Kanina ko pa naririnig ang katok sa pinto pero wala akong lakas para tumayo. Nasa labas ng bintana ang tingin ko habang nakaupo sa sahig at nakasandal ang sarili sa gilid ng kama.
"Alexandro! Buksan mo 'to!"
Napangiti nalang ako kasabay nun ang pag tulo ng luha ko. Kahit wala na siya nararamdaman ko pa rin ang prisensya niya. Ang boses niya hindi mawala sa isip ko.
"Alexandro! Jusko apo ko!"
Nag angat ako ng tingin kay Lola at umupo siya sa tabi ko.
"Alexandro umayos ka nga! Walang magagawa yang pag mumukmuk mo! Umayos ka at pumasok sa eskwela! Tumayo ka diyan!" rinig kong sigaw ni Lolo.
Umiling ako saka tumayo at umupo sa kama. Inayos ko ang kumot ko at humiga. "Hindi ko kaya" walang gana kong sagot.
"Alexandro--"
"Sabing hindi ko kaya!" sigaw ko sabay bumangon "Hindi niyo ba ako naiintindihan? Hindi ko kaya! Kahit saan ako tumingin nakikita ko siya! Mababalik niyo ba siya ha!? Mababalik niyo ba si Megan?.."
-OUR ENDING-
BINABASA MO ANG
Our Ending | DSASNL Prequel
FanfictionBakit nga ba hindi maalis ni Alex ang pag mamahal niya kay Megan?. Dalawang salita at siyam na letra prequel. Alex and Megan love story. Published: May 30, 2021