Mafia 04

3.8K 202 17
                                    

Harper's POV


Bagama't nalilito dahil sa mga nangyayari ay sumunod pa rin ako gaya ng bilin nito sa akin. Noong una'y nagdalawang-isip pa ako kung susundan ko ba talaga ang estranghero pero dahil wala naman na akong mapagpipilian pang iba ay wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa matanda.

Lumapit ako sa tapat ng pintuan at mas nilakihan pa ang bukas ng pinto upang ako'y makalabas ng silid.

Sumilip muna ako sa labas at nakita ang iilang mga guwardyang nakabantay sa bawat sulok ng daanan at ang isang napakahabang hallway sa aking harapan.

Napabaling naman ako sa aking kaliwa at nakita ang matandang lalaki na ngayon ay waring pinagmamasdan lamang ang aking mga kinikilos. Napayuko naman ako at napalunok bago tuluyang lumabas ng kwartong pinagtutulugan ko at lumapit sa kanya.

Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting hiya sa sarili dahil sa aking kasuotan.

Nakasuot lang kasi ako ng isang puting pantulog na damit, na tinernuhan ng isa ring puting pajama pang-ibaba. Mas binilisan ko na lamang ang paglalakad upang makasabay ako sa matanda at itinago ang sarili sa likuran nito.

Hindi na ako sumubok pang tumingin muli sa mga guwardya sa aming paligid ngunit bago ko pa man ilihis ang aking paningin ay napansin ko ang mala-dayuhan nilang mga itsura base sa kanilang mga pisikal na katangiang panlabas.

Foreigners?

Marahil sa napagtanto ay mas lalong naguluhan ang aking isipan. Nasaan ba talaga ako?

Nang hindi na ako makatiis pa ay akmang iimik na sana ako upang magtanong sa lalaking sinusundan ko nang bigla ako nitong inunahan sa pagsasalita.

"I'm not going to tell you this again so please, listen to me very carefully." I remained silent as I watched him began to talk about some other things that I still don't have any idea why I have to follow it.

Sinabi nito sa aking hangga't maaari ay kabisaduhin ko ang lahat ng mga direksyong tinatahak namin dahil simula ngayo'y dito na raw ako maninirahan sa mansyon.

Unang beses ko pa lamang na marinig iyon ay magsasalita na sana agad ako nang muli na naman itong magpatuloy sa pananalita kaya napilitan akong manahimik muna upang pakinggan ang mga susunod nitong sasabihin.

Binanggit nito sa aking tumingin palagi sa mga orasan upang matansya ang mga oras kung kailan ako dapat kumain, maligo, at matulog. Binigay din nito ang eksatong mga oras sa bawat mga aktibidad kong gagawin subalit kahit anong pilit kong magkabisa ay hindi ko iyon magawa dahil sa pagkalito.

Why is he telling me all of this? Why do I have to follow it? I don't want to stay in here. I want to go home... no.


I have to go home.

"It also important to--"

"Kuya...?"

Dahil sa pagsabat ko ay napatigil ito sa pagsasalita at sandaling bumaling sa akin.

"Can you please just tell me where I am? And what is happening? Please, tulungan niyo po ako. Hindi ko na po alam kung ilang araw na ang nakalipas mula noong may dumakip sa akin. Hindi ko ho ginustong manirahan dito. And even if I wanted to live inside this house, I still can't because I have to look for my family. Kailangan nila ako ro'n. Kailangan ako ng kapatid ko. I don't want any of this. Please, tell me where I--"

"We are now in front of the dining area. Please, proceed." Napatingin naman ako sa aming harapan at pinanood itong buksan ang dalawang malaking pinto na nakasara bago lumingon sa akin.

"P-pero kuya..." Napatingin ako sa mga mata nito at natahimik nang makita itong nakatitig lamang ng mariin sa akin. He's looking at me with only a blank expression. Napabuntong-hininga ako.

Mabibigat ang bawat pagtapak kong ginawa patungo sa loob ng silid-kainan. Why can't he just tell me where I am first? Mahirap bang sagutin 'yon?

Pagpasok sa loob ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa laki at lawak ng kanilang silid. Pero ang mas nagpagulat sa akin ay ang isang hilera ng mga putaheng nakahain ngayon sa kanilang hapag-kainan. Sa sobrang dami kasi nito ay halos iisipin mo nang nasa isa kang malaking okasyon.

Tila nakaramdam naman ako ng matinding gutom dahil sa aking nakikita. That's right. Kung iisipin nga'y wala pa akong kinakain mula noong makarating ako rito. Ang huling kinain ko pa ay yung cake na ibinili para sa 'kin ng kapatid ko, na hindi ko rin naman naubos dahil na-kidnap ako.

Nanatili akong nakatayo lamang sa tapat ng lamesa at muling napalunok ng laway. Dahan-dahan akong bumaling pabalik sa matanda at tumango lamang ito sa akin.

Muli akong tumingin sa aking harapan at napakagat-labi. Ayoko mang aminin sa sarili pero dahil sa tanawing nakikita ko ay saka ko lamang na-realize kung gaano na pala ako kagutom ngayon.

Mabagal akong lumapit sa pwesto ng mga upuan dahil sa pag-aalangan. Ngunit nang tuluyan na akong makalapit ay biglang kumalam ng malakas ang aking tiyan. Namula naman ang mukha ko dahil sa lakas ng tugon nito at tahimik na umupo na lamang sa isang upuan.

Nanginginig akong napahawak sa platong nasa harapan ko at humingang malalim muna bago nagpagpasyang sumandok ng kanin sa isang malaking lalagyanan. Pagkatapos magsandok ay kumuha ako ng isang pritong manok at inilagay iyon sa aking plato.

Noong una'y nahihiya pa talaga akong kumuha no'n subalit dahil sa tindi ng aking pangangatog sa gutom ay napilitan akong kumuha ng isa roon.

Hindi naman sa ayaw ko ng mga pagkain nila. Sadyang hindi lang talaga ako kumportable sa lugar na ito at idagdag mo pang hindi ko alam kung nasaan ako.

What if may lason pala ang mga pagkaing 'to? Paano kung sinasamantala lamang nila ang gutom ko para ako'y kumain ng mga hinanda nila para sa 'kin? Eto ba ang paraan nila para patayin ako? O baka naman pinag-eeksperimentuhan lamang nila ako at may nilagay pala silang kung ano sa loob ng mga putaheng ito?

Unti-unti naman akong nilukob ng matinding takot dahil sa naisip. Kaya ba talaga nilang gawin iyon sa akin?

Mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo at tumalikod sa malaki't mahabang lamesa. Sakto namang paglingon ko ay nakita ko ang matandang nakakunot ngayon ang noo dahil sa aking ikinilos at napataas ng dalawang kilay.

Umiling naman ako sa kanya ng maraming beses at nagsimulang maglakad pabalik sa direksyon ng pintuan. Subalit bago pa man ako makalabas ng silid ay dagli itong humarang sa aking harapan at tumikhim.

"Please get back on your seat. You haven't eaten yet for two days," seryosong ani nung butler sa akin. Natuod naman ako sa dahil sa narinig.

Two days? So two days have already passed since when they kidnapped me?!

Sinubukan kong lampasan si kuyang nakaharang sa aking harapan sapagkat mahigpit nitong kinapitan ang aking dalawang braso at buong pwersa akong pinabalik sa pagkakaupo. Akmang magpupumiglas palang sana ako mula sa kanyang pagkakakapit nang biglang siya na mismo ang nagkusang magtanggal ng mga kamay nito sa akin.

Binigyan ko naman ito ng masamang tingin matapos niya akong paupuin ulit ngunit binigyan lamang ako nito ng isang buntong-hininga at nagsalita.

"Finish your breakfast first. Then we'll talk about everything that you wanna talk about with me," utos nito at pagkatapos noo'y hindi na ito muli pang nagsalita at nanatiling tumabi na lamang sa aking gilid.

Napaiwas naman ako ng tingin dito at napaisip ng malalim.

"Is that a promise?" tanong ko ng hindi ito tinitingala sa kanyang pwesto. Sumagot naman ito.

"Yes."

Napabugha na lamang ako ng hangin sa ere at sinimulang kainin ang pagkain kong hinain kanina. As much as I really don't want to eat right now, hindi ko naman maaaring kalimutan nalang itong kalam ng aking katawan.

And I have to replenish my energy. Lalo na't kailangan kong maging alerto sa paligid ko.




But could I really trust him? Could I trust this old man's words?

. . .

To be continued.

Trapped By The MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon