Chapter 6

1 0 0
                                    

Tom's POV

Andito pa din ako sa kwarto at hinihintay na bumalik si christian. Antagal niya kasi eh, nagugutom na ako.

Naisipan kong puntahan na sya sa banyo dahil medyo matagal na sya doon. Hindi ko din alam ang dahilan sa biglang pagpunta niya sa banyo.

Tian... "Pasigaw ko pa"

Ano na naman?

Matagal kapa ba diyan? Kanina kapa kasi diyan. Ano bang ginagawa mo? "Sigaw ko ulit."

Wait lang naman oh. Kong nagugutom kana ay mauna kanang kumain.

Yoko, gusto ko sabay tayong kakain.

Bahala ka diyan, magugutom kalang.

Bumalik na ako sa kwarto para humiga at tsaka nanood nalang ako ng palabas sa tv. Natapos ko nalang yung halos mag 2 hours na palabas pero bakit hindi pa din siya lumalabas sa banyo. Kaya ang ginawa ko ay pinuntahan ko siya tiningnan.

Tian!!! "Sigaw ko sabay katok sa pinto."

May biglang humawak sa akin habang nakatalikod ako sabay sabing...

Sino hinahanap mo? "Sabi pa nung nasa likuran ko."

Nagulat ako bigla at nilingon siya. Ta*nga si christian lang pala, sabi ko sa sarili ko.

Ay wait teka, eh sino nandito sa loob? "Tanong ko sa sarili ko na nalilito na."

Bakit nandito ka? "Tanong ko sa kanya."

T*nga, kanina pa ako lumabas diyan. " Sabay batok niya sa akin na medyo mag kalakasan din."

Hindi nga Kita napansin na lumabas dito. Eh pano? " Nalilito kong tanong sa kanya."

Hay naku tom, may itatanong lang ako ah. Ano ba nangyare kay aquaman pagkatapos niyang makuha yung trident niya? "Pagtanong niya pa sa akin at tsaka siya umupo."

Ako naman ay nag-isip sa kong ano nga ba ang nangyare pagkatapos nun. Hindi ko maalala yung saktong detalye, ang tanging naalala ko lang ay may hawak siya na kong ano man yun at may kasama siyang babae na maganda. Teka lang, possibly kayang ...

Hindi mo matandaan no? Nakatulog ka kasi kaya hindi mo din ako nahalata na lumabas sa banyo. Ikaw talaga oh, napaka antukin mong tao. "Sabi pa niya at pumunta na sa kusina."

Sinundan kuna siya at nakita kong nakahain na yung mga pagkain.

Totoo bang nakatulog ako kanina? "Tanong ko ulit sa sarili ko at nag-isip-isip."

Huwag muna isipin yun, sasakit lang yung ulo mo. Kumain ka nalang. "Sambit niya na kumakain ka."

Hindi kuna pinansin yun at kumain nalang ako. Ang sarap naman ng pagkaluto nito lahat at mukhang mapaparami kain ko nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maliligo kaba ngayon sa dagat?

Mamaya na muna pagkatapos kong makapagpahinga kasi kakatapos lang din nating kumain. "Sagot pa niya habang naka-upo sa balkonahi."

Maganda yung araw ngayon dahil sa natatakpan ng ulap yung araw kaya walang sunburn ngayon. Alam kong medyo maitim ako pero sa totoo lang ay ayaw kong umitim ng sobra noh.

Moreno naman ako kaya ayokong maging negro. Minsan nga may tumatawag na saking negro, pero sila yung mga taong insecure sa ka-gwapuhan ko.

Mga halos dalawampong minuto na siguro ang nakalipas nang tanungin ko ulit si christian na maligo sa dagat.

Maliligo kana ba tian? "Pangalawang tanong ko pa sa kanya."

Ok sige na nga. Baka kapag hindi ako naligo sa dagat ay ikakasama mo pa. "Sabay tawa niya."

Tangik, ano ba pinunta natin dito? Diba maliligo sa dagat?

Oo na. Eto na tatayo na nga't magbibihis na.

Tumayo na siya at naglakad na papuntang banyo at paglabas niya ay nakabihis na siya ng shorts niya at sando. Kitang-kita yung puti niyang kutis sa suot niya na ikinatulala ko.

Tara na!

Sigaw pa niya na ikinabalik ng sarili ko. Sumunod naman ako sa kanya. Naka-shorts na ako't naka t-shirt kaya ok natu.

Habang nakatampisaw sa maligamgam na tubig ng dagat ay masaya akong makitang masaya si christian na lumalangoy.

Masaya ako dahil sa bonding namin ngayon. Minsan lang din kasi kaming maka-bonding ng ganito na kaming dalawa lang.

Sa totoo lang ay gusto ko pa sanang e extend ng isang araw tong pagbabonding namin kaso may pasok pa kami.

Habang nakatitig kay christian ay bigla nalang may kaba akong naramdaman. Ano kaya yun? Tanong ko pa sa sarili ko. Hindi naman kasi ma araw kaya ipinagsawalang bahala ko nalang yun at langoy lang ako ng langoy nang biglang may sumigaw

TULONG!!!!!!

Lihim na pagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon