be with you

41 10 1
                                    

Habang nag babalat ng orange ay napapatingin ako sa mag kambal na nag lalaro. Saw-saw suka ata? Ewan. Pero kahit ano pa yan, ang importante bumalik ang mga ngiti sa labi ni Megan, kahit papaano nakakagaan rin sa pakiramdam.

"Dun ka nga, ang daya mo!" inis na sabi ni Megan sa kambal niya na kanina pa tawa ng tawa. Ano bang nakakatawa. Sinubo ko kay Megan yung isang piraso ng orange at ngumanga rin si Morgan, ibinigay ko sakanya yung isang buo.


"Subuan mo ate mo" utos ko sakanya at sumibangot siya. "Kumusta pakiramdam mo" tanong ko kay Megan at hinawakan ang kamay niya.


"Okay na, nakita na kita e yiieee hahaha!"

"Utot! Haha!"


"Tch" bahagya akong natawa habang napapailing.

"Nga pala Kuya Alex, gusto mo rin bang mag pakalbo? Tara samahan natin si Ate"


Pilit akong ngumiti dahil bumigata ng dibdib ko "Sige sige"

"Hindi pwede! Hindi bagay sayo" inis na sagot ni Megan habang inaayos ang buhok ko. "Hindi rin bagay sayo! Mag mumukha kang itlog" mataray niyang sabi sa kambal niya. Napatingin ako kay Morgan na unti unting nawala ang ngiti. Tumingin siya sa orange na hawak niya "Oh?" tanong ni Megan.

"Ha? Hehe, may bibilhin lang ako sa labas" mabilis na paalam ni Morgan saka siya tumayo at nag lakad paalis ng kwarto.

Nakatingin pa rin si Megan sa pinto, siguro ramdam niyang iiyak na naman ang kakambal niya.

"Megan" tawag ko sakanya at tumingin siya sakin.

"Uy alam mo ba, naiinis ako" irita niyang sabi.

"Bakit?"

"Nandito kasi kami sa Meldwin hospital, jusko ang mahal mahal kaya dito" mariin niyang bulong saakin.

"Hm.. Magaling naman ang mga doctors dito, mapapagaling ka nila" sagot ko at bahagyang natawa.

"E kumusta naman ang bulsa ng magulang ko? Hay... Ang laki kong pabigat--"

"Sshh.. Pabigat ka diyan, huwag mong isipin yan, mag pagaling ka para makaalis ka na dito"


Hindi niya ako sinagot at nag handa siyang humiga kaya inalalayan ko siya hanggang sa makahiga ito. Bumalik ako sa pag kakaupo ko sa tabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Alex.. Sorry ah"


Kumunot noo ako "Para saan?" takang tanong ko


"Kasi.. May sakit ako, may sakit ang girlfriend mo"


Sandali akong natigilan at bumagsak ang dalawang balikat "Kahit may sakit ka o kahit wala kang sakit, mahal kita at hindi ko pinag sisisihang minahal kita" paliwanag ko.


Dahil sa kalagayan ni Megan ay hindi na ako makapag focus sa eskwelahan kaya naman binitawan ko na ang pagiging council president ko at ipinasa kay Cody dahil siya lang naman ang matalik kong kalaban sa posisyon na iyon. May kondisyon ang pag pasa ko sakanya ng pwesto, alam kong kaya niyang tuparin yun. Kaibigan ko na rin siya. Pwede na.


Pag karating ko sa kwarto niya ay naabutan kong si Morgan lang ang tao.


"Nasan ate mo?" takang tanong ko


"Nasa banyo kuya" sagot ni Morgan



"Oy Morgan! Mag gwapo na ako sayo" napatingin ako sa banyo ng marinig ko roon si Megan. Habang nag lalakad siya ay inaalalayan siya ni Tita. Wala na itong buhok, wala na lahat.

Pero walang nag bago, siya pa rin ang pinakamagandang babaeng nakilala ko. Nag tama ang paningin namin at nginitian ko siya. Hindi siya ngumiti pabalik at inalis ang tingin saakin.


"Ate! Ito na ang mahiwagang bonet!" masayang sabi ni Morgan saka isinuot kay Megan ang bonet na pula. "Pogi haha! Para na akong nananalamin hahaha!" tawa nito.


"Anong nananalamin, ambisyoso! Mas pogi ako sayo!" sagot naman pabalik ni Megan sakanya.


Maya maya pa ay nag pasama si Tita kay Morgan para bumili ng pag kain kaya ako lang ang naiwang mag bantay kay Megan.


Hindi ko pinapahalata sakanya ba nag tataka ako kung bakit hindi niya ako pinapansin ko kinakausap man lang. Ayokong mag tanong baka hindi ko magustuhan ang isasagot niya.


"Nag aaral ka pa ba? Bakit ka laging nandito?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa kawalan.


"Kaya ko namang pag sabayin e" sagot ko saka umupo sa tabi niya, akma kong hahawakan ang kamay niya pero nilayo niya ito saakin.



"Alex, mag hiwalay na tayo"



Napahilot ako sa noo at tumayo "Saka na, pag gumaling ka" sinakyan ko nalang ang pag sisinungaling niya. Alam ko namang nasasabi niya lang yun dahil pakiramdam niya ay nagiging pabigat na ako sakanya.

"Hindi na ako gagaling, huwag na tayong mag lokohan dito" sagot niya "Hindi na ako yung taong minahal mo Alex, okay lang saakin na hiwalayan mo ako. Hindi ako magagalit"

Napahilamos ako ng mukha at ibinaling ang tingin niya sakin "Ayoko, walang mag hihiwalay Megan--"

Nahinto ako ng irita niyang inalis ang bonet niya saka padabog na tinapon kung saan. Matalim siyang tumingin saakin habang nangingilid ang luha "Hindi mo ba ako nakikita!? Tignan mo ako Alex! Ako pa ba yung niligawan mo ha! Hindi na ako yun!, hindi mo matanggap na mamamatay rin ako! masasaktan kita pag namatay na ako!" matapos niyang sumigaw ay tinakpan niya ang kanyang mukha.

Huminga ako ng malalim at naramdaman kong tumulo ang luha ko. Nag lakad ako patungo doon sa bonet na tinapon niya, bigay 'to ng kambal niya e tapos itatapon niya lang. Pinulot ko yun at nag lakad palapit sakanya. Nakatingin siya saakin habang umiiyak.

Umupo ako sa tabi niya at pinagpag ang bonet na hawak ko saka marahan na isinuot sakanya. "Huwag ka ng umiyak" malumanay kong sabi habang pinupunasan ang luha niya. "Ayokong nakikita kang umiiyak, nasasaktan ako"

"Alex... Sorry.. Sorry.." niyuko niya ang ulo niya at inangat ko ito saka ko siya niyakap.

"Huwag mong iisipin na napapagod na ako sayo, hindi yun mangyayari" sagot ko.



-OUR ENDING-

Our Ending | DSASNL PrequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon