yearning heart

45 11 0
                                    

Napansin ko na maraming mga bagong atleta ang sumali sa try outs, maraming lampa sakanila gaya nalang nitong pinasahan ko ng bola pero hindi niya nasalo. Siya lang yung ganito kalampa kaya kailangan ko siyang tutukan.

"Mali yang position mo, ganito" tinuruan ko siya kung paano mag lay-up. "Ikaw naman" pag kapasa ko sakanya ng bola ay napatingin ako sa entrance ng makita ko si Megan na pumasok. Hindi ko mapigilan ang ngiti kaya inalis ko ang tingin sakanya, sa gawi ko kasi siya nakatingin.

Akala ko ba gusto niyang tigilan ko na siya? Bakit siya yung lumalapit? Tss. Type rin ako nito e. May dala pa siyang bottled water, para saakin kaya yun?.

"Break time!" sabi ni Coach.

"Salamat kuya ha" sabi nung tinuruan ko at tinanguan ko naman siya sabay tingin kay Megan.

Lalapit na sana ako kaso napansin ko na yung tinuruan kong lalaki kanina ay lumapit kay Megan. Nahinto ako habang nakatingin sakanila. Inabot ni Megan ang tubig doon sa lalaki habang nakangiting nakikinig doon sa lalaki. Sino yan? Kaya ba niya ako pinapatigil dahil may boyfriend na siya?.

Ang dami niyang drama, lalandi rin pala.

Matapos ang break time ay tumalim ang tingin ko doon sa boyfriend ata ni Megan. Nang ipasa ko sakanya ang bola ay sinadya kong tamaan siya sa ulo kaya napatumba ito.

"Saluhin mo!" sigaw ko at napatingin kay Megan na mabilis tumakbo papalapit sa boyfriend niya.

"Sinadya mo yun e!" sigaw daakin ni Megan

"Hindi ah, lampa lang talaga yang boyfriend mo" natatawang sabi ko.

"Morgan? Nahilo ka ba?" nag aalalang tanong niya dito habang inaalalayang pina upo yung lalaki.

"Ok lang ako Ate hehe, dun ka na"

Dahan dahang nawala ang ngiti ko dahil sa narinig ko. Ibinaling ko ang tingin sakanila at nakitang masama ang tingin saakin ni Megan kaya napalunok ako. "Ate?" bulong ko sa sarili.

Mabilis akong nag lakad papalapit sakanila saka tinungkod ang isang tuhkd sa sahig. "Brad pasensya na ha--"

"Huwag mo ngang hawakan ang kambal ko!" sigaw saakin ni Megan saka niya padabog na hinawi ang kamay ko na nakahawak sa...

"Kambal?" wala sa sarili kong tanong saka napatingin sa lalaki, pabalik kay Megan. Bahagya akong napanganga "Mag kambal kayo?"

"Ayos lang yun Kuya, maganda yung masaktan muna ako para matuto" nakangiting sabi ni Morgan.

Masama pa rin ang tingin saakin ni Megan "Sorry" nahihiyang sabi ko at inirapan niya ako saka tumayo.

"Boang" rinig kong sabi niya at tumayo na rin ako.

"Kuya, paturo naman ako para maging kasing galing kita" rinig kong sabi ni Morgan kaya ngumiti ako ng malawak saka siya inakbayan.

"Sure" sagot ko at ibinalik ko ang tingin kay Megan "Akong bahala, mas gagaling ka pa sakin" nakangiting sagot ko kay Morgan habang nakatingin kay Megan.

"Kambal, ang bait niya diba huwag ka ng sumibangot diyan" sabi ni Morgan sa kambal niya

"Oo nga naman, sorry na kasi" sabi ko at ibinaling ni Megan ang tingin saakin kaya kinindatan ko siya.

"Mabait nga boang naman" inis niyang sagot at inirapan ako saka tumingin kay Morgan "Pawis mo ha" turo niya sa kambal niya at bago tumalikod ay binigyan pa niya ako ng isang irap. Suplada.

Nakangiti ako habang hinahatid siya ng tingin "Kuya, crush mo si kambal ko 'no?" napatingin ako kay Morgan.

"Tuturuan kita lahat ng technique ko, pero tulungan mo rin ako sa Ate mo" nakangising offer ko at mabilis siyang tumango.

Ganun nga ang nangyari, habang tinuturo ko kay Morgan lahat ng nalalaman ko sa basketball ay tinulungan niya rin ako sa Kambal niya. Ang paboritong bulaklak ni Megan ay sunflower kaya walang mintis na nag lalapag ako ng sunflower sa tuktok ng locker niya. Ang paborito niyang kulay ay pula kaya binilhan ko siya ng lipstick at ipinabigay kay Morgan. Napansin ko kasi na gumagamit siya ng pulang lipstick, minsan nga ang kapal e.

Siguro dahil kung wala siya nun lalantad ang maputla niyang labi. May mga alam ako tungkol sa sakit na leukemia dahil nag tatanong ako kila Lolo at Lola ko na parehong mga doctor.

Dahil kay Megan, mas gumagaan ang paligid ko, ang lakas ng tama niya saakin. Pati pag gising ko sa umaga, siya na rin ata yung dahilan hehe.

"Nililigawan mo ba ako?" tanong niya habang nasa harap ko siya, nahinto naman ako sa pag lalakad. Hawak niya yung sunflower na nilapag ko sa tuktok ng locker niya.at nakasuot siya ng jacket. Sa tono niya mukhang hindi siya natutuwa.

"Oo" yun lang ang naisagot ko dahil sa takot. Bumagsak ang dalawang balikat niya saka napabuga sa hangin.

"Ligaw? Hm.. Ligaw pala ha, tignan natin" nakangising sabi niya at taka akong pinapanuod siya habang may kinukuha siya sakanyang bag. Nag labas siya ng wipes. "Sa tingin mo maganda ako?" natatawang tanong niya habang naka turo sa mukha niya.

"Oo naman" walang pag aalinlangan kong sagot.

"Maganda pala ha, tignan natin" hamon pa niya kaya nag pamulsa ako. Itinapat niya ang maliit na salamin sa mukha niya saka niya pinunasan ng wipes ang mukha niya, pati na rin ang labi niya. Tama nga ako, tinatago niya ang putla niya.

Bumuntong hininga ako habang pinapanuod siyang nag tatanggal ng make up. Ang lalim ng mga mata niya, medyo maitim rin ang ibaba ng mata niya, maputla ang labi at maputla rin ang kulay.

Inalis niya ang salamin sa tapat ng mukha niya saka ngumiti saakin, inalis niya ang kanyang jacket at nakita ang mga pasa niya sa kamay. Parang bumigat ang pag hinga ko ng makita ito. "Wala akong lahing dalmatian ha, hehe. Pag naka ipon na ang magulang ko para sa chemotherapy ko.." nahinto siya at narinig ko ang singhal niya "Itong buhok ko, mawawala na yan. Wala ng mag papaganda sakin.. Oh ano? Liligawan mo pa rin ba ako?"

Inalis ko ang kamay ko sa bulsa at mag lumapit sakanya. Hinawakan ko ang baba niya saka ko inangat saakin. Tipid akong ngumiti "Bukod sa Mom at Lola ko... Megan.. Ikaw pinakamagandang babaeng nakilala ko"

Kumurap siya ng maraming beses at nakitang nangingilid ang luha niya "Sinasaktan mo lang yang sarili mo--"

"Megan, mas masasaktan ako kung pag babawalan ko ang sarili kong mahalin ka."

"Mamamatay din ako"


"Sshhh.. buhay ka pa Megan, hayaan mo akong mahalin kita"


Simula ng mangyari iyon ay mas ginanahan akong ligawan siya ng wala ng takot, wala ng dapat itago. Hinayaan niya akong iparamdam sakanya kung gaano ko siya kagusto, kung gaano ko kagustong mabuhay pa siya. Para ng sa ganun, mag karoon pa siya ng isang dahilan para mabuhay at labanan ang sakit niya.

-OUR ENDING-

Our Ending | DSASNL PrequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon