Tom's POV
Andito na ako sa labas at bumibili na nang makakain. Nakakahiya talaga yung kanina, sa ginawa kong yun baka ayaw na sakin ni christian. Alam ko naman na pareho kaming lalaki pero naiilang o nahihiya ako kanina. Parang ewan naman to.
Sir here's your orders. "Sabi pa nung nagtitinda kaya binayaran ko na at umalis na pabalik sa hotel."
Dahil sa malaki naman yung binigay na pera ay marami din binili kong pagkain. Ayoko kasing manlamang sa kanya lalo na't magkaibigan kami. Sabi pa nga niya nuon na manghingi nalang ako sa kanya kesa lamangang ko siya. Sabagay, tuwing nanghihingi ko minsan ay binibigyan naman niya ako. Yung bang kapag meron akong project or kami dalawa ay tinutulungan niya ako. Siya yung kaibigan na hindi talaga madamot.
Sa totoo lang, napakarare niya. Minsan kalang talaga makakakita ng kaibigan na sobrang mapagbigay. Sa pagmunimuni ko ay di ko namalayang nakaabot na pala ako sa harap nang pinto nang kwarto namin.
Ito na, ang likod nitoy kwarto na namin. "Medyo takot kong sabi sa sarili ko."
Takot o nahihiya ako na pagkabukas ko nito at mailang na naman siya o kaming dalawa. Punyeta kasi oh, sana hindi na yun nangyare. Pero dahil sa tatag ng isang matinong lalaki ay pumasok na ako sabay bati sa kanya.
Hi tian. "Saad ko pa."
Ano pinabili mo? "Tanong naman niya habang nasa Kama nakahiga at nagkukutingting ng cellphone niya."
Ay oo nga pala, hindi ko pa nasabi na pati cp niya inilagay ko sa strap ng brief ko. To make sure na hindi talaga makuha ng mga kawatan nayun.
Basta marami to. May fast-food kasi dun tapos bumili na din ako ng chitchirya sa katabing supermarket at tsaka bumili na din ako ng masusuot natin."Medyo mahinahon kong sambit sa kanya."
Sa mga oras na ito ay medyo may kaba pa na konti. Hindi ko na din napapansin na naiilang sa akin si christian kaya naging normal na din yung pagsasalita ko sa kanya.
Sinuot kuna muna yung nabili kong nga damit. Konti lang to kasi hindi naman kami magtatagal. Lahat ng damit kasi namin nakuha. Ewan ko dun sa mga holdaper na yun. Baka may ukay-ukay sila kaya kinuha nila mga damit.
Nagsuot na din si christian ng damit niya. Sabi pa niya na maganda daw yung mga damit na nabili ko kaya naman napangiti ako. May silbi na pala ako ngayon.
Mga 9:30 ng gabi kay hindi pa kami tulog. Alam niyo naman na may mga ka chat pa kaming dapat replyan. Napansin ko din na panay ikot si christian sa christian sa cellphone niya. Akala ko naghahanap ng signal yun pala ay naglalive na. Tinag pa ako at pinakita pa talaga mukha ko.
Ilan ba nanonood? "Tanong ko pa."
Kulang ng isa para 1k.
Agad ko namang ni open yung live niya.
Oh ayan 1k na. "Masayang sabi niya."
May mga nagcocomment naman pero yung iba ay pang jeje lang. Pero may nagsimula ng ma seryosong comment. Binasa naman ito ni christian at sinagot.
Kayong dalawa lang po ba dyan. (Comment)
Oo naman. Kitang-kita niyo naman na kami lang diba.
Ilang months na po kayo? (Comment)
Months? We're just friends.
Can you kiss your boyfriend? (Comment)
Magkaibigan nga lang kami eh. Hoy ikaw aliens555, kong sino kaman ay tumigil kana.
Support po kami sainyo. (Comment)
Ok fine.
Alam niyo, sa friendship talaga nagsisimula lahat. (Comment)
But we are real friends. Ok bye, thanks for your shit comments.
Na pano ka? Gigil na gigil ah. "Tanong ko pa at sabay bigay ng maligamgam na tubig."
Ewan ko ba. Nanggigigil ako sa mga comments nila. Magjowa daw tayo eh hindi naman ah. Unless may spiya talaga tayo. "Sad pa nito."
Ahahha (tawa ko pa). Spiya ka diyan.
Nagbabaka sakali lang eh. At tsaka ('ting'tunog pa nung cp niya kaya tiningnan niya ito)
Ano meron? "Pagtatanong ko nang makita ko naging reaksyon niya pagkakita niya."
Tingnan mo oh? (Sabay pakita sakin nung picture naming dalawa dito mismo sa hotel). Pano mo masasabing wala tayong spiya ah.
Aba Malay ko ba diyan. Huwag muna intindihin yan, stress lang yan. "Saad ko pa sa kanya kaya humiga na siya sa kama."
Alam mo, pasensya kana kanina. Hindi na mauulit yung nangyare talaga kanina. "Sabi ko pa habang nakaupo sa kama at nag sco-scroll sa news feed ng Facebook ko. "
Ok lang yun. At tsaka kong may ibig sabihin man yun, oo sige malaki na titi mo. "Sabay ngiti niya sakin."
Nahiya naman ako sa sinabi niya pero ahahaha totoo naman yun. Aaminin ko, malaki naman talaga alaga ko. At tsaka malakas din sex appeal ko kaya nga pansinin ako kahit na sino man at wala yang pili, mapa lalaki man, babae, bakla o tomboy.
Nasabi ko yan dahil sa mga na experience ko na pinagsabihan ba naman akong masarap daw ako. Ahahah, napaka ewan talaga. At ito pa, muntik na nga akong madala sa baklang nang-aakit sakin.
For those days na magkasama na kami ni christian ay wala nang masyadong lumalapit sakin. May sabi-sabi kasi na magjowa na daw kami na sa totoo lang ay magkaibigan lang naman talaga.
Tom. "Tawag pa niya sakin habang nakatalukbong ng kumot buo niyang katawan."
Bakit na pano ka? "Tanong ko."
Giniginaw ako. Pakihinaan naman yung aircon. "Utos niya pa at nagbaluktot na siya."
Ok sige. "Tanging Saad ko sa kanya. "
Hininaan kuna yung aircon. Yun na pinakamahina pero nakatalukbong pa din siya kaya nilapitan ko siya't nilagay ko kamay ko sa noo niya.
Naku tian, ang init mo. Wait ka lang diyan at kukuha lang ako ng towel at maligamgam na tubig.
Wag na, dito kanalang sa tabi ko. Tabihan moko tom. Giniginaw na ako. "Sabi pa niya."
Pero kailangan na mapahiran kita para naman bumaba yung init sa katawan mo.
Wag na sabi. Tabihan mo nalang ako dito. Giniginaw na talaga ako. "Pag-ulit pa niya."
Dahil sa masunurin naman ako ay tinabihan ko na siya at niyakap. Grabe medyo mainit talaga siya. Hindi Kuna siya pinatalukbong ng kumot Kasi nakayakap naman ako at tsaka medyo mainit din katawan ko simula nung yumakap na ako sa kanya.
Ilang oras pa ang nakalipas ay nagpaalam na ako sa kanya na lalabas muna ako para makabili ng gamot. Magbabakasaling may bukas pang pharmacy. Hindi naman ako nabigo at nakahanap ako at binilhan Kuna siya ng gamot.
Pagkabalik ay ipinainom Kuna yun at pinatulog Kuna siya. At tinabihan Kuna din dahil sa sinabi niya na tabi kami at para mayakap ko siya. Sana lang talaga bukas ay maging ok na siya.

BINABASA MO ANG
Lihim na pagtingin
Novela JuvenilKwento ng dalawang binata na magkasin-edad lang at hindi nila namamalayang naiinlab na pala sila sa isa't-isa. Maraming taon ang nakalipas bago nila naintindihan na kong ano ba talaga sila, magkaibigan nga lang ba? o iba na? Hindi naman maintindihan...