beg for her life

41 10 0
                                    

"Alex"

"Hm?" sagot ko habang nakatingin sa kamay niyang may nakaturok.

"Makipag ayos ka na sa kapatid mo"

Kunot noo akong napatingin sakanya dahil out of nowhere ang topic niya "Hm?"

"Ano ka ba, siya lang ang kapatid mo kaya dapat mahalin mo siya. Gaya samin ni Morgan, siya lang ang kapatid ko kaya mahal na mahal ko yun" sagot niya at napakamot ako sa noo.

"Hirap ka na ngang mag salita, ang daldal mo pa"

"Hm.. Umiiwas ka lang sa topic e"

Napasinghal ako "Oo na, mahal ko rin naman yun hindi lang halata"

"Edi ipahalata mo, kung kay.. Morgan nga nagagawa mong mag paka-kuya e, sa tunay mo pa kayang kapatid?"

Hinalikan ko siya sa noo "I love you"


"I love you.. Forever hehe"

Halos naging tirahan ko na itong hospital dahil lagi ko siyang binibisita, araw araw pag katapos ng eskwela. Minsan nga hindi na ako pumapasok e kasi hindi ako makatulog sa bahay sobrang pag aalala sakanya.

Naalimpungatan ako at mabilis na ibinangon ang ulo ng maramdaman ko si Megan na nanginginig ang buong katawan.

"Tita!" tawag ko kay Tita na tulog sa sofa at gaya ko ay mabilis rin itong bumango.

"Megan!?"

Mabilis akong lumabas ng kwarto para mag tawag ng doctor "Doc! Doc!!" sigaw ko at may isang doctor na patakbong lumapit saakin. Binuksan ko ang pinto para makapasok siya agad. Sumunod naman ang mga nurse. Ang iba ay inutusan palabasin si Tita.

Hindi ito ang unang beses na nag kaganon si Megan, pag gumigising siya ay hindi na rin siya gaanong nakapag sasalita dahil sa panghihina gawa ng chemotherapy. Oo, nakakapanlata at nakakapang hina na makita siyang ganun pero hindi namin pwedeng ipakita yun sakanya.


"Alam mo ba na milyon na ang nagagastos ng nobya mo ha!" mahigpit akong napahawak sa laylayan ng damit ko habang sinisigawan ako ni Lola. "Marcelo pag sabihan mo yang anak mo!"

"Anak, private ang hospital natin. Paano kung malaman ng iba na may libreng pasyente tayong inaasikaso?" tanong saakin ni Dad pero hindi ako sumagot. Nanatili nakayuko ang ulo ko habang nangingilid ang luha.

"Alexandro, hindi pwedeng gawing libre ang bone marrow transplant" sambit rin ni Lolo.

Nag angat ako ng tingin at tatlo silang nasa harap ko. Naramdaman kong tumulo ang luha ko at napasinghal si Lola. "Nag mamakaawa po ako..." lumunok ako at napatingin sa mga paa nila.

"Alexandro!"

"Anak!"

"Hay naku Alex!"

Lumuhod ako sa harap nila habang nakayuko ang ulo at humagulgol. Tila ba lahat ng luha na pinigilan ko ay ngayon na bumuhos lahat. "Nag mamakaawa ako.. Tulungan niyo siya.. Nag mamakaawa ako.. Gagawin ko lahat" nag angat ako ng tingin ng may sumagi sa isip ko "Lola hindi na ako mag e-engineer, mag memedicine ako, pangako mag memedicine ako pag pumayag kayo" pakiusap ko "Lolo" hinawakan ko ang paa ni Lolo "Lolo.. I'll make you proud basta tulungan niyo lang si Megan.."

"Anak tumayo ka diyan" pumantay saakin si Dad at pilit akong pinapatayo.

"Dad, dad tulungan mo naman akong kumbinsihin sila oh! Kahit yun nalang ang gawin mo bilang ama sakin" pakiusap ko at yumuko ang ulo niya ibinalik ko ang tingin kila lolo at lola "Nag mamakaawa ako... Parang awa niyo na.."

"Apo tumayo ka" pumantay saakin si Lolo at pilit rin akong pinatayo.

"Hindi niyo alam kung gaano ko siya kamahal.. Hindi niyo ako naiintindihan.. Bakit ba ang hirap niyong pakiusapan?.. A-ako nalang! K-kunan niyo ako ng bone marrow.. Ako nalang lolo.."

"Alexandro!" sigaw ni Lola




-OUR ENDING-

Our Ending | DSASNL PrequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon