan ko lang to. At tsaka wag kang magsabi ng hindi maganda sa aming dalawa. Kong ayaw mo man sa akin ede wag. " galit na sambit ni tom sa babae. At ito namang lalaki nung babae ay nagsalita.
" Umalis na kayo ng jowa mo dito brad."
So ayun nga, dahil sa nakaupo na ako sa motor ay hindi ko na naawat si tom na sugurin yung lalaki at sinuntok niya ito. Natumba naman yung lalaki at yung ina yung umawat sa kanila. Tiningnan ko nalang sila kasi baka pagalitan pako ni tom.
" Umalis na nga kayo dito." pagmamakaawa nung ina nang babae.
" Sige na tom. Tara na. " paghihikayat ko pa sa kanya at sunakay na siya sa motor.
Umalis na kami sa lugar na iyon. Galit din ako hindi lang halata kasi ayaw ko namang makisawsaw sa gulo noh. Mabait akong tao pero pag ako na inunahan ay hindi ko talaga sasantuhin kahit sino. Ramdam ko yung emosyon na nasa loob ni tom. Napakasakit naman kasi nung ginawa sa kanya.

BINABASA MO ANG
Lihim na pagtingin
Teen FictionKwento ng dalawang binata na magkasin-edad lang at hindi nila namamalayang naiinlab na pala sila sa isa't-isa. Maraming taon ang nakalipas bago nila naintindihan na kong ano ba talaga sila, magkaibigan nga lang ba? o iba na? Hindi naman maintindihan...