Chapter 7

0 0 0
                                        

Christian's POV

Kanina pa ako kinukulit ni tom na maligo na sa dagat kaya nag dali-dali akong nagbihis sa banyo at dumeritso na sa dagat. Sumunod din naman siya sa akin.

Habang lumalangoy ako na medyo may kalayuan ay napatingin ako sa kanya. Ano kaya iniisip niya?

Dahil sa ayaw ko din naman gustong masira yung iniisip niya kaya lumangoy nalang ako.

Palayo ako ng palayo sa kanya at papalalim na din. Nang makaramdam ako ng pagod ay lumangoy na ako papalapit sa kanya habang palangoy ay bigla nalang uminit yung hita ko kaya nahirapan akong lumangoy.

TULONG!!! "Sigaw ko pa at nakita ko ang mabilis na pag responde ni tom papalapit sakin. "

Binuhat niya ako at dinala sa may buhanginan na walang taong dumadaan. Ramdam ko pa din yung hapdi sa aking hita.

Medyo inaantok na ako sa sobrang hapdi. Para bang umiinit o napapaso yung hita ko.

Tom, ang hapdi ng hita ko. "Maluha-luha kong sabi sa kanya."

Huwag kang mag-alala. Gagaling din yan. Pero sa ngayon ay pumikit ka. -tom

Pikit? Bakit?

Nagtaka ako bigla sa sinabi niya. Gagaling ba ito kapag pipikit ako? May magic bang gagawin. Ewan ko ba sa kanya.

Pinikit ko nalang yung nga mata ko at umaasang pagdilat ay maayos na ang hita ko. Ewan ko ba sa gagawin niya.

Habang nakapikit ay nakaramdam ako ng mainit na tubig na bumubuhos sa aking hita. Dahil sa hindi ko matiis at gusto ko ding malaman kong ano yun ay dinilat ko yung mga mata ko sabay bilang ng tatlo...
1... 2... 3...

Pagkadilat ko ay nabigla ako sa nakita ko. Waahhhh, sigaw ko pa. Nang makita ko si tom na iniihian yung hita ko. Minadali naman niyang itago yung alaga niya sa pants niya. Nahiya naman ako sa nagawa kong pagsuway sa kanya.

Tian naman eh, bakit mo inidilat yung mata mo. Sabi ko nga diba na pikit eh. "Sabay kamot niya sa batok."

Heh, akala ko bang iihian mo yung hita ko. At tsaka bakit yun pa eh pwede namang dalhin moko sa clinic. "Pagdadabog ko pa."

Yun kasi yung first aid. Pero ok na yun, nakita mo na eh. Wala na akong magagawa dun. Tara na sa clinic. "Sabay alalay sakin para makatayo ako."

Hindi na ako nagsalita bagkos ay tumayo na ako't naglakad. Hindi ko na din yung sobrang hapdi kanina. Ewan ko ba, minagic ata nung ihi niya na medyo ma init-init.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkatapos gamutin sa clinic ay bumalik na kami sa hotel. Humiga na muna ako kasi nanghihina pa ako at siya naman ay nagluto sa kusina.

Amoy ko yung niluluto niya at grabe ang bango. Binuksan ko muna yung phone ko para mag search kong totoo ba yung sinabi niya na first aid yung pag-ihi sa hita ko. May nakita akong ibang docs na nagsasabing pwede daw yun pero much better if madala daw sa clinic. So dahil dun ay wala na akong na react. Tama naman pala sinabi niya.

Lumabas na kaagad siya sa kusina na may dalang pagkain. Binigay niya ito sakin kaya inilapag ko nalang yung phone ko sa mesa ng kwarto. Tinabihan naman niya ako sa kama at siya pa talaga yung nagpakain sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lihim na pagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon