Mafia 27

1.7K 126 6
                                    

Harper's POV

"R-Rem..." sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay napatakip na lamang ako sa aking bibig at napaluha sa harapan ni Remy. Nangangatog ang mga tuhod kong gumapang palapit sa kanya at dahan-dahan siyang inikot paharap sa akin.

Hindi ko maiproseso ang lahat sa isipan ko. Sinusubukan kong bigkasin ang kanyang pangalan subalit tanging hangin lamang ang kumakawala sa aking bibig.

"A-ate..." nauutal kong sambit habang humihikbi. Napatingin ako sa mga mata ni Remy nang hawakan nito ang kamay kong kasalukuyang tinatakpan ang tama ng baril at nanghihinang nagsalita.

"T-ta..." hindi na nito naituloy pa ang kanyang nais sabihin dahil tuluyan na itong hinugutan ng hinga, ngunit ang mensaheng nais nitong sabihin ay nakarating sa akin ng buong klaro.



Takbo.

Napalingon ako sa direksyong pinagmulan ng putok ng baril at nakita ang taong nakatayo habang pinapaligiran ng mga armado nitong tauhan. Malabo pa rin hanggang ngayon ang mga mata ko marahil sa pag-iyak pero kilala ko kung sino ang taong nakatayo at pinagmamasdan ako ngayon.



Adam.

Kahit hinang-hina ay buong lakas kong pinilit na makatayo at kumaripas ng takbo palabas ng mansyon. Sinalubong ako ng malakas na simoy ng hangin na sinamahan pa ng matirik na sinag ng araw. Walang lingon-lingon akong tumakbo sa talahiban.

Hanggang sa kalaunan ay may nakita akong malaking gate na nakasara pa at medyo may kalumaan. Tinungo ko ang daang iyon at nang makarating ay buong pwersa ko iyong tinulak pabukas.

Nang matansyang kasya na ang buong katawan ko ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at sumuksok upang muling nagpatuloy sa pagtakbo.

Marahil hindi ako pamilyar sa lugar ay nagpalinga-linga ako ng tingin sa paligid. Kung kanina ay isang malawak na talahiban ang labas ng mansyon, ngayon naman ay pumasok ako sa loob ng isang madilim na tunnel.

Kahit wala na akong makita ay tumakbo lang ako nang tumakbo habang pilit na pinupunasan ang mga luha sa mukha.

What if hinayaan ko nalang muna si Remy sa mansyon? Paano kung iniwan ko nalang sana siya at sa halip ay tumawag sa mga awtoridad oras na makatakas ako upang tulungan ang iba pang nakakulong sa bahay? Samu't saring mga tanong ang umiiral ngayon sa isipan ko.



Because of me... Remy lost her life. It's my fault na namatay siya dahil isinama ko itong tumakas sa plano ko.

I am the reason why someone got killed.

Napapikit ako nang marating ang dulo ng tunnel at sinalubong ako ng nag-aandarang mga tren. Saglit akong napahinto sa paglalakad at hinabol ang aking hininga sa pagod.

Habang nakayuko ay napatingin ako sa mga kamay kong may pahid ng kaya hindi ko na napigilan pang umiyak ulit.

Ipinahid ko ang mga kamay ko sa aking damit bago nagpatuloy sa pagtakbo. Laking gulat ko pa nang biglang makakita ng mga tao at akmang hihingi sana ng saklolo subalit awtomatikong napatikom ang bibig ko nang makitang mga ibang lahi ang bawat taong nakakasalubong ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita at bagkus ay nakipagtitigan lamang sa mga taong nadadaanan. Hanggang sa makalabas ako ng train station na saka ko lang napagtanto dahil sa rami ng mga tren na umaandar at mga nakatayong tao na animo'y naghihintay sa paghinto noon.

Tumingala ako sa langit at pumikit upang unti-unting pakalmahin ang sarili.



Am I outside the country?

Idinilat ko ang mga mata ko at muling inilibot ang tingin sa paligid.

There's a lot of crowd roaming around the place. Kitang-kita ko rin ang mga nagkakalat na billboards sa bawat sulok ng mga buildings na nakikita ko. Yung ibang mga taong nakakalagpas sa aking pwesto ay naririnig ko pa ang ilang bulungan nila at pinagtataka kung bakit ang dumi-dumi ko at mukhang may bahid ng dugo sa katawan ko.

Dahil doo'y nabalik naman ako sa reyalidad at napailing ng maraming beses. I can't be losing my focus right now.

Nahihiya man sa estado ko ngayon pero sinubukan ko pa ring kausapin ang mga tao sa paligid ko.

Nang tuluyang makalapit ako sa isang mama ay sinubukan kong kalabitin ito at humingi ng tulong subalit hindi ko inaasahan ang naging reaksyon nito.

"P-please h-help--"

"The fuck, you freak!" nagulat ako nang tulakin niya ako at dahil sa lakas ng impact nito ay bumagsak ako sa lupa. Nakarinig naman ako ng mga bulung-bulungan sa paligid kaya mabilis kong tinakpan ang pang-ibaba ko at nagmamadaling tumakbo palayo sa pwestong iyon.

Even though this isn't the time to be embarrassed, I still can't help it because everything around me is so new. Hindi ko na lamang pinansin ang ilang mga taong tumitingin sa akin at nagmamadaling pumasok sa loob ng isang building.

When I got inside, I was immediately stopped by the guards and told me to go outside. Sinubukan ko namang mag-explain sa kanila subalit ayaw nilang makinig. Nanunubig ang mga mata kong napatingin sa mga tao at bagsak ang balikat na lumabas ng gusali.

Nanghihinang napasandal na lamang ako sa pader at niyakap ang aking mga tuhod. Everything is just so tiring. It's exhausting.

"Hey,"

Dahan-dahan akong napatingala at doon ay nakita ang isang matandang babae na hula ko ay isang amerikana. Napakagat-labi naman ako rito at muling yuyuko na sana nang tanungin ako nito kung ayos lamang ako. Dali-dali naman akong napasagot sa kanya.

"P-please help me, m-ma'am," nauutal ko pang saad dahil sa walang tigil kong paghikbi. Dahan-dahan naman itong lumapit sa akin at inalok ang dala niyang tubig. Malugod ko namang tinanggap iyon at nanginginig pa ang mga kamay na kinuha ang tubig.

Halos maubos ko ang laman ng tubig na iyon kaya naman nang mahimasmasan ay nakaramdam ako ng hiya sa matanda. Nginitian naman ako nito at nagsalita.

"It's fine, I can buy anytime." Hinawakan nito ang balikat ko. "Why are you outside? Did you get bullied or something?"

Umiling naman ako sa sinabi niya at sumagot. "N-no po, I-I was..." hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sasabihin nang biglang may huminto sa tapat naming itim na kotse. Sabay naman kaming napatingin ng matanda at nakita ang pagbukas ng pinto ng kotse. Awtomatikong nagsi-taasan ang mga balahibo ko sa katawan.



He found me already.

. . .

To be continued.

Trapped By The MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon