Mafia 23

1.8K 115 11
                                    

Harper's POV


Hindi na nawaglit pa sa aking isipan ang mga sinabi no'ng butler buong araw. When I got back to west wing, I tried to calm myself down but it just lasted for a while because of intense nervousness.


May kutob akong may masamang mangyayari ano mang oras dahil sa inakto ng matanda. He was in a hurry that he didn't even care listening to my responses. Alam kong may hinahabol ito o may hinahanap pero hindi ko lang alam kung ano.

Something is not right. I am sure of it.

Hinawakan kong mahigpit ang mapang binigay sa akin ng butler at huminga ng malalim. Tumayo na ako sa pagkakaupo at napagpasyahang lumabas ng kwarto. Just thinking about why the butler suddenly gave me the scroll and left me behind is already giving me a hint that something was up. Alam ng butler ang tungkol sa mapang ito and gave it to me as if he knew that I am trying to find it. Kinabisado ko na ang lahat ng mga pasikot-sikot dito sa mansyon pero mas mabuting dalhin ko pa rin ang mapa dahil iyon ang bilin sa akin ng butler.

Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto at saglit na sumilip sa hallway. Katatapos lamang ng time of dinner kanina kaya kailangan kong mag-ingat sa mga guwardiya dahil gabi na at baka mahuli na naman ako ng wala sa oras.

Tahimik kong tinahak ang daan papuntang east wing kung saan matatagpuan si Remy. Sinubukan kong madaliin ang pagpunta roon dahil plano kong isama ito sa pagtakas tulad ng sinabi niya. Ayoko namang umalis ng lugar na ito na may dinadamdam sa katawan dahil iniwan ko itong nag-iisa.

Pagkaraan ng ilang minutong pagtatago at paglalakad ay sa wakas at nakarating din ako sa kanyang silid. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kwarto nito subalit kumunot ang noo ko nang mapagtantong nakasarado ang doorknob ng kanyang pinto.

Akmang kakatok na sana ako sa pinto nang bigla akong makarinig ng mga yapak na siyang nagpataas ng aking balahibo. Dali-dali naman akong nagtago sa isang sulok at hinintay munang makalagpas ang mga guwardiya.  Napabuntong-hininga ako.

I cannot reach her like this. Her room is locked and I can't make any noises because of the guards that keeps on roaming around. Napakagat-labi ako.


I'm so sorry, Remy.

Pigil-hininga akong bumalik ng central wing upang ituloy ang aking plano. Muli akong huminga ng malalim upang patatagin ang sarili ko at tinungo ang daan patungong entrance.

Earlier, when I was memorizing the pathways of the house, I noticed that the main gate was encircled. Wala pa iyon noong una kong makita ang mapa at sigurado akong yung butler ang gumuhit no'n sa mapa. Batid ko'y para hindi na ako malito pa sa mga dapat na daanan.


But just when I was about to reach the entrance, I was stunned when suddenly I saw some guards standing in front of the main door. Muling nagsi-taasan ang mga balahibo ko sa katawan nang magtama ang aming mga mata ng isang kawal, na siyang nagpakaba ng sistema ko.

Nang dahil sa matinding takot ay tila panandalian akong nabingi sa katahimikan. Namutla ako nang magsimula ito sa paglalakad.

"Hey!" dinig kong saad nito. Hindi na ako nagdalawang isip pa at nagmamadaling tumakbo pabalik ng west wing kahit na nanginginig pa ang buong katawan ko.


Nangangatog ang mga tuhod kong napaluhod sa sahig nang makabalik sa aking silid. Halos hindi na ako makahinga pa ng maayos dahil sa pagkaripas ko ng takbo sa mga guwardiya.

Napakapit ako sa aking dibdib at sinubukang pakalmahin ang sarili. Bagama't nasa loob na ako ng aking kwarto, hindi pa rin ako mapanatag dahil sigurado akong pupuntahan pa rin ako ng mga tauhan kanina. Marahil paniguradong namukhaan ako ng isa sa kanila. Hindi ko na napigilan pang umiyak dahil sa matinding takot at pangamba.

I-is this it? Ito na ba ang katapusan ko?

Ipinangtakip ko ang dalawa kong palad sa mukha at humikbi ng malakas. Ayoko! Ayokong mabaril katulad noong nangyari sa lalaki...


A-ayoko pang mamatay...


I just badly want to go home. Ayoko nang makulong pa rito.


Gagawin ko ang lahat para lang makabalik sa dati kong buhay so please, somebody help me...


... wait, help?

Bahagyang natauhan naman ako nang sumagi sa aking isipan ang salitang tulong.


If I really want to live... then that means I just have to talk to him... right?

Ang sabi ni Remy, Adam told her that if she obeys his orders, then he will let her live. So what if I promise to him that I won't defy his orders anymore?

Would they let me live?

Tila umiral pabalik ang lahat ng memorya ko sa buhay habang malalim na nag-iisip. I know to myself that my life was not really that meaningful compare to the life of others. Kung iisipin ay para bang walang saysay sa mundo na isinilang ako dahil buong buhay ko, wala akong ginawa kungdi ang maging pabigat sa mga mahal ko sa buhay, maski noong mga panahong kasama ko pa si mama.

Bata palang ako, alam ko nang naghihirap kami sa buhay ni mama pero kahit na ganoon ay hindi nito kailanman pinaramdam sa aking pagod na siya sa lahat. Kaya naman nang bigla itong mawala na parang bula, labis ang lumbay at takot ko nang ma-realize na nag-iisa na lamang ako sa mundo.


But I always believed that there is a reason why everything is happening the way it is, even up until now.

At hindi ko kayang sumuko na lamang ng basta-basta ngayon. Lalo na't alam kong may mga taong umaasa at naniniwala sa aking makakalaya ako sa impyernong ito.

Napakuyom ako ng mariin at hirap na bumalik sa pagkakatayo. I have no other choice.


I have to step into the trap.

. . .

To be continued.

Trapped By The MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon