Habang nakaupo ay tinaas ko ang dalawang paa ko sa mesa at humithit ng sigarilyo. Sa tuwing nangyayari ito saakin, siya ang naaalala ko. Yung ngiti niya, yung prisensya niya at lahat lahat sakanya.
Maraming nag sasabi saakin na kalimutan ko na siya at mag mahal ng iba ulit. Paano ko yun magagawa? Walang babaeng katulad niya.
Tinapon ko sa baba ang upos ng sigarilyo ko.
Maya maya pa ay may naramdaman akong nag lalakad na babae papalapit.
Andito na naman ang boang'
"Hay!! Ang hangin naman dito!, Uy" tinuro niya ako at seryoso lang akong nakatingin sakanya "Himala, di umuusok yang bibig mo ngayon?"
"Anong akala mo sa bibig ko, tambutso?" sagot ko at natigilan ng ngumiti siya.
"Haha!" tawa niya.
Mahal.. Minumulto mo ba ako?'
END
Published: May 30, 2021Yah maikli lang, pero salamat sa pag babasa hehehe. Ngayon alam niyo na kung anong sinulat kong backstory ni Alex este ang love story nila ni Megan hehe. Ang saya no?. Choss.
-ysa
BINABASA MO ANG
Our Ending | DSASNL Prequel
FanfictionBakit nga ba hindi maalis ni Alex ang pag mamahal niya kay Megan?. Dalawang salita at siyam na letra prequel. Alex and Megan love story. Published: May 30, 2021