Mafia 09

2.9K 178 14
                                    

Harper's POV


More days have passed, and I'm still being kept inside this prison. Saglit akong sumilip sa pintuan ng aking kwarto upang tingnan kung may mga kawal pang nagbabantay ngayon sa daan. Sa halip na magulat ay napabuntong-hininga na lamang ako nang makita ang mga itong nakatayo sa bawat sulok ng pasilyo. Hindi naman na nakakagulat pang makita ang ganitong eksena marahil araw-araw ko na silang nadadatnan, pagsapit pa lamang ng umaga.

Lumabas ako ng aking silid at diretsong tinungo ang daan patungong silid-aklatan na narito lamang din sa ikalawang palapag ng west wing. One thing that I've learned about how this castle works is that whatever I do or go to, they don't care and they won't intervene unless I do something wrong. They will never dare touching me like what the butler had said to me before. But once I defy at least even one of their strict rules, they will also never hesitate to dirt their hands with blood for me.

Wake up at 6:00, clean myself before going out of the room and proceed before 7:00 in the morning, and eat my breakfast, lunch, and dinner at an exact given time. Tuluyang tumatak na iyon sa isipan ko mula noong hindi na magpakita pa sa akin ang butler.


Especially the last rule that he said. That I should never try leaving the west wing or bad things might happen to me.

And I know that to myself pretty well.


After what I have seen right before my eyes...

It was never a question that my safety here has no certainty. But without the presence of the butler, I feel like my life is more in danger. Kaya naman isina-utak ko talaga ang lahat ng mga payo nito sa aking isipan dahil ang tanging magliligtas lamang sa akin dito ay ang mga bilin nitong hanggang ngayon ay kinakapitan ko pa rin.

I have lost count of the days I've been staying here, but since I can't do anything else, I've started to think of other ways I can escape this place. But I can't leave here without gathering any information.


Not until I saw this library.

Pinihit ko ang doorknob ng pinto at tahimik na pumasok sa loob ng silid-aklatan. Sinara ko ang pinto pagkatapos at naglakad sa tabi ng daanan. Tila nakahinga naman ako ng maluwag at nagsimula nang magtingin ng mga libro sa bawat aisle na aking nadaraanan.

Compare to every places that I have been in this castle, including my room, this library is the only place that I've felt very comfortable with. Walang mga guwardyang nagbabantay, tahimik, at maaliwalas ang buong paligid. Tanging mga libro at isang malaking lamesa lamang ang iyong makikita rito sa loob ng silid.

Apart from the chandeliers, there are still some CCTV cameras placed on top of the ceiling though. But it doesn't bother me that much because at least dito, wala kang makikitang mga mata na nagmamatyag. And that's enough for me to consider it as comfortable already.

Nang makarating sa last section ng mga bookshelves ay kinuha ko ang tatlong librong nakatago sa pinakalikod ng mga aklat. Those books that were all about the history of this mansion.

Binitbit ko ang tatlong iyon at dinala kungsaan matatagpuan ang malaking lamesa ng silid.

Minsan, napapa-isip na lamang ako kung ano kayang iniisip ngayon ng mga taong nakakakilala pa sa akin.

May naghahanap na kaya sa akin? Nagtataka na ba ang mga kaklase ko kung bakit hindi na ako nakakapasok? Nag-aalala kaya sila tita dahil ilang araw na akong nawawala?


... o may pakialam nga ba silang lahat sa 'kin?

Tila pinanghinaan naman ako ng loob sa naisip. Is there even someone looking for me?


Saglit akong napahinto sa pag-iisip nang bigla akong nakarinig ng kaluskos sa paligid. May... tao rito bukod sa 'kin?

Mabilis akong naalerto sa aking pwesto at nagtago muna sa isang bookshelf bago sumilip sa direksyon ng lamesang pagbabasahan ko. I can't be mistaken, because I am pretty sure I heard it coming from that place.

Saktong pagsilip ko naman sa gawing iyon ay dagling nanlaki ang aking mga mata at napasinghap sa nakita.


Y-yung lalaki... siya ulit.

Kasalukuyan itong nagbabasa ng isang libro habang prenteng nakadantay ang mga paa nitong magkapatong sa itaas ng lamesa kasama ang iba pang mga libro na nakakalat doon. He can't see me right now dahil nakatalikod ngayon ang posisyon nito sa akin subalit napaatras pa rin ako ng hakbang.

Is he reading there the entire time?! Why did I not notice him earlier? Dahil ba sa sobrang lalim ng pagmumuni ko kanina kaya hindi ko siya napansin?

Napakurap ako ng maraming beses at sandaling napa-isip ng malalim.

I should hide these books first before I leave. Tama, hindi nito maaaring makita ang mga libro dahil malaki ang posibilidad na itago o ipatapon niya iyon sa oras na makita niyang nagbabasa ako ng mga ganito. He'll definitely know what I am trying to plan right now. To escape.

Akmang tatalikod na sana ako upang ibalik sa pwestong pinagtataguan ko ng libro ang aking mga hawak nang bigla na lamang itong magsalita, na siyang ikinagulantang ko.

"Why are you leaving? Come over here."

Napalunok naman ako ng laway sa narinig at sandaling natigilan ng ilang segundo.


It can't be...

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa likod niya. Mabibigat ang bawat hakbang kong pinapakawalan habang pinipigilang manginig na lumapit sa pwesto niya. Napakagat ako ng labi at namamasa ang mga matang napatitig sa kanyang matipunong likuran.

Huminto ako sa paglalakad nang tuluyang makalapit sa likuran niya. Nagmamadaling iniwas ko naman ang aking mga tingin sa kanya nang tumingala ito sa akin at ngumiti.

"Hi," nakangising bati nito sa akin. Tila bumigat naman ang paghinga ko dahil sa paraan ng kanyang pagtitig at kahit na gustuhin ko mang sumagot upang hindi ito magalit sa 'kin ay nanatiling tikom lamang ang bibig ko sa kanya.

Bigla naman akong kinabahan nang bumaba ang dalawang balikat nito sa inasal ko kaya naman kahit labag sa aking kalooban ay napilitan akong mapatingin sa kanyang mga mata.

Halos sumabog ang buong sistema ko nang mas lalong lumawak pa ang pagngiti nito sa akin bago magsalita.


"You really are cute when you're scared, you know? Like a cat," he said with amusement in his voice. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil sa hiya at mas lalong kinagat pa ang aking labi.

Napagitla naman ako nang magtaas ito ng isang kamay at muling iniharap sa kanya ang aking mukha, at hinaplos ang ibabang labi ko.

"You shouldn't bite your lips so much or they'll get swollen," malambing na tugon nito. Tila wala naman sa sariling napabuka naman ako ng bibig dahil sa kanyang isinambit. Napangisi ito sa ginawa ko.


"Come. Sit on me, my boy."

. . .

To be continued.

Trapped By The MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon