Mafia 01

6.9K 263 21
                                    

Harper's POV


Nagising ako sa aking mahimbing na tulog nang matamaan ang aking mukha ng sinag ng araw na nanggagaling mula sa siwang ng bintana.

Napatakip ako ng kamay sa aking mga mata at maya-maya'y banayad itong iminulat makalipas ang ilang minutong pagpapahinga.

Kisame.

Ang unang bumungad sa aking paningin ay ang napakataas na kisame ng kwarto. Nanatili lamang akong nakahiga sa aking pwesto habang pinagmamasdan ang kisame ng silid kong tinutulugan.

Kayumanggi ang kulay nito ngunit batid ko'y puti ang orihinal nitong kulay marahil sa pinaglumaan na ang bahay. Pati rin ang nakasabit na malaking aranyang may lumang disenyo ay tila medyo kinakalawang na at mukhang matagal nang hindi pinapalinis ng may-ari.

Ibinaling ko ang aking paningin sa kanang gawi at nakita ang malaking kurtinang may maliit na siwang kungsaan sumisilip ang malakas na sinag ng araw.

Tinanggal ko ang aking kamay na nagtatakip sa mga mata ko at hinayaang dumaan sa aking mukha ang silaw ng araw. Sa sobrang tirik nito ay halos mabulag na ang aking mga paningin sa nakikita.

Tanghaling tapat. Muli kong pinikit ang aking mga mata at saglit na pinakiramdaman ang sarili.

Kasalukuyan akong nakahiga sa isang malaki at malambot na kama. Bagaman ang kamang hinihigaan ko ay malambot at malinis, my body seemed to be innovating from this nostalgic feeling.


It's been years since I've last slept on a normal bed. Kahit na malambot itong kamang hinihigaan ko ay naninigas pa rin ang aking katawan marahil sa paninibago.

My body feels stiffened. How long was I have been sleeping?

Where am I?

Who is that man I saw before I passed out?






What happened after that night?

~ ~ ~

[ 1 DAY AGO ]

FLASHBACK


"Bitch! I told you to buy me a milkshake, not this stupid milk!" walang pakundangang itinapon ng kaklase kong babae ang gatas na ibinili ko sa kanya sa aking pagmumukha.

Dahil sa hindi ko naman inaasahan ang gagawin nito ay bahagyang nanigas lamang ako sa aking kinatatayuan at napatulala sa kawalan.

Lihim akong napakuyom ng kamao sa kanyang ginawa pero nanatili lamang akong nakatayo sa aking pwesto. Dahan-dahan kong niluhod ang natapong gatas na nakalagay sa kartong lalagyanan at ito'y pinunasan gamit ang dala kong panyo sa bulsa.

Matapos kong linisin ang kalat na ginawa ng kaklase ko ay tumayo ako at marahang lumapit sa kanya.

Taas-kilay naman ako nitong tinignan at mataray akong tinanong.

"Ano?"

"Yung bayad mo--"

"Bayad?! Sa tingin mo ba babayaran pa kita e mali nga iyong binili mo sa gusto ko?!" nagh-hysterical nitong bulyaw sa akin. Natahimik naman ako.

"P-pero--"

Hindi ko na natuloy pa ang susunod kong sasabihin nang bigla na lamang akong dinambahan ng kamao sa tiyan ng kasama nitong lalaki na sa palagay ko ay kasintahan niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa nito at napaluhod dahil sa sakit na nararamdaman. Napahimas ako sa aking tiyan.

Tumingala ako sa kanila at nagbabaka sakaling manghingi ng tulong sa dalawa subalit imbis na ako'y tulungan nila ay pagak na tinawanan lamang ako ng mga ito.

Trapped By The MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon