our ending

45 10 1
                                    

Habang katabi ko siya ang nakasandal ang ulo niya sa dibdib ko ay nararamdaman ko ang pag bigat ng pag hinga niya.

"Ma...hal.."

"Hm?"


"Thank you.."


Tipid akong napangiti "Ano ka ba" yun nalang ang naisagot ko dahil sa tingin isang salita ko pa ay tutulo na ang luha ko.


"Si... Morgan... ingatan mo siya.. gaya ng.."


"Pag iingat ko sayo? Opo" pag papatuloy ko sa sasabihin niya at hinalikan ko siya sa noo. Napapikit ako "Matulog ka na" utos ko dahil hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi niya. Ganito si Mom bago siya mawala sakin, ayokong maulit yun.


"Mag... papahinga na ako"


"Mahal kita" sagot ko at binilisan kong sabihin yun para marinig pa niya. Hindi na ako nakatanggap ng sagot dahil tulog na siya.


Makaraan ang ilang araw ay hindi na ulit siya nagising. Masakit man para saamin ay inuwi na nila Tito at Tita si Megan sa bahay nila. Nakita namin kung paano nilabanan ni Megan ang sakit niya, pero anong magagawa ng pera, apparatus, mga gamot o kung ano pa man na pwedeng dumugtong sa buhay niya. Kung pagod na siya.


Pagod na si Megan, yun ang sabi saakin nila Tito at Tita. Ang sabi rin ni Lolo ay malabo ng makasurvive siya. Masisiraan na ata ako ng bait. Hindi ko alam kung paano yun tatanggapin. Parang kahapon lang nung niligawan ko siya, nung lagi akong nag lalagay ng bulaklak sa tuktok ng locker niya, yung sinorpresa ko siya sa court, tuwang tuwa siya nun. Sinigaw ko pa nga na habambuhay ko siyang mamahalin e, sinigaw niya rin na mahal niya ako. Paano na ngayon? Paano na ako ngayon?.


Nang maipark ko ang motor ko sa tapat ng bahay nila ay nag taka ako dahil bakit may mga ibang tao sa balkonahe nila. Agad akong pumasok sa loob at pumasok sa bahay nila.


Naabutan ko si Tito na nakaupo sa sofa habang umiiyak. Mula rito ay rinig ko ang iyak ni Morgan, kahit pa halos mawalan na ako ng hininga ay pumunta ako sa kwarto nila at nahinto.


Nahinto ang oras ko. Nahinto ang mundo, dahil ang naging mundo ko... iniiyakan na.



Nakaupo si Tita sa tabi ni Megan, si Morgan naman ay nakahiga sa tabi ng kambal niya habang yakap yakap niya ito. Ang babaeng mahal ko, parang mahimbing lang na natutulog, napakaganda..


"Alex? Alex anak" lumapit saakin si Tita at niyakap ako habang humahagulgol. Tulala lang ako habang nakatingin kay Megan, "Wala na siya.."


"Buhay pa siya Tita.." pilit akong ngumiti "Sa puso ko.."



Lumapit ako kay Megan at hinalikan siya sa labi at sa noo. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang ulo ni Morgan na umiiyak.


Ibinalik ko ang tingin kay Megan at kinuha ang kamay niya saka ito hinalikan. "Tandaan mo yung huling sinabi ko sayo hm..?"





-OUR ENDING-

Our Ending | DSASNL PrequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon