"Yung napractice natin ha"
"Morgan Morgan, papasok na raw siya" taranta kong sabi ng senyasan ako ng isnag kagrupo ko.
"Ayan na ayan na, act normal ha" utos ni Morgan sa nga kasabwat namin saka niya pinasa saakin ang bola at nag kunwareng nag laro.
Nag tama ang paningin namin ni Megan habang pinapatalbog ko yung bola, nag ngitian kami saka niya ako kinawayan at kinindatan ko naman siya. Gustong gusto niya yun e hehe.
"Aray!" napatingin ako kay Morgan ng madulas siya. Agad agad? Bakit na siya umarte!?. "Ate!" tawag niya sa kambal niya at agad namang tumakbo si Megan palapit kay Morgan na nag iinarte. "Dito ka dito ka!" utos ni Morgan sa kambal niya saka tinuro ang pwesto kung saan matatalikuran kami ni Megan.
Humigpit ang hawak ko sa bola habang kinakabahan. Ibinigay ng isang kagrupo ko ang bulaklak saka sila pumila. Nag punta ako sa likod nila. Kainis, ito kasi yung tinuro ni Morgan e.
Nag umpisa ng pumito ang nasa harap. Mariin nalang akong nakapikit at hindi na nakikita ang nangyayari. Ingay nalang ng mga nanunuod na studyante ang naririnig ko. Basta ang sabi ni Morgan, isa isang haharap yung mga nakapila tapos may nakadikit na papel sa katawan nila mga letrang W,I,L,L,Y,O,U,B,E,M,Y,G,I,R,L,F,R,I,E,N,D. Hindi ako sigurado pero ang baduy talaga nito, si Morgan kasi e kapapanuod niya siguro ng pelikula!.
Huminga ako ng malalim at iminulat ang mata. Isang kalabit ang senyas saakin bago ako humarap. Nang maramdaman ko na ang signal ay mas umingay ang paligid. Hawak hawak ang tatlong sunflower ay humarap ako kung saan ang gawi ni Megan.
Nakatakip siya ng labi at inalis niya yun ng mag tama ang paningin namin. Nginitian ko at nag lakad papalapit sakanya, umalis na rin si Morgan sa likod niya.
"Alex..." usal niya at tumulo ang luha niya habang nakangiti.
"Hm.. Walang iyakan" usal ko habang pinupunasan ang mga luha niya sa pisngi.
"Nakakahiya, ang daming tao"
"Hayaan mo sila, para malaman nila kung gaano kita kamahal Megan"
"Grabe 'to Alex.. Grabe 'to"
Inalis ko ang tingin sakanya at napatingin sa mga tao. Huminga ako ng malalim at tila ba nawala ang hiya sa katawan ko. "Makinig kayong lahat!!" sigaw ko habang nakangiti
"Huy Alex, boang ka--"
"Tandaan niyo itong babaeng nasa harap ko!!, Mahal na mahal ko siya!! Siya lang ang mamahalin ko!!! Habambuhay!!" matapos kong sumigaw ay nag hiyawan sila habang pumapalakpak.
"Boang ka talaga" hinampas niya ako sa dibdib at hinawakan ko ang kamay niya.
"Megan, payag ka ba? Pwede ba kitang mahalin habambuhay? Will you be my girlfriend or should I say.... my forever?" Tanong ko at tinaas ko ang dalawang kilay ko dahil hindi pa rin siya nag sasalita. Natahimik rin ang mga nanunuod saamin. "It's ok to say no--"
"Oo!!" nanlaki ang mata ko ng bigla siyang sumigaw habang nakangiti "Oo Alexandro Javier!! Girlfriend mo na ako!! Mahal din kita!!"
Nag hiyawan ang mga tao at nag palakpakan matapos ring sumigaw si Megan.
Dahan dahan akong napangiti saka siya niyakap "I love you Megan"
"I love you too..."
Kalat na sa buong campus na couple kami kaya sa tuwing nakikita nila si Megan ay binabati nila. Maraming gustong kumaibigan kay Megan dahil sa girlfriend ko na siya. Ang grades ko? Mas lalong tumaas, nakakagana mabuhay, akala ko ako ang mag bibigay ng dahilan sakanya para gustuhin pa niyang mabuhay ang kaso nag kamali ako. Siya ang nag bigay saakin ng dahilan para gustuhin ko pang mabuhay.
"Mahal, nakikita mo yun" turo ko doon sa nag lalakad na asungot.
"Asaan?" tanong niya habang nag lalagay ng lipbalm.
"Yung lalaking nakasalamin na nag lalakad" pag dedescribe ko kay Andrey na mag isang naka upo sa study shed.
"Ah oo, bakit?"
"Kapatid ko sa ama" mabilis kong sagot saka kumagat sa burger na kinakain ko. Napatingin nalang ako sakanya ng umalis na siya sa tabi ko. Mabilis akong tumayo at sinundan siya habang ngumunguya. "San ka pupunta?" takang tanong ko.
"Mag papakilala ako sakanya" nakangiting sagot niya.
"Huwag na.." hinila ko siya pero inalis niya ang kamay ko na nakahawak sakanya. "Tsk" wala akong nagawa kundi sundan siya.
Nag angat ng tingin si Andrey kay Megan pabalik saakin. "Hello" nakangiting bati ni Megan
"H-hi" nauutal na sagot ni Andrey habang nililigpit ang gamit.
"San ka pupunta?" takang tanong ni Megan
"G-gagamitin niyo?"
"Hindi hehe, ano ka ba relax" natatawang sabi ni Megan saka tumingin saakin. Sinenyasan niya ako at kinunutan ko naman siya ng noo. Pinanlakihan niya ako ng mata.
"Bakit?" takang tanong ko sakanya at sinamaan niya ako ng tingin.
"Ipakilala mo ako" mariin niyang sabi kaya naman napairap ako sa kawalan.
"Ah hehe o-ok lang kilala naman na kita" sagot ni Andrey
"Oh kilala ka naman pala" walang gana kong sagot pero pinanlakihan niya ako ng mata. "Andrey"
"P-po"
"Si Megan, girlfriend ko" pakilala ko sakanya at ngumiti siya kay Andrey saka kumaway. "Megan si Andrey" dugtong ko at itinuloy ang pag kain sa burger.
"Hello Andrey, batch tayo diba? Hehe" nag shakehands sila.
"Nice meeting you" sagot naman ni Andrey.
"Tama na yang kamayan" utos ko at nagulat ata si Andrey dahil pabigla niyang inalis ang kamay niya na nakahawak kay Megan. Mamaya, pati si Megan agawin pa sakin.
Dahil nakilala na ni Megan si Andrey ay mas naging matanong pa ito tungkol sa pamilya ko kaya kwinento ko sakanya lahat. Girlfriend ko naman siya e, karapatan niya na ring malaman yun.
"Hawak kang mabuti sakin" utos ko ng makaangkas na siya sa motor ko. Humawak siya sa balikat ko "Nandidiri ka ba sakin?" reklamo ko
"Ito na nga oh" sagot niya at yumakap saakin kaya napangiti ako. "Huwag mabilis, natatakot ako"
"Akong bahala, kiss muna" tinuro ko ang pisngi ko at agad niya ring hinalikan yun.
Habang nasa daan ay napapatawa ako dahil sa ginagawa niya.
"Whoohh!!! Buhay pa ako!!" sigaw niya habang nakataas ang dalawang kamay niya.
"Hoy humawak ka" utos ko habang natatawa saka niya ako niyakap.
"I love you Alex"
"I love you too Megan"
-OUR ENDING-
BINABASA MO ANG
Our Ending | DSASNL Prequel
FanfictionBakit nga ba hindi maalis ni Alex ang pag mamahal niya kay Megan?. Dalawang salita at siyam na letra prequel. Alex and Megan love story. Published: May 30, 2021