lips of an angel

38 10 2
                                    

"Akin na" kinuha ko ang lipstick na hawak niya.

"Sige" sagot niya saka siya sumungo at kumurap ng dalawang beses. Pacute e.

Hinawakan ko ang baba niya at maingat na nilagyan ng lipstick ang kanyang labi. Natatakpan ang pag ka putla nito, parang nawawasak ang puso ko habang tinatakpan yun. Nahinto ako sa ginagawa ko habang nakatingin pa rin sa labi niya na ngayon ay nakaayos na. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Alex?"

"Megan mag pagaling ka.." usal ko at tinignan siya sa mata "Labanan mo yang sakit mo ha" hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko.

"Pag katapos ng second grading, hihinto na ako sa pag aaral kasi.. kailangan ko ng mag pa chemo"

Tipid akong napangiti saka tumango "Alam kong kaya mo.." sagot ko at nabigla ng bigla niya akong halikan sa labi.

"Kakayanin ko" kinuha niya ang lipstick sa kamay ko "Akin na nga hindi ka naman marunong e"

Dahil malapit na siyang huminto sa pag aaral ay sinulit na namin ang mga araw na mag kasama kami. Hindi ko maiwasang sumagi sa isip ko ang sakit niya. Alam kong malala ito, pero may tiwala ako sakanya na kakayanin niya. Para sakin, para saamin ng pamilya niya, para sa mga taong nag mamahal sakanya. Sobrang sakit na makita ang minamahal mong nahihirapan, gugustuhin mo na ikaw nalang sana ang nasa kalalagyan niya.


"Ma, Pa, si Alex po boyfriend ko" pakilala saakin ni Megan sa pamilya niya.

"Good morning po" bati ko at nag katiningan sila Tito at Tita. Ataw ba nila saakin?. Ibinaling nila ang tingin saakin at nakahinga ako ng makuwag ng ngitian nila ako. Lumapit si Tita saakin saka ako niyakapan.

"Sa wakas nakilala ko rin ang nag papangiti sa anak ko"

"Hehehe Ma naman" sagot ni Megan at nag ngitian kami.

"Hijo" bati rin saakin ni Tito saka kami nag shakehands.

"Dito na muna kayo ha, mag hahanda ako ng meryenda" paalam ni Tita at umupo kami sa sofa nila.

Habang tahimik lang akong nag hihintay ay napatingin ako kila Morgan at Megan na nag tatawanan dahil sa kwento ni Morgan. Nakasandal si Megan habang nakikinig. Tinapik tapik ko naman ang mga daliri ko sa tuhod saka tumayo.

"Oh?" si Morgan

"Samahan ko si.. Tita at Tito dun" paalam ko at mabilis silang tumangong sabay. Napangiti naman ako dahil sa nakita ko. Kambal nga hay, naiignorante ako.

Nang makarating ako ng kusina nila ay naabutan ko silang abala sa pag hahanda ng meryenda.

"Hijo mag hintay ka nalang doon" nakangiting sabi ni Tito at napatingin rin saakin si Tita.

"Uhm.. May sasabihin po ako, suggestion po" paninimula ko at nag tinginan silang dalawa saka lumapit saakin si Tita.

"Ano yun hijo?" tanong saakin ni Tita

"Tita" hinawakan ko ang kamay niya "Tito, Sa Medwin hospital niyo nalang po ipa-gamot si Megan, kami na pong bahala sakanya. Magagaling po ang mga doctors namin--"

"Anong ibig mong sabihin hijo? Doctor ka na ba?" takang tanong ni Tito at umiling ako

"Hindi po Tito, amin po ang hospital na yun. Doctors po ang Lolo at Lola ko doon at isa pa nakausap ko na po sila na libre po lahat--"

"Naku hijo jusko po" napatakip ng bibig si Tita habang umiiling "Hindi namin matatanggap yan, naku" tumingin siya kay Tito "Malaking abala 'to"

"Tita, hindi po... please po pumayag na kayo, gaya niyo gusto ko rin pong madugtungan ang buhay ni Megan, gusto ko po siyang gumaling" pakiusap ko.

"Pero hijo, kailangan niya ng bone marrow transplant" sagot ni Tito at tumango ako.

"Nasabi nga po ni Morgan saakin"


"Ate!? Ma! Pa! Si Ate!!"

Halos malaglag ang puso ko ng marinig ko ang sigaw ni Morgan, mabilis na nawala si Tito at Tita sa harap ko. Ako naman ay parang naestatwa sa kinatatayuan ko habang naririnig silang nag kakagulo na.

"Mag tawag ka ng Ambulansya!"

"Ate!!!"

"Megan anak!!"

Hirap kong maigalaw ang mga paa ko kaya dahan dahan akong nag lakad paalis ng kusina at ng makita ko ang kalagayan ni Megan ay napahawak ako sa pader dahil nanghina ang dalawang tuhod ko.

Puno ng dugo sa sahig na galing sakanyang bibig, nakapikit na rin ito habang hawak hawak ni Morgan na hindi matigil kakaiyak.

"Me...gan.."

Sinabihan ko sila Tita at Tito na sa Meldwin ito dalhin, hindi ako makaksabay sa ambulansya dahil dala ko ang motor ko.

Nang makarating ako sa hospitala y dumiretso ako information desk at tinuro nila saakin kung saan dinala si Megan. Nakita ko nalang sa hallway na umiiyak doon sila Tita at Morgan. Wala ako sa sariling napaupo sa gang chair. Niyuko ko ang ulo ko at mariing napapikit. Hinanda ko na ang sarili ko dito, pero bakit nangyayari ito saakin? Hindi ko matanggap na nag kakaganito siya. Bago ko siya mahalin, alam ko ng mangyayari ito.

Nang maadmit na si Megan at malinis na ay doon na lang ako nag lakas loob para tignan siya.

"Hijo, tatanawin kong.. Isang malaking utang na loob ito sayo" humihikbing sabi saakin ni Tita at niyakap ko siya. Ibinaling ko ang tingin kay Megan na walang malay, nakabantay si Morgan sa tabi niya na nakayuko ang ulo habang tahimik na umiiyak.

Nang kumalas si Tita sa pag kakayakap saakin ay lumapit ako sa gawi ni Morgan. Nag angat ito ng tingin saakin. "Kuya.."

"Pag nakita ka ni Megan na umiiyak, baka umiyak rin yan" usal ko sakanya at mabilis niyang pinunasana ng luha niya. Umupo ako sa tabi ng kama at hinawakan ang kamay ni Megan.


Hindi mo lang laban 'to Mahal, sasamahan kita'



-OUR ENDING-

Our Ending | DSASNL PrequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon